Chapter 10

2 0 0
                                    

Hindi ko sinagot ang tanong na iyon ni Yuno.

"Hindi makasagot, siguro totoo noh? " si Linus.

"Pinagsasabi niyo. " inirapan ko sila.

Ayaw kong sagutin ang tanong nilang iyon, hindi ko alam ang sagot. Hindi ko masabi kung 'oo' ba o 'hindi'. Basta nahihirapan ako.

"Alam ko kung ano sinisigaw ng puso mo. " si Yuno, nagtaas baba ng kilay at malapad ang ngiti.

Tsss. Nagmamarunong sa damdamin ko ang lintik.

"Sige nga, ano? " hamon ko sa kanya at pinaningkitan ng mata.

Pinakita niya sakin ang kamao niya at nag close open siya. "Bugudogsh. . . Bugudogsh. . . Bugudogsh. . . " sabi niya sabay sarado at bukas ng palad.

"Bugu─Ano!?" Pasigaw na tanong ko. Parang ewan kasi...

Tawa ng tawa naman ang dalawa niyang pinsan.

"Bugudogsh bugudogsh bugudogsh bugudogsh! " pag-uulit niya at mas lalong lumakas ang tawanan ng dalawa, napapahampas pa sa desk.

Napangiwi ako dahil doon.

Bugudogsh? Ano 'yon tambol?

"Nagmamarunong ka, hawak mo ba puso ko?"

Umiling siya at nagkamot batok. "Ganyan kasi sinisigaw ng puso ko simula ng ma inlove ako kay Precious at sa tuwing nakikita ko siya. "

Napatango ako dahil doon. "Baka abnormal 'yang puso mo? " sarkastikong tanong ko.

"Hindi ah! Ganoon 'yong tibok kapag inlove──"

"Ay sakin hindi. " nag-cross arm ako at mataray na tumingin sa kanya.

Taka naman siya tumingin sakin. "Eh ano? "

"Sinisigaw ng puso ko... "

"Ano? " atat na tanong ni Dray.

Si Linus naghihintay lang din sa sasabihin ko.

"Sinisigaw niya... " humawak ako sa puso ko. "Aries. . . Aries. . . Aries. . . " sabi ko, damang dama ang tibok ng puso ko. Manghang pinapanood naman ako ng tatlo. "Aries. . . Aries. . . ARIES. . . " madiing sabi ko at napapapikit pa.

"What the fuck do you want!? Kanina ka pa Aries ng Aries!" Napadilat ako ng marinig ang iritadong boses niyang iyon.

Nasa likod siya kanina ah, narinig pa niya?

Ay, bampira nga pala 'yon.

Oh ngayon, mukha akong manok na nakalunok ng buong mais. Natameme, hindi na alam ano sasabihin.

Nakakahiya! Feel na feel ko pa naman 'yon! 'Yong tatlo pinagtatawanan lang ako.

"Ahhh... Eh.. A-ano kas──"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si Yuno.

"Pautang daw siya. " sabi niya at inakbayan si Aries.

Hindi makapaniwala namang tumingin sa kanya ang dahunan, pagkatapos ay tumingin sakin.

"How much? " malamig na tanong niya.

"Ahmm... Pambayad sana sa apart──"

"I said  how much, I didn't ask you kung saan mo gagamitin. "Supladong sabi nito sakin.

Ba't parang galit siya?

Tono palang ng pananalita parang nahihiya na ko umutang.

Hindi na lang ako uutang sa kanya. Parang galit naman siya eh. Sa iba na lang ako uutang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Embracing Her TighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon