Chapter 1

141 4 2
                                    

SEO'S POV.

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa school. 2nd year na ako and I'm taking Business Administration kasi wala lang. Tinignan ko relo ko, may 15 minutes pa bago magsimula ang short ceremony, first day kasi so may ganitong kaganapan talaga. Isa akong scholar sa sikat na University dito sa Davao City.

Sebastian University.

Hanggang ngayon diko parin ako makapaniwala na nakapasok ako dito, bihira lang na mahihirap na tulad ko ang nakakapasok dito. Lahat ng mag aaral sa Sebastian puro mayayaman. Sanaol.

Habang papasok na ako sa gate ay namataan ko na ang mga kaibigan kong pinaglihi kay sata-

"Pota"

Mahinang mura ko habang hawak ang noo kong sapol nang binato ni Kris ang bag nyang may laman na bakal siguro dahil sa bigat.

"Yow! Seo mah pren magandang umaga pero mas maganda ako" with matching pogi points pa si gago. Kinuha ko naman yung bag nyang mamahalin at binato sa mukha nya at nasalo naman, sayang di tumama.

"Walang maganda sa umaga kung pagmumukha mo bubungad sa'kin, halika na nga Ke, aga aga nakakabwesit ka" hinila ko na sya papunta sa iba pa naming kaibigan. Napanguso naman sya sa sinabi ko, iw pato.

"SEEEEEOOOOOO!"

"KRRRIIIIISSSSSSSSS!"

"AQUINOOOOOOOO!"

"Aba hoy babastos ng bunganga niyo, mga hayop" binatukan ni kris ang tatlo HAHAHAHAHA yawa aquino amp.

"Aray naman kris! Sumusobra kana ah"

"Ulol! kailan pa naging Aquino surname ko tanga" sabi ni kris sabay batok ulit kay Dane. Ayan na naman po sila, first day na first day wrestling na agad. Hinayaan ko nalang sila, ayaw din naman paawat mga yan kapag ako umawat. Pwera nalang kay...

"Stop it now Krislei, Dane" ayon, si Yani ang pinakatahimik sa aming apat. Pero may kasabihan nga tayo na silent but deadly. Napatigil naman sa pag wwrestling ang dalawa at inayos ang nagusot na damit. Napailing nalang ako at tumingin sa palagid.

Ang lawak talaga ng school nato. Una kong punta dito, naligaw pa ako at mahigit isang oras bago ko natagpuan ang building ng Business Ad.

"Tara na Sei" tapik sa'kin ni Dane at tumango nalang ako. Nursing ang kinuha ni Yani at itong dalawang tukmol naman Pol-sci. Naglakad na kami papuntang gym dahil ilang minuto nalang mag start na ang short ceremony. Makikita na naman namin yung may-ari ng school nato.

"How's your vacation guys?" Yani asked the three of us while walking inside of the gym. Madami narin ang mga studyante na nandito. Sumagot naman ang dalawa.

"Okay naman Yan, medyo bitin nga lang. Gusto ko ulit bumalik sa bukidnon para mag camping ehe! andaming chix dun" raul tong si kris puro chix talaga nasa utak. Bored lang syang tinignan ni Yani tas binalingan nya kami ni Dane.

"Super duper ultramegamind akong nag enjoy" ngumiti nang matamis si Dane kay Yani na tinguan lang ng isa.

"Nag trabaho lang ako, as usual. Pero 1 week akong nag stay sa probinsya, namiss ko rin pamilya ko e" sagot ko sakanya. Tumango naman sya, alam kasi nila sitwasyon ko. Last year nag offer si Yani na mag trabaho ako sa restaurant ng family nya pero tumanggi ako kasi medyo malayo yun sa University, gusto ko yung walking distance lang sa dorm ko para tipid sa pamasahe. May sariling mundo din tong dalawa, nagdaldalan or should I say nagparamihan ng chix. Kung saan saan ba naman naglilikot mga mata nila. Mga biot. Ay kami pala apat mga kampon ng bahaghari.

"How about you?"

"Nag stay ako sa grandparents ko sa Cebu" I nod, I was about to say something to her when someone on the stage shout.

"GOOD MORNING STUDENTS OF SEBASTIAN UNIVERSITY!!" Umaalingawngaw na sigaw ni Dean. Potatakteng boses yan sakit sa tenga. Nasa tabi nya pala si Mr. Sebastian, ang may-ari ng school nato. Ang angas nya tignan sa black tuxedo, gwapo mga beh pwedeng gawing sugar tatay. Pero umawang ang labi ko nang makita ko ang katabi nyang babae. Shems may ganitong kagandang nilalang pala dito? Bat now ko lang na knows? She has this sophisticated aura that made her look more beautiful and hot. Feel ko nasa 5'4 yung height nya samantalang ako 5'6. Tsk, I know guys matangkad ako ano ba maliit na thing lang yan. Magkasing tangkad kami ni kris at dane, si yani lang pandak samin hihihi 5'2 ampota.

Napansin ko parang kanina pa sya hindi mapakali sa stage, pero hindi nya pinapahalata. Natatae ba sya?

Her face remains emotionless, damn hot. And her floral white dress that really suits her. Kahit na siguro basahan soutin neto magmumukha paring dyosa. Sanaol ka miss.

Patuloy lang sa pagsasalita si Dean habang ako naman nakatitig magandang anghel na nasa harapan. Pansin ko ring tumingin si Kris sa harapan kaya halos lumuwa na yung eyeballs nya nang makita yung babaeng kanina ko pa tinitignan.

"Gago mga pren parang nahanap ko na si the one ko" sabi nya na may pa hawak pa sa dibdib nyang flat. Naloko na, parang tinamaan na ng lintik ang malanding to. Hinampas ni Dane braso nya

"Tanga pang ilang the one mo na yan for today's video?" Napatawa naman ako HAHAHAHAHA gagi ilang babae naman kaya nahunting neto kanina.

"Pang pito? Ah basta! Iba to Danetot tignan mo katabi ni tatang pogi ang ganda diba magkamukha sila parang anak ni tatang yan" sabay turo sa dalawa

"Hala! Oo nga no ngayon ko lang napansin"

"Crush mo Kris?" Tanong ko sakanya, ngumiti naman sya at tumango na parang bata. Ngumisi ako sakanya sabay sabing...

"Same"




________________________________________

Yawa ang hirap pala HAHAHAHAHA

Wala nang intro intro mga bading, simulan na ang kabadingan.

When You Choose The ClownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon