Chapter 14

112 2 0
                                    

‘MonoCrom: Not Van Gogh, just to clarify things, I’m not the Mono in your latest entry on Rainbow Man Series, right?’
 
‘Wright’s Rights: 🤣🤣🤣’
 
‘LunaScape: I also wanna know about this, too! Karibal ko ba si Crom sa puso mo, Navy? 😭😭😭’
 
‘Wright’s Rights: 🤣🤣🤣’
 
‘Not Van Gogh: Of course, not! I don’t like you in a romantic way, Crom, if that’s what you wanna know! And that Mono in my artwork represents myself! Not you!’
 
‘MonoCrom: Nakahinga ako nang maluwag doon, ah! Buti naman!’
 
‘Marie Po Siya: Then, itong si Rainbow Man na ginawa mong bida sa digital artwork series mo, sino siya, Navy?’
 
At napaisip ba ako kung sasagutin ko ang tanong ni Marie o hindi…
 
Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto ko’t wala akong nakitang Cyan sa paligid. I’m not on my lows right now, or it's raining outside nor the weather’s glommy, so I really can’t see him.
 
“Cyan, want some cookies?” Sabi ko habang may hawak na isang piraso ng cookie sa kamay ko!
 
Pero walang multong kumagat sa pain ko, so hindi ko alam kung nandito ba talaga siya sa kwarto ko o bumalik ulit siya sa playground.
 
Pero alam naman niyang gusto ko siya, eh! So, okay lang sa'kin kahit mabasa niya pa itong convo naming magkakaibigan! Hahaha!
 
Binalikan ko ang phone ko’t nagulat ako nang mabasa kong kung anu-ano na ang mga pinagsasabi nila! But I don’t wanna do back read, so I just answered their question.
 
‘Not Van Gogh: Yeah, Rainbow Man is the person I like.’
 
Ang pag-amin ko sa kanila!
 
‘Marie Po Siya: KYAAAAAA!!!’
 
‘MonoCrom: Sabi na nga ba, eh! Tama ako!’
 
‘LunaScape: WAAAAAAAAHHH!!! 😭😭😭’
 
‘Wright’s Rights: Kawawang Luna 💔🤣🤣🤣’
 
‘Marie Po Siya: I wanna meet this Rainbow Man in person! Pakilala mo naman siya sa’min, Navi, oh!’
 
‘LunaScape: Gusto ko rin siyang makilala! Gusto kong malaman kung anong mayroon siya na wala ako! 😭😭😭’
 
‘Wright’s Rights: 🍆 This is the answer to your question, Luna! 🤣🤣🤣’
 
‘LunaScape: 🖕🖕🖕 Ito ka, Tama!’
 
‘Wright’s Rights: 🤣🤣🤣’
 
‘Marie Po Siya: Okay, guys! Dahil pala-desisyon ako, kita-kits tayo sa SB this coming Saturday night! Navy, dalhin mo si Rainbow Man, ah!’
 
At nagulat ako sa biglaang pag-set ni Marie ng meet up naming magkakaibigan!
 
‘Not Van Gogh: Wait! I still haven’t answered yes! And I still don’t know if he’s free this Saturday!’
 
Pagdadahilan ko dahil hindi rin naman nila makikita si Cyan kahit isama ko pa siya!
 
‘Marie Po Siya: Sige, kahit ikaw na lang! Basta, magkukwento ka, ah!’
 
Anong ikukwento ko sa kanila? Na nakakakita ako ng multo at nagkagusto pa ako sa kanya?! Baka isipin lang nilang baliw ako!
 
‘MonoCrom: This Saturday na? Negative ako! May date kami ni juwa 🤣🤣🤣’
 
‘Marie Po Siya: Gabi naman, eh! Habol ka na lang! Sama mo na rin si Iris!’
 
‘MonoCrom: Hindi pwede! Baka maka-score pa ako, eh! 🤣🤣🤣’
 
‘Wright’s Rights: Tol, akin ‘yong batik-batik, ah! 🤣🤣🤣’
 
‘MonoCrom: Sige lang! Ilan ba gusto mo? 🤣🤣🤣’
 
‘Wright’s Rights: Kung ilan kaya! 🤣🤣🤣’
 
‘LunaScape: Boys will be boys…’
 
‘Wright’s Rights: The only girl in the group can’t relate! 🤣🤣🤣’
 
‘Marie Po Siya: Excuse me?! Babae rin ako, ‘no!”
 
‘MonoCrom: Oo nga, Tol! Nakalimutan mo si Mario na nagdalaga na! 🤣🤣🤣’
 
‘Marie Po Siya: 🖕🖕🖕 Ito kayong dalawa! Maghati kayo!’
 
‘Wright’s Rights: 🤣🤣🤣’
 
‘MonoCrom: 🤣🤣🤣’
 
‘Marie Po Siya: So, ano na nga? Hindi kayo pwede sa Saturday?’
 
‘MonoCrom: Hindi, eh…’
 
‘Wright’s Rights: I’m also not free this Saturday, sorry.’
 
‘LunaScape: Tayong dalawa na lang, Marie! Mag-shopping tayo!’
 
Shopping..!
 
‘Marie Po Siya: Ay, gusto ko ‘yan! Sige, let’s do that!’
 
‘Marie Po Siya: Gusto mo sumama sa’min, Navy? Para may kasama kaming wafu!’
 
‘LunaScape: Sama ka na sa’min, Navy, please? Ikaw na lang date namin!’
 
At napa-isip ako kung sasama ba ako sa kanila o hindi…
 
Ano bang gusto mong bilhin, Navy?
 
No to clothes, hindi ako naman palalabas ng bahay! Hindi ko pa nga nasusuot ‘yong ibang mga binili mo, eh! Shoes, ilang beses ko pa lang din nasusuot ‘yong huling binili ko! Accessories, parang gusto ko ng bagong singsing! No! Papagalitan na naman ako ni Mom ‘pag nakita niyang may bago na naman akong singsing dahil kakabili ko pa lang noong nakaraan!
 
At bigla kong naalala ‘yong latest tablet na nakita ko sa ads sa FB!
 
Ilang taon na ba itong akin..? Alam ko, binili ko ‘to noong medyo lumuwag na ang lockdown, eh! So, around 2021? Three years na!
 
At nakaisip na ako ng bibilhin ko!
 
‘Not Van Gogh: I think, I’ll join you, ladies. I wanna upgrade my tablet. Help me pick the best one.”
 
‘LunaScape: Navy said yes! AAAAAAAAAA!!!’
 
‘Marie Po Siya: No prob! Ang daming magagandang bagong labas ngayon! Tutulungan ka namin!’
 
Nagkita-kita nga kaming tatlo sa mall para mag-shopping!
 
Inuna naming bilhin ang tablet ko’t tinulungan talaga nila akong mamili! At tutulungan na rin daw ako ni Marie na ibenta ‘yong luma ko, which is a good thing dahil medyo may kamahalan din itong binili ko!
 
After that, silang dalawa naman ang sinamahan kong mag-shopping ng mga pang-OOTDs nila! At hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi bumili ng ilang pirasong shirt! Hehehe!
 
Bilib din talaga ako sa dalawang ‘to, eh! Kasi kaya nilang pagsabayin ang pagiging freelance digital artist at ang social butterfly selves nila! Lalo na si Marie! Kaya marami rin silang clients, eh!
 
And as an introvert person, I can’t do that! I rather stay at my room, make myself busy doing artworks, and negotiate with my clients online! Good thing, I got lucky as a very satisfied client promoted my artworks online for free! At doon talaga nagsimula ang break ko as a digital artist that deals with psychological stuffs, mainly about depression and giving hope about getting through it. At malaki talaga ang pasasalamat ko kay ziviziv dahil dito!
 
