Aaron
"Naku, bro! Lagot ka talaga kay tita kapag nalaman niya 'yong nangyari kagabi. Ewan ko nalang talaga kung hindi ka pa pauwiin sa inyo," ani ni Kieran.
Naglalakad kami ngayon sa hallway papunta sa El U Central Auditorium para sa isang announcement na gagawin ng dean. Something about the upcoming Acquaintance Party, I presume? This is the time of the year it's typically celebrated, so baka iyon nga.
"Tss. Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin," nakakunot noo kong ani. "At saka, wala naman akong nakuhang pasa. Mas mabigat pa nga ata kamao ni Kakashi kaysa ro'n."
"Si Levi? Sa'n mo ba nakuha 'yang pangalang Kakashi? Palayaw niya ba 'yan?" bulalas ni Kieran.
"Si Kakashi Hatake! 'Yong sa Naruto!" sagot ko sabay singhal. Napakaraming daldal talaga nitong si Kieran.
"Bakit? Ano bang meron kay Kakashi at Levi?" naguguluhang tanong ni Landon.
"Wala! Parehas lang silang may Heterochromia that's why I thought I should name him Kakashi," mabilis kong usal.
"Heterochromia?" kuryosong tanong ni Kieran.
"Oo, when a person has two different eye colors," maikling sagot ko.
"Wait! Oo nga, 'no? Magka-iba nga kulay ng mata ni Levi. They actually look pretty. Pero, aba! Kailan ka pa nagka-idea tungkol sa mga ganiyan, bro?" Nagtaas ng kilay si Kieran.
"Ahh. Naituro ni... Sir Samson?" pagpapalusot ko. Baka sabihin nila sobrang apektado ako kay Kakashi na nagkaroon pa talaga ako ng oras at gana mag-search tungkol sa mga mata niya.
"Gago! History and Theory prof si Sir Samson, ba't niya ituturo 'yon?" natatawang ani ni Kieran.
"Na... Nabanggit niya?" Tangina, ba't ba kasi patanong ako magsalita. "Nabanggit niya 'yon no'ng isang araw. Hindi ka kasi nakikinig!" dagdag ko pa, saka pinitik ang noo nito.
"Ouch!" daing nito. Dahan-dahan itong tumingin sa pigid saka humarap ulit sa akin, bago nagtaas ng hinlalato. Napabuga nalang din ako ng malakas na tawa.
"Wait, speaking of Levi, ba't pala nasa party siya kagabi?" tanong ni Landon.
"Baka in-invite siya ni Audrey?" patanong na sagot ni Kieran.
Landon shrugged. "Maybe, alam naman nating kaibigan no'n lahat. But, bro, it seems to me na kilala niya 'yong lalaking pinagsusuntok mo," ani ni Landon.
I thought of that too. But, I don't give a fuck sa kung sino-sinong peste ang kilala niya. I shrugged, at saka na pumasok sa entrance ng auditorium nang nakatungtong kami rito. Sumunod din sila Kieran at Landon.
I immediately felt the rush of cold air from the aircon. Parang binunutan ako ng tinik sa likod. Painit na kasi nang painit sa Pilipinas. It's a good thing El U cares about their students.
"Alam mo, bro, kung hindi ka talaga hinila ni Levi, baka naka-wheel chair na 'yong lalaki kagabi," ani ni Landon.
Napangisi naman ako.
"That's not a good thing. Pasalamat ka talaga sa kaniya, bro. Baka kung hindi siya pumigil, nakasuhan ka na nga, na-expeled pa, galit pa sayo si tita, mas lalala pa away niyo ni Levi."
"Tss, tss, tss." Umiling-iling pa si Kieran. Batukan ko kaya mga 'to para maalala nila kung sino kaibigan nila?
"Tss," kunot noo kong usal.
Pasalamat? Ako? Really? Pasalamat siya at hindi ko pa siya nagagawang bawian do'n sa regalong iniwan niya. Pasalamat siya at maraming nangyayari sa buhay ko this past few days, dahil kung hindi...
