It's been a month since nangyari ang gabing yun. Isang buwan ko din siyang hindi nakita or hindi ako nagpakita sakanya. Minsan ko kasi siyang nakikita sa campus dahil sa preperation para sa Foundation Day.
She gave everyone a cold shoulder, even kay Danix, at sa mga officers niya. Pero sabi ni Dan baka family problem daw.
Tinanong ko nga kung saan ba si Harriette pero sabi niya bumalik nadaw ng Spain. Dun kasi pala siya nagtatrabaho.
Sabi kasi ni Kris natatakot siyang lapitan si Herra tuwing magkakasalubong sila dahil nag iba nadaw aura niya. Diko tuloy mapigilang maguilty.
Gusto kong magsorry sakanya pero nauunahan ako ng hiya. Naging busy din ako sa midterm namin at sa shop.
First day ng Foundation day ngayon kaya nandito kaming apat sa ilalim ng puno sa soccer field. Mahangin kasi dito kaya dito namin naisipang tumambay.
"Mas madami mga booth ngayon kesa last year noh" sabi ni Dane na nakahiga ngayon sa lap ko.
"Hindi kasi nag particpate ang Engineering department last year" sabi ni Kris na nakahiga din sa lap ni Yani. As usual, nagbabasa na naman siya ng medical book.
"Bakit daw?"
"Ewan ko"
"Nga pala Kris, ilan score mo sa major natin?" tanong ni Dane. Kanina pa namin hinihintay si Danix sabi niya pupunta daw sya dito pero 20mins nang nakalipas wala parin siya.
"Aba walang tanungan Dane, importane mabuti tayong tao"
"Sino nagsabi?" tanong ko sakanya. Mabuting tao daw eh pumapatol ka nga ng bata sa asaran.
"Ako malamang bingi kaba?"
"Wala ka talagang kwentang kausap"
"Ayusin mo din kasi tanong mo" inirapan ko nalang siya at tumingin sa paligid. Di ako mananalo sakanya sa bangayan.
"Magsitahimik kayo mga pangit, by the way diba pupunta dito si Danix? Pakisabi Sei isama niya si Stacey" kinuha ko naman ang phone ko para i-text si Dan.
Mas mabuti narin isama niya si Stacey, the more the merrier nga diba.
"Objection your honor, wag mong papuntahin ang bansot na yun dito. Masisira lang ang araw ko" malditang sabi ni Kris kay Dane. Tumaas naman ang kilay niya na mukhang hindi ata magpapatalo.
"Objection mo mukha mo, ako may kailangan sakanya hindi ikaw"
Nagvibrate phone ko kaya tinignan ko muna. Nagreply pala si Dan.
'I already called her, she said okay. Pupunta na kami diyan'
Hindi na ako nagreply at binalik ko na bulsa ang phone ko. Patuloy parin sa pagbabangayan ang dalawa kaya diko na mapigilang makisingit.
"Ano ba kasing problema mo kay Sta—"
"Ang problema Dane Corpuz ay yang bibig ninyo ni Kris!" tumahimik naman silang dalawa. Ayan goods.
"Finally. Peace." sabi ni Yani at nagpatuloy na ulit sa pagbabasa.
"Si Kris kasi eh" turo ni Dane kay Kris na ikinasinghap nang isa. Oa neto.
"Anong ako?! Eh ikaw kaya tong andaming sinasabi dyan!" Pota nagsimula na naman.
"Ayaw mo kasing papuntahin si Stacey dito eh wala namang ginawang masama sayo yung tao!"
BINABASA MO ANG
When You Choose The Clown
Novela JuvenilSubtle touches, like a hand brushing against an arm or a reassuring pat on the back-reveal their affection in a language that's understood but remain unspoken.