SEO'S POV.
"Kompleto naba ang lahat?"
"Yeah"
Hinila ako ni Dane at medyo lumayo kami kung saan yung iba nagtitipon.
"Bakit nandito ang mga sebastian?" frustrated na tanong niya sa akin. Para siyang natatae sa itsura niya.
"Nakalimotan ko hehe" totoo nakalimotan ko talagang sabihin sakanila na sasama mga sebastian papunta sa probinsya namin. Andami ko kasi inayos kagabi, hindi ko na nga nareplyan message ni Yani.
Buti nasabi ko sakanya kahapon na madaling araw ang alis para 9am or 10am kami makakarating.
"Tanginamo, mamaya ka sa'kin" huh? Anong ginawa ko?
"Inaano kita diyan?" umiling lang at inirapan ako ni gaga at hinila na ako papunta sa mga kasama namin.
Van nila Harriette ang gagamitin namin sa biyahe dahil hindi ko alam. Siya nag insist, hinayaan ko nalang dahil hindi naman ako mananalo sakanila.
May kanya kanya silang backpack na dala since sa bukas ng hapon pa kami uuwi. Buti nalang 2 storey yung bahay namin. 2 storey na lumang bahay na namana ni papa sa magulang niya.
Pero ang mas ikinagulat ko kanina pa ay nandito si Herra na halatang inaantok pa. Akala ko hindi siya sasama.
Nilapitan ko siya at siniko nang mahina kaya napamulat at nagtatanong na tumingin sa akin.
"What?"
"Akala ko ba hindi ka pupunta?"
"Harriette kidnapped me, I was peacefully sleeping then I woke up and I'm already here"
Pfft.
Parang narinig naman ni Harriette ang sinabi niya kaya napa peace sign siya sa gawi namin. Cute.
"Kawawa ka naman"
"Tsk"
Hinanap ng mata ko mga kaibigan ko kasi bigla silang nawala sa paningin ko. San mga yun?
"Yo! Seo" biglang lumitaw si Kris sa harapan ko na may dalang...
Lambat?
"Punyeta bat may dala kang lambat?!" hindi ko nakita kanina yan nung dumating siya ah. Saan niya kinuha yan?
"Kunin ko lahat ng isda sa pond niyo HAHAHA"
"Tara na!"
Pasado 5am na, sakto di kami tanghali neto makarating sa amin.
Nasa gitna ako ni Danix at Herra. Nasa likod namin si Kris, Yani, at Stacey at nasa passenger seat naman si Harriette.
Hindi ko alam ba't ganito arrangement namin pero bahala na.
Naisipan kong magsoundtrip nalang since mahaba-haba pa ang biyahe namin. Sinout ko na earphones ko at pumikit na.
Bago pa ako makaramdam ng antok ay naramdam kong may sumandig sa balikat ko. Napamulat ako at nakita kong si Dan iyon. Hindi nalang ako gumalaw para hindi sya magising.
Ang cute niya. Nakanganga.
Tulog nadin ata yung tatlo na nasa likod dahil hindi na sila nag ingay. Si Harriette naman nakipag kwentohan sa driver nila. Para siguro hindi makaramdam ng antok si manong.
BINABASA MO ANG
When You Choose The Clown
Novela JuvenilSubtle touches, like a hand brushing against an arm or a reassuring pat on the back-reveal their affection in a language that's understood but remain unspoken.