Chapter 9

27 4 0
                                    


SEO'S POV.

Dalawang araw na simula nung nangyari sa office. Hanggang ngayon galit padin si Kris sa akin dahil nakalimotan ko yung pangako naming apat na sasabay kaming kumain tuwing lunch kapag nasa school.


Ang totoo, nakalimotan ko nga yun kaya dalawang araw ko narin syang sinusuyo. Sa sobrang galit nga niya eh hindi niya napansin kapahon ang crush niyang si Harriette, masyadong mainitin ang ulo.



Nameet ko nadin ang mommy ni Danix sa shop. Ang bait niya tapos hindi halatang nasa 40s na siya eh parang magkapatid nga sila ni Dan eh. Halos magkamukha din sila, siguro sabi Lord sa mag inang to, copy and paste.



"Sorry na nga kasi Krislei" niyugyog ko balikat niya para mapansin niya ako, ngunit ang gaga inirapan lang ako. Ano ba!



"Manahimik ka Andrea nagrereview ako" malditang saad niya habang nagbabasa libro.



Nasa may gilid kami ng soccer field nakatambay dahil walang pasok ng dalawang oras dahil may faculty meeting ang mga teachers. Buti nalang wala masyadong nakatambay dito ngayon kasi yung ibang at studyante nasa canteen at library.



"Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?" napatawad na nga ako ng dalawa basta wag ko na daw yun uulitin ang pang iiwan sakanila every lunch. Pero si Kris lang matigas suyuin sakanilang tatlo T_T



"Umamin ka kay Danix na crush mo siya"

(O_O)




"H-huh? Hindi ko sya c-crush ah" utal na sabi ko at umiwas ng tingin kay Kris na ngayo'y nakangisi na sa akin. Bwesit!



"Ulol"



"Don't us, Sei. Sobrang halata ka kaya" Dane habang kumakain ng chips. Nasa lap niya si Yani na natutulog na may takip ng libro ang mukha.



"Hindi ah" pagde-deny ko. Shuta lagot.



"Edi hindi tayo bati" at bumalik na sya sa pagbabasa. Waaaaah!



"Kris iba nalang, wag na yun please maawa ka"



"No" ang tigas!



"Hindi ko naman sya crush eh"



"Eh ano? Gusto mo na?" HALA!



"Ah eh wait, naiihi ako punta muna ako sa banyo" nagmamadali akong tumakbo papuntang banyo at diko na sila nilingon.



"Aba't hoy! Bumalik ka dito!" ayuko!




"Phew! Muntik na yun ah" nagpunas muna ako ng pawis bago pumasok comfort room ng babae. Alangan naman sa lalake ako papasok?




After 2mins ay lumabas na ako para maghugas ng kamay sa sink. Pero ang hindi ko inaasahan na makita ngayong araw ay nandito sa harap ko na naghuhugas ng kamay niya.




Mukhang napansin niyang may nakatingin sa likod niya kaya napatingin siya sa gawi ko. Iiwas sana ako ng tingin ngunit huli na nang magtama ang mga mata namin.




Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na hindi ko alam bakit, kaya napahawak ako sa dibdib ko. Parang nagwawala eh, may deperensya ata puso ko.




Tinaasan niya ako ng kilay at nagtakang tinignan ako. Nahihiyang pumunta nalang ako sa tabi niya para maghugas ng kamay, nang makaalis na ako dito. Paramg hinihigop niya hangin ko dahil hindi ako makahinga nang maayos.




When You Choose The ClownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon