Chapter 5

34 3 1
                                    

KRIS' POV

Papunta na ako sa canteen para maglunch, andun na silang lahat ako nalang wala. Palinga linga ako sa paligid baka sakaling may anghel akong makita hihihi. I'm Krislei Santiago pala mga pre, 20, single since fetus. Oo beh, di halata pero never pa ako nagkajowa. Actually kaming apat, ewan ko ba. Ang gaganda ng mga kaibigan ko pero walang jowa. May nagtangkang manligaw pero basted agad, hays.

Nalaman naming baliko kami simula nung inamin namin lahat na crush namin anak ng may-ari ng school na si Harriette Grey Sebastian na ngayo'y graduate na sa kursong Business Administration. Sobrang ganda kasi nun, masyadong mahal ni lord pinagpala sa ugali at mukha. Astig no, lahat kami nahumaling dun HAHAHAHAHAHAHA

Magkasama na kami tatlo ni Dane at Yani simula grade school dahil magkaibigan parents namin. Nakilala namin si Seo nung nakita namin sya sa likod ng building kumakain mag-isa, we approached her and the rest is history. Masaya kasama si Seo nakikisabay din sa trip kaya madali kaming nagkasun-

"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Abat! Sya na nga itong binangga ako, bwesit.

"Hoy bubwit! Ikaw tong bumangga sakin ikaw pa galit, nandito daan oh wala sa cellphone mo leche" badtrip sya, porket maganda sya akala niya hindi ko sya papatulan hmp!

"Ikaw ang bumangga sa akin, alam mong dito ako dadaan hindi ka umilag!" langya sakanya ba tong hallway?

"Pwede ba? Tumabi ka nalang nagugutom na ako" lalagpasan ko na sana sya nang hinawakan niya braso ko nang madiin. Palaban ampota, di kita uurungan oy!

"Do you know who I am?" galit na tanong niya habang hawak braso ko. Luh sino to??

"No, sino kaba?" inis na tanong ko, shuta gutom na ako. Baka kanina pa nag-aantay sila seo sa akin. Bwesit na babaeng to, andami tuloy nakatingin sa amin. Yung iba parang natatakot na dumaan sa harap namin dahil sa babaeng to.

"Naku kawawa si ate girl"

"Pusta ako last day na niya dito"

"Andami niya pwede banggain, siya pa talaga"

Yan ang mga bulungan na naririnig ko sa gilid, nacucurious tuloy ako sino tong bubwit na to. Anak ba sya ng presidente? Ng mafia? Ng Diyos?

"What's your name?"

"Kris Aquino" nandilim mukha niya sa sagot ko. Ayan bitawan mo na kasi ako epal ka.

Tumingin sya sa ibaba ko este sa id ko pala, nimal bago ko pa maitago ay napangisi na sya.

"Hmm Krislei Santiago, Political Science Student" Bigla akong kinabahan nang malaman niya pangalan ko. Feeling ko may mangyayaring hindi maganda. Juice colored.

Nilapit nya mukha sa akin at bumulong sa tenga ko. Damn ang bango pala ni bansot. Amoy lavander.

"I'm Stacey. Sebastian. You bitch. Sisiguraduhin kong mawawala kana sa school bukas" madiin nyang sabi bago ako tinulak at lumayas na sa harap ko. Hindi pa ko nakareact ng ilang segundo bago ko naprocess anong nangyari.

"Sebastian..." siguro nga last day ko na today.

________________________________

SEO'S POV

"Uhm guys, si Danix pala boss ko work, Dan mga kaibigan ko si Dane at Yani" pakilala ko kay Danix sa mga kaibigan ko. Pota asan ba si kris?

"Hi, I'm Danix Sebastian nice to finally meet you guys. Andami sinabi ni Seo tungkol sainyo" ngiting sabi ni Danix sa dalawa na ngayo'y nakipag shakehands na.

"Dane Corpuz nice to meet you din" laki ng ngiti ni Danetot ah.

"Yani Perez" casual na sabi ni yani bago binitawan kamay ni danix.

When You Choose The ClownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon