Bampira? Totoo ba 'yon? Talaga?
"Wehh, Talaga? Bampira ka? " hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Alanganin naman siyang tumango. "I'm a half vampire and half werewolf." Nakayukong sabi niya. Nag-angat siya ng tingin at deretsong tumingin sa mata ko. "Hindi ka natatakot sakin? " seryusong tanong niya.
Umiling naman ako. "Hindi ako naniniwala. Patunayan mo."
Nasampal naman niya ang noo niya. "Tsk. It's up to you."
"Patunayan mo na bampira ka. Kagatin mo ako. " hamon ko sa kanya.
Lumapit naman siya sakin. "Sige, saan banda gusto mo? " bulong niya.
Hala! Mukhang seryuso talaga si koya ah. Baka kagatin niya talaga ako.
"Iba na lang, ipakita mo nalang sakin ang anyong bampira mo. "bahagyang umangat ang isang sulok ng labi niya.
"Ok, if thats what you want." Kibit balikat niya.
Lumapit siya sakin at bahagyang yumuko para amuyin ang leeg ko. "I love your scent. Ang bango mo. "
Nagtayuan ang balahibo ko dahil doon. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa balat ko.
Bahagya siyang lumayo sakin pero nakapikit pa rin ng mariin. Maya maya pa ay nagmulat siya ng mata. Ang pulang kayumanggi niyang mata ay tumingkad ang kulay at naging pula iyon. May dalawang mahabang pangil na sumisilip sa mapulang labi niya at ang balat niya ay mas lalong pumuti.
Sobra pa sa bond paper.
Nanlalaki ang mata ko dahil sa nakikita. Hindi ako makapaniwala! Hindi ko akalain na makakakita ako ng bampira at ang mas malala pa ay nakakausap at kasama ko siya! Kung dati napapanood ko lamang siya sa mga movies at nababasa sa mga libro, ngayon nakikita ko na sa personal!
Teka...matatakot na ba ako? Pero masyado siyang gwapo para katakutan.
Paglipas ng ilang minuto ay bumalik na siya sa normal. Tumingin na naman siya sa mga mata ko. Para bang may sinusuri siya doon at hinahanap.
"You're not scared? " parang natatakot na tanong niya sakin.
Umiling ako at matamis na ngumiti. "Mas nakakainlove ka. Ang pogi mo eh. "
Natigilan siya sa sinabi ko.
At nang mapagtanto ko kung anong sinabi ko ay ako naman ang nahiya! Sinabi ko talaga 'yon? Ang landi ha! Siguradong namumula na ako ngayon dahil sa kahihiyan. Masyadong obvious na napopogian ako sa kanya.
"No. I'm not. " tumungo siya at kitang kita ko ang pamumula ng tenga niya.
Ay marunong pala mahiya to kapag pinupuri.
Ilang minuto na namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa."Kung imoral ka, edi imortal din ang mga pinsan mo." Basag ko sa katahimikan.
Tumango naman siya. "They're werewolves."
Manghang tumango-tango naman ako. "Eh sina Yukino, Precious at Elly? "
Tumikhim siya at umayos ng upo. "Precious and Elly are wizards while Yukino is a white witch. Tulad mo hindi ko rin mabasa ang isip niya at hindi ko maramdaman ang presensiya niya kaya madalas nahihirapan ako sa paghahanap sa kanya."
Manghang tumango-tango na naman ako.
"Tapos na ba 'yang para sa report natin? " tanong ko sa kanya.
"Yeah. Bumalik ka na sa room, may pupuntahan pa 'ko. " utos niya sakin.
Tumango na lang ako bilang tugon. Akmang maglalakad na ako palabas sa cafeteria ng magsalita siya.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Tighter
RomanceA girl who desires attention and love from her father, but what she got is pain, sadness, mistreatment and betrayal. A leader of a team and heiress of Reigo-Fuentevieros. Who always want revenge to those people who hurt his love ones. What if...