Seo's POV.
"Alam mo beh, potangina mo" mura ko kay Yani pagkalabas namin sa office ni sebastian 2. 2 kasi 1 si Danix. Pinapunta nya ako dito para may susundo sakanya, nimal akala ko napano na sya.
Palabas na kami sa building nang biglang nag ring phone ni Yani. Mommy nya tumawag. Miss ko na tuloy sila mama sa probinsya, pati bunso ko. Kamusta na kaya mga yun hays. Napabuntong hininga nalang ako.
"Yes mom, sinundo ako ni Seo sa school. Yes pauwi na po kami. Yeah i love you too, bye."
"Lambing ng boses mo pag kausap mo mommy mo, pero pag samin wow parang labag pa sa kalooban mo kausapin kami" palungkot na sabi ko habang nakayuko. Syempre acting lang to, para ilibre nya ko sa labas ng street foods hihi wais to pre.
"I called you here para sunduin ako, kanina pa ako na stuck doon, that damn girl she always getting on my nerves" inis na sabi niya.
"Maayos naman sya kausap ah. Actually mas maganda nga yun na ikaw papalit sakanya bilang president sa student council kasi may leadership skills ka" Oo marunong maglead ng grupo tong si Yani, namana nya ata sa papa nya na dating Mayor sa syodad.
"Like I said earlier. I don't want to be a president. I'm too busy sa studies ko, ayuko dumagdag ng responsibilidad. Hatiin mo nalang katawan ko" final na sabi niya. Osige beh. Edi wag.
Naghintay kami ng ilang minuto sa labas ng gate bago dumating sundo ni Yani. Nux ford ranger. Sumabay narin ako kasi madadaanan lang naman dorm ko, kapagod kaya maglakad tas gabi na.
"Thanks Sei, see you tomorrow, goodnight"
"Yeah salamat, goodnight din. Salamat manong" sabi ko sa driver at umalis na sila. What a night. Naalala ko tuloy mukha ni sebastian 2. Naol maganda, naol mahal na mahal ni Lord. Naol nalang.
_________________________________
"Ano ba leche! Madaling araw pa bat ka tumawag?!" sabi ko habang nakapikit bwesit kung sino man to, lagot sakin to mamaya. Naputol masayang panaginip ko kasama si Danix yawa!
"Hi, I'm sorry I called you so early. I really need your help sa shop Seo" Wait danix? Napabalikwas ako nang marealized ko si Danix ang tumatawag.
"Sorry sorry I didn't know ikaw pala tumawag Da- i mean boss. Ngayon na po ba?" Dali dali kong kinuha towel ko tas patakbo papunta sa banyo.
"Yeah sorry urgent lang. You know 24/7 open tong shop, biglang nagka diarrhea si sev kaya kelangan nya umuwi kanina, since kayo palang dalawa ni sev staff dito, i had no choice but to call you. I can't do this work alone" lumungkot boses niya, kaya nakonsensya ako dahil sa inasal ko kanina. Hiring shop nila ngayon pero wala pa silang nakikitang pwedeng tanggapin sa shop nila para magtrabaho. Ewan ko kay Danix may trust issues ata kaya si sev at ako lang na hired niya.
"Sige po, pupunta na ako dyan after ko po maligo, madali lang po ito hihi" sabi ko habang hinihintay na mapuno ng tubig ang balde.
"Thank you Seo, alright I'll wait you here take care" Masayang sabi nya bago ko binaba tawag.
"Mama ang lamig ng tubig...."
___________________________________
"Thank God you're here"
"Sorry po medyo natagalan, wala masyadong jeep dumaan samin pag ganitong oras eh kaya nahirapan ako makasakay po" paumanhin kong sabi bago sinout uniform sa shop.
Pansin ko rin na puro naka suit pumunta sa shop ngayon, siguro pang gabi trabaho nila tas umaga out. It's already 4:40 in the morning, wala pang sumisikat na araw. Shems okay lang to kaya ko to.
"Nah it's okay, I understand naman. So let's go show me what you've got ms. Vertucio" ngumiti sya sakin at napangiti rin at nag salute bago kami lumabas locker room.
"Fuck..." napahiga ako sa sahig matapos magsialisan mga costumers. Wala nang natira, siguro naawa na sa amin HAHAHAHAHA
"Good work Sei" pati sya umupo sa sahig katabi ko. Grabe nakaya niyang pagsabayin gumawa ng coffee at taga serve. Habang ako nililinis ko mga table at taga serve din, sabay hugas ng mga baso. Gosh ganitong oras pala madaming costumer sa shop nato. Kaya pala malapit lang sa mga naglalakihang building, dito nagpupunta mga employess tuwing break time para magkape.
"Nagawa natin boss" nakapikit kong sabi habang nakangiti. What a day.
"Yeah, all thanks to you kahit hindi mo working hour, nandito ka parin" ang lambing ng boses nya meged boss maliit na thing.
"Malapit na po mag 7, kelangan ko na po umalis" tumayo na ako at nagpagpag, ganun din ginawa ni Danix, pagkatapos humarap sya sakin.
"Sabay na tayo sa school" aya nya.
"Hala wag na po, pahinga po muna kayo. Wala pa po kayong tulog eh" Halata narin sa mata nya ang pagod kaya mabuti na umuwi muna sya para makapagpahinga. Wawa naman ng lalabs ko na yan. Chos
"I'm already used to it, Seo. Don't worry okay? Sabay kana sakin, pero isasara muna natin tong shop since hindi pa okay pakiramdam ni Sev." Tinulungan ko na sya sa pag ayos at saktong 6:50 ay umalis na kami papuntang school.
"Anong year kana, boss?" tanong ko sakanya habang naglalakad kami patungong langit. School. Grabe hindi ba sya napapagod?
"Dan nalang, wala tayo sa shop okay? 2nd year na ako and I'm taking HRM, ikaw?" ay naks halata sakanya marunong magluto. Kahit sa kape na ginawa nga nya ang sarap, saktong sakto pagkakatimpla.
"2nd year din, business ad kinuha ko hihi"
"Nice, how old are you na Seo?"
"20 po, ikaw?"
"Same hahaha" tawa yan.
Nakarating na kami sa school na di namalayan dahil sa daldalan namin, hobbies, friends, likes, etc. Andami ko nalaman tungkol sakanya. Pero ang masaklap diko natanong kung kaano ano niya may-ari ng school huhu pati si sebastian 2.
'Personal na yun boang' Sabi ng utak ko. Sabagay. Tatanungin ko nalang pag close na kami.
Magkaiba building ng hrm at ng building namin so we separated ways sa hall. She asked me if we can have lunch together at 12, but i just told her na sumabay nalang siya samin ng mga kaibigan ko. Gusto ko rin sya ipakilala sa tatlong ugok na yun ang boss ko. To my surprised she said yes. Yiee makakasama ko sya kumain mamaya, can't wait.
_________________________________
Kamaboko Gompanchiro
BINABASA MO ANG
When You Choose The Clown
Fiksi RemajaSubtle touches, like a hand brushing against an arm or a reassuring pat on the back-reveal their affection in a language that's understood but remain unspoken.