SEO'S POV.Dali dali akong pumunta sa gym kung saan may practice game sila Danix sa isang sikat din na skwelahan dito sa syodad. First time ko ngayon sya makikita maglaro pero pansin ko nang madaming tao sa labas ng gym, nagsisigawan pa.
Hala, practice game lang naman to.
Pagpasok ko ay umaalingawngaw na agad ang sigawan kung saang sulok ng gym. Yawa! mababasag ata eardrums ko sakanila.
Pumunta ako sa wala medyong tao para hindi masyadomg maingay. Nagtext ako kay Danix na nandito na ako sa gym. Nakita ko naman sya agad kasi sya lang naman ang pinaka matangkad sa team nila. Naka jersey number 4 sya. Ang ganda niya jusko, ang kinis pa ng legs. Hindi sya ngayon nakasout ng salamin, baka nag contact lens lang. Mahirap siguro maglaro pag sout yun.
Nakita kong chineck ni Danix phone niya at palinga linga sya sa paligid. Nakita niya naman agad ako kaya kumaway sya sakin at kumaway din ako. Nagtext ako ulit sabi goodluck <3
"Go Danix!"
"Crush ko yang matangkad na naka number 4!"
"I love you Sebastian! Galingan mo!"
"DANIX MARRY ME! HOOOO!!"
-____-
Mabilaukan sana kayo.
Nagsimula na ang laro at pansin kong magaling sa offensive ang kalaban nila. Nahihirapan i-recieve ng mga kasama ni Danix ang bola kaya hindi maka tiyempo si Dan para mag spike. Wing spiker position niya.
May alam ako sa larong to dahil napag aralan namin to sa P.E. nung first year palang kami. May binatbat din pala tong kalaban nila, mga matatangkad din.
After 1hr of rally ay natapos nadin ang laro. Syempre panalo ang sebastian university laban sa diko alam na school. Nakuha nila Dan ang dalawang set kaya sila nanalo. Ang galing niya maglaro, halos lahat ng nanoud nagcheer sakanya. Ganito ba sya kasikat sa larangan ng volleyball?
"Congrats! Ang galing mo kanina" masayang sabi ko kay Danix. Ngumiti naman sya at kinuha ang towel na nasa bag niya.
"Thank you, akala ko hindi kana makakaabot"
Lumabas na kami ng gym nang matiwasay dahil nagsialisan narin mga peste este mga fans niya.
"Tumakbo kasi ako papunta dito, hays antagal kasi ng dismissal ni sir kaya akala ko rin di ako makaabot, buti filipino time din kayo" sabi niya kasi 10am magsisimula laro eh 10 beforeag 11 nag start. Edi sana naglakad nalang ako, nakakahingal kaya takbuhin ang building namin hanggang gym.
"Late na dumating ang kalaban eh" ah kaya pala.
"Nga pala, si mommy nakabantay ngayon sa shop, kakauwi niya lang galing manila kaya mami-meet mo sya ngayon" tumigil ako sa paglakad na ikinataka niya.
Makikita ko na mama niya?
Mother-in-law ko?
Kapal sabat ng utak ko, epal.
"Nahihiya ako Dan" nakayuko kong sabi. Baka di ako magustuhan ng mommy niya at, sesantihin ako. Naku po wag po.
"No, I'm sure magugustuhan ka niya. Mabait mommy ko kaya alam kong magkakasundo kayo" she said with full of assurance. She gently pat my head and smile. Ayan, dyan mo ako nakukuha babae ka. Kahinaan ko yang ngiti mo tapos gaganunin mo ako huhu
BINABASA MO ANG
When You Choose The Clown
Teen FictionSubtle touches, like a hand brushing against an arm or a reassuring pat on the back-reveal their affection in a language that's understood but remain unspoken.