CHAPTER 03

92 13 15
                                        

A big smile plastered on my lips nang mahanap ko ang baby picture namin together ng ate ko. I think nasa 5 years old palang ito at ako naman nasa 2 years old. With a smile I uploaded it to my fb account and minutes later someone chat on me.

" Hi, anak. Nakita ko mga post mo na picture sino yong kasama mo anak?" isang chat ang natanggap ko galing sa hindi ko kilala at hindi ko friend sa fb. Bago ko ito replyan inis-talk ko muna ito nakanganga kong pinagdikit ang litrato namin ng ate ko at ang hawak kong cellphone kung saan nandoon ang picture nung batang kamukha ng ate.

" Hello po, wrong send po yata kayo." reply ko habang kunot ang noo.

" Carly, anak ako ito ang papa mo, Hindi mo ba ako kilala, nakalimutan mo na ba ako?" my hands shaking and my heart broke when I read his reply. Pero ang mas masakit pa pangalan ng ate ko ang na-type niya kahit na hindi naman ako si ate.

" Pinsan mo ba yung kasama mo anak?" ngumiti ako ng mapait sa sunod nitong chat.

" Ako ho yan, sa bagay iniwan niyo nga pala kami kaya hindi mo ako kilala! Masaya bang tumakas sa responsibilidad bilang ama namin? I replied habang tumutulo ang luha ko, panginginig ng kamay at kirot sa dibdib ang nararamdaman ko.

" Pasensya ka na anak, Hindi kita nakilala. Ikaw ba si, Crystal? Ang laki mo na pala anak ko." I don't know pero habang binabasa ko ang mga chat niya galit ang namumuo sa loob ko. Saan siya kumukuha ng lakas nang loob para tawagin kaming anak.

Akala ko titigil na ito dahil hindi na ako nagreply sa chat niya, but I'm wrong dahil may senend itong litrato ng bata.

" Ito pala ang kapatid niyo anak, diba kamukha mo? Nga pala kaarawan niya na bukas." nalaglag ang cellphone na hawak ko dahil sa panginginig ng kamay ko.

" Wala kang kwentang ama!" bulong ko habang tumutulo ang luha sa pisngi ko.

" Paano mo nagawa sakin 'to? 26 years akong nangulila sa'yo pero ito pinamukha mo sakin na wala kang kwentang ama!" humahagulhol kong sigaw at dinampot ang cellphone.

" Pasensya na ho, hindi po ako ang anak niyo at isa lang ho ang kapatid ko." pagkatapos kong i-send ang reply ko kaagad ko itong blinocked.

Ang tanga ko naman sa part na umaasa akong makilala niya ako eh, 26 years niya na kaming iniwan. At ngayon nagparamdam siya para ano ipamukha niya sakin na kaiwan-iwan kami.

" How dare him to send those pictures. Ang kapal naman ng mukha niya para magparamdam at isampal sa akin ang katotohanan na hindi ko na mararanasan pa ang buong pamilya." may pagsisisi kong bulong.

Dati napapanuod ko lang ang ganitong kaganapan sa mga pelikula, hindi ko akalain na mararanasan ko pala ang napapanuod ko. Ngