SEO'S POV."Sakit ng ulo ko potangina"
"Nasusuka ako"
"Deserve"
Kanina pa panay reklamo si Kris at Dane dahil sa hangover nila.
Nandito kami ngayon sa canteen, may 1pm class pa kaming apat kaya may 30mins pa kami tumambay dito.
"Sino ba kasi nag-utos sainyo magpakalasing?" tanong ko sakanilang dalawa habang nagbabasa sa lesson namin mamaya.
"Hindi kasi kami kj tulad niyo ni Yani" hinihimas himas ni sintido niya sa sobrang sakit siguro.
"Hindi kami umiinom baliw ka" totoo. Kami lang ni Yani ang hindi umiinom saming apat dahil sa amoy palang ng alak nahihilo na ako. Si Yani naman dahil daw hindi healthy.
"Psh"
Biglang nagvibrate ang phone ko hudyat na may nagtext. Si Danix pala.
'Hi Seo, hindi ako makakapunta ngayon sa school. I'm having a fever. Hindi kita masasabayan papunta sa shop. I'm sorry. I'll make it up to you next time.'
Sabi niya kaya naguilty naman ako. Mainit ang pakiramdam niya nung umalis na kami, sabi niya baka hangover lang pero lagnat na pala yun.
I quickly replied
'It's okay, take your meds and eat properly 'kay? Pagaling kana.'
"Nagkasakit si Danix"
"Naku"
"I knew it" bulong ni Yani sa tabi ko ngunit hindi masyadong narinig.
"Ha?" tanong ko sakanya pero nagkibit balikat lang siya. Ano kaya yun?
"Wala akong maalala sa nangyari kagabi" problemadong sabi ni Kris na ikinatawa ko.
"Ang epic mo kagabi beh, kayong dalawa ni Tania bwesit kayo HAHAHAHA"
"Anyare ba?" curious na curious yan.
"Wala, nilandi mo lang si Stacey" kaswal kong sabi na syang ikinatayo niya sa gulat. Yan ganyan gusto kong makita na reaksyon.
"Tell me that's not true"
"It's true" si Yani na sumagot.
"May picture kayo? Naalala ko din pano niya nilapit mukha niya kay Stacey HAHAHAHA" sabi ni Dane habang natatawa. Si Kris naman parang masusuka o maiiyak dahil sa rebelasyon.
"Meron ako" pinakita ni Yani ang picture nila ni Stacey at Kris na sobrang lapit ng mukha nga. In fairness bagay sila.
"WHAT THE FU-" tinakpan agad ni Dane ang bibig ng walang hiya. Oa ng reaction eh.
"Gago nasa canteen tayo"
"Hindi ako yan omg"
"Sige HAHAHAHA" tawang tawa kami ni Dane sakanya. Kukunin na sana niya ang phone, may balak atang idelete pero napigilan sya ni Yani.
"Actually may video yun eh, pero nasa phone ni Herra. Hihinge ako ng copy mamaya" nakangisi kong sabi. Nakipag apir naman si Dane sakin habang si Kris naman nakatulala sa kawalan HAHAHA
Naalala ko tuloy yung nangyari sa kwarto. Pagkatapos niya akong hinalikan bigla siya nag passed out.
Paggising niya wala rin siyang maalala sa nangyari. Hindi ko alam pero parang dissapointed ako nung sinabi niya yun.
BINABASA MO ANG
When You Choose The Clown
Teen FictionSubtle touches, like a hand brushing against an arm or a reassuring pat on the back-reveal their affection in a language that's understood but remain unspoken.