After hours of shopping, nakaramdam din kami ng pagod at gutom! Inabot na nga kami ng alas-sais kakaikot sa buong mall, eh! So, napagpasyahan na naming dito na kumain ng dinner!
 
“So, wala ka bang balak magkwento sa’min, Navy?”
 
Ang tanong sa’kin ni Marie habang kumakain kami!
 
“About what?”
 
Ang pagmamaang-maangan ko naman!
 
“About your lovelife, of course!” Sagot naman niya!
 
“Sino ba itong Rainbow Man na bumihag sa pihikang puso mo?” Dagdag pa ni Marie!
 
“Ako rin! Gusto kong malaman ang istorya n’yo ng karibal ko! Kahit masakit para sa’kin, handa akong makinig!” Sabi naman ni Luna!
 
At kinuwento ko nga sa kanila si Cyan! Kung paano ko siya nakilala at kung anong nagustuhan ko sa kanya! Pina-describe nga din nila sa’kin kung anong itsura niya, eh! And my answer to their question is he has a cute and handsome bright face! Hahaha!
 
At sa mga ikinuwento ko sa kanila tungkol kay Cyan, hindi ko sinabing isa siyang multo o nagbigay ng detalyeng isa nga siyang multo dahil ginawa ko ang makakakaya ko para palabasin siyang isang buhay na tao! At sa tingin ko’y hindi naman sila naghihinala! Sino ba naman kasing mag-aakalang nakakakita nga talaga ako ng multo’t nagkagusto pa ako sa dito! Hahaha!
 
Tinanong din nila ako kung saan siya nakatira’t anong work niya! Dinahilan ko na lang na unemployed siya ngayon dahil na-depressed siya nang pumanaw ang mga magulang niya at kasalukuyang nakikitira sa kanyang relatives sa village namin!
 
“Wait! Akala ko ba, cheerful siya? Pero bakit may depression? Pwede ba ‘yon?”
 
Ang tanong ni Luna sa’kin!
 
“Baka marunong lang magdala?” Sabi naman ni Marie!
 
“Yeah, it is possible for a cheerful person to have depression. And just like what Marie said, marunong siyang magdala. Magaling siyang magdala! And I was so surprised, too, when I saw him breakdown for the very first time in front of me! Saying he misses his parents in heaven.” Sagot ko naman!
 
“So, nurse n’yo ang isa’t-isa?” Tanong ni Luna.
 
“Not really. We just accompany each other when one’s on his lows. He bring colors to my world when I’m down with his rainbow dusts just like what Rainbow Man did on my artwork, and I’ll be by his side when he’s sad.” Sabi ko.
 
“But most of the time, it is him accompanying me on my lows as he won’t come see me when I’m on my highs.” Pagdadahilan ko pa dahil ayokong sabihin sa kanila na nakikita ko lang si Cyan sa t’wing umuulan, makulimlim, or whenever I’m on my lows!
 
“Bakit naman?” Tanong ni Marie.
 
“He said he doesn’t want to disdurb me or be a burden when I have the drive to do my work till I got triggered or get exhausted. And when that happens, we’ll meet at the playground and hangout at my place again.” Pagdadahilan ko na lang. At mukhang naniwala naman sila!
 
“Sa swing ng playground talaga ang meet-up place n’yo, ‘no? That’s kinda sweet!”
 
At napangiti ako sa sinabi ni Marie!
 
“So, balik tayo sa usapan natin kanina! Ano ngang FB niya para mahusgahan na namin at malaman ko na kung may laban ba ang kagandahan ko sa ka-cute-tan at kagwapuhan ng Cyan na ‘yan!” Sabi ni Luna!

"Or kahit picture na lang niya or selfie n'yo together. Curious lang talaga kami sa kung anong itsura niya!" Dagdag pa ni Marie!
 
At ang akala ko’y nakatakas na ako sa kanila pero binalik pa ulit ni Luna ang topic namin kanina!
 
At hindi ko pa rin alam kung anong isasagot o ipapakita ko sa kanila!

See Me When It Rains (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon