SEO'S POV.
HAY SA WAKAS! SABADO NA
"Pero may trabaho ako" T_T
Okay lang, may sweldo naman hihi.
Pupunta ako mamaya sa mall para bumili ng laruan para sa kapatid ko. Bukas na birthday niya kaya excited ako uuwi sa amin.
Napatingin ako sa bag ni Herra. Iniwan niya siguro may balak na naman magsleep over ang baliw na yun dito. Gusto ko sanang buksan iyon para ilagay mga gamit niya sa bakanteng drawer ko, kaso ayuko makialam dahil di naman akin yan.
Naalala ko tuloy yung nangyari nung martes ng gabi.
Flashback...
"Ano ba! Nanghahalik kana naman" kinurot ko tagiliran niya na ikinalayo niya sa akin. Deserve.
"Ouch! It hurts!" hinimas-himas niya iyon at saka inirapan ako. Taray ng bruha.
"Wag mo na gagawin yun sa susunod, kundi hindi lang kurot matatanggap mo sa akin" banta ko sakanya saka inayos higaan namin. Magtatabi ba kami?
"I will kiss you whenever I want, threatening me is no use"
"Shunga kaba? Hindi mo naman ako girlfriend para halikan mo lang nang basta basta" boang siya, nakakainit ng ulo.
"So?"
"Mama mo so! Tabi nga matutulog na ako"
"Sa lapag ka" luh
"kama mo to beh?" asar na tanong ko. Antok na antok na ako bwesit.
"Fine, let's sleep together" niligpit na niya ang laptop niya at kinuha ang kumot na binigay ko kanina.
Nilagay ko naman ang isang unan sa gitna namin para may personal space kami kahit maliit lang. Buti nalang medyo maluwag tong kama ko, pwede sa dalawang tao.
"What's this?" turo niya sa unan na nasa gitna namin.
"Unan? Pillow?"
"I know idiot, what I mean is bakit nasa gitna yan? Liliit lalo space natin" tinawag pa akong idiot ampota.
"Baka malikot ka matulog, mabuti nang sigurado tayo" hindi siya nakinig sinabi ko at kinuha ang unan at nilagay sa paanan namin.
"Ang tigas talaga ng ulo mo"
Humiga na kami at tumalikod sa isa't-isa. Ang weird na hindi ko naramdaman na hindi ako komportable sakanya, especially katabi ko sya ngayon matulog. I feel at ease and...safe around her.
Sa sobrang antok ko ay pumikit na ako sabay sabing...
"Goodnight Herra"
Bago ako dinalaw ng antok ay naramdaman kong gumalaw ang katabi ko at may kung anong dumampi sa pisnge ko.
"Goodnight"
At pagkagising ko ay nasa mukha ko na ang braso at ang dalawang paa niya ay nasa tiyan ko. Sabi na eh, malikot matulog yun -_-
Buti nalang maaga kami nagising dalawa at wala pang 5:30 ay nakarating na ang sundo niya at umalis na sila. Jusko pag ako nahuli sa ginagawa namin, lagot ako.
Pagkatapos nun ay hindi na kami nagkita ulit. Nakikita ko siya minsan sa school, kasama mga co-officers niya. Naging busy ata mga yun dahil 2weeks nalang magsisimula na ang foundation. Yiee 3days walang klase, hays heaven.
BINABASA MO ANG
When You Choose The Clown
Fiksi RemajaSubtle touches, like a hand brushing against an arm or a reassuring pat on the back-reveal their affection in a language that's understood but remain unspoken.