Chapter 23

84 2 0
                                    

Nakaupo ako ngayon dito sa swing. Umiiyak. Habang malakas ang buhos ng ulan. Mabuti nga 'yon, eh! Parang dinadamayan kasi ako ng panahon sa kalungkutang nadarama ko...

Wala na...

Iniwan na talaga ako ni Cyan...

Wala na siya...

Kung hindi lang sana ako nag-inarte nitong mga nakalipas na araw, magkasama sana kami ngayon. Masaya dahil kami na...

Hindi kagaya ngayon na nangungulila ako sa kanya...

Sana sinagot ko na lang siya para magkasama pa rin kami hanggang sa mapagbayaran na nga niya ang kasalanan niya. Siguro mas kakayanin ko pang nagkahiwalay kami sa maayos na paraan. Hindi 'yong ganitong grabe ang pagsisisi ko.

Sana nakapagpaalam ako nang maayos sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung umalis lang ba siya ng village na ito, o nagawa na niya kung ano man ang ginagawa niya sa'kin para makapagbayad siya sa kasalanan niya, eh. At sana nga'y umalis lang siya ng village namin para magpakalayu-layo sa'kin. In that way, kahit papaano'y mahahanap ko pa rin siya. Ang problema, hindi ko alam kung saan ako magsisimula para hanapin siya...

Sana nayakap o mahagkan ko man lang siya kahit sa huling pagkakataon...

Sana balikan ulit niya ako dito sa playground para masabi ko ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya...

Na mahal ko siya...

Sana hinintay muna niya ako bago siya tuluyang umalis..! Nandito pa siya noong nag-jogging ako, eh..! Tinanong pa nga niya ulit ako kanina, eh..! O kahit sana pumunta man lang siya sa bahay para magpaalam sa'kin nang personal bago tuluyang umalis..!

Pero wala, eh...

Iniwan na lang talaga niya ako nang hindi man lang nagpapaalam...

At hindi ko rin siya masisisisi...

Kasalanan ko rin naman, eh...

At ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay ang umiyak nang umiyak nang umiyak nang umiyak para sa pag-iibigan naming natuldukan na agad kahit hindi pa talaga nagsisimula...

"Navy..."

At napatigil ako sa'king pag-iyak nang marinig ko ang isang pamilyar na boses ng lalaki...

At nang i-angat ko ang aking ulo para kumpirmahin kung sa kanya ba talaga ito galing, may lalo akong napaiyak nang makita si Cyan sa harap ko..!

"Grabe ka naman umiyak! Umalis lang ako saglit, parang pinagluksaan mo na agad ang pagkawala ko!" At tumawa siya!

Pero hindi ko pinansin ang biro niya't agad akong tumayo mula sa'king pagkakaupo sa swing para yakapin siya! At nayakap ko nga talaga siya na ikinatuwa ko!

"It really is you! You're still here and still haven't left me!"

"Oo, nandito pa ako! Hahaha!"

"Pero... Kailangan ko na ring umalis mayamaya..." Dagdag pa ni Cyan na ikinalungkot ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya't tinanong ko siya kung bakit!

"Napagbayaran ko na ang kasalanan ko. At salamat sa'yo dahil natapos ko na rin sa wakas ang misyon ko." Sagot naman niya.

"What's your mission, by the way? Could you tell it to me now that you've completed it?"

"Sa tingin ko'y pwede ko nang sabihin sa'yo ito dahil nakausap ko na rin naman si Little Black Knight tungkol dito!"

"So, what is it, then?"

"Ang misyong binigay niya sa'kin ay kulayan ang buhay ng isang black and white na tao. At ikaw 'yon, Navy. May kulay ka na!"

See Me When It Rains (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon