Days passed, I'm not on my lows now, and I used this highs to be productive! Accepting two art commissions at a time, finishing an artwork and jumping to the next one! Then, I'll accept two more! Or if there's no art commissions, I'll make an artwork that I could put on Print on Demand sites!
Ito ang gusto ko when I'm on my highs! Nagiging productive ako when it comes to my freelancing, kumikita pa ako ng pera mula sa mga artworks ko, commissioned man or sa mga ina-upload ko sa Print on Demand sites! Maganda pa ang mood ko!
But...
I can't see Cyan when I'm on this mood...
At wala pa akong naiisip na paraan para malaman kung nandito nga ba siya sa loob ng kwarto ko o wala...
I just really hope that he's just here, watching me work, celebrating with me everytime I finished an artwork. Even though I really can't see him...
Sigh...
At ngayon nga, I'm feeling burnt out pagkatapos ng ilang araw na pagiging productive ko! Siningil na ako ng katawan ko dahil sa pagiging workaholic ko noong mga panahong I'm still on my highs! Pinatay ko nga lang ang alarm ko dahil nahihirapan akong bumangon sa higaan ko para mag-jogging, eh, at gusto ko pang matulog kahit isang oras pa!
Hinahayaan naman ako ni Cyan na gawin 'to! 'Wag lang daw akong mag-skip ng sunud-sunod na araw! At hindi ko naman hinahayaan ang sarili kong mag-skip talaga ng morning jogs for consecutive days! Hinahanap din naman ng katawan ko ang pagdya-jogging t'wing umaga! So, nakakabalik sa pagtakbo kinabukasan!
Pero sa ngayon, mas hinahanap ng katawan ko ang malambot kong kama kaya hinayaan ko muna ang sarili kong matulog pa ulit!
Nang mag-vibrate ulit ang phone ko, pinilit ko na talaga ang sarili kong bumangon kahit gusto ko pang matulog! At nagtagumpay naman ako!
Inalis ko na ang earplugs ko at inaasahang marinig ang boses ni Cyan na inaasar ako dahil tanghali na ako bumangon at mag-skip pa ako ng morning jogs ko! Pero wala akong narinig na agad ko namang ipinagtaka!
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng aking kwarto, pero wala akong nakitang Cyan sa paligid ko! Agad akong bumangon para hanapin siya sa buong bahay, sinisigaw ko na nga rin ang pangalan niya, eh! Pero hindi ko siya makita! Hindi siya nagpapakita sa'kin!
So, I checked myself if I'm on my lows right now, and I really do am! Pero bakit hindi ko siya makita?!
"Calm down, Navy. You didn't pushed yourself on him that much before your highs happened! And it looks like he's still not catching feelings for you for him to really ghost you! So, calm down!"
Ang sabi ko sa sarili ko habang humihinga nang malalim!
"Maybe he's just on the swing. At the swing! At the playground! Maybe he's just there!"
At agad naman akong lumabas ng bahay para i-check kung nandoon nga siya!
Makulimlim ang panahon, so imposibleng hindi ko siya makita if I really am not on my lows! Kaya agad akong tumakbo papunta sa direksyon ng playground!
At habang tumatakbo ako, hindi ko maiwasang mag-overthink!
Paano kung gi-nhost na nga niya ako dahil napapansin niyang nagkakagusto na ako ako sa kanya?!
Paano kung iniwan na talaga niya ako dahil unti-unti na rin siyang nahuhulog sa'kin?!
Paano kung nakahanap na siya ng ibang tutulungan niya?!
Putangina!!!
At mas binilisan ko na lang ang pagtakbo ko para makarating agad sa playground!
BINABASA MO ANG
See Me When It Rains (BL)
RomanceNavy is a bipolar digital artist who's artworks mostly deals with mental health topics, especially with depression which is he's quite familiar with. By doing this, he aims to save some lives from his works, and hopes he really could! One day, he m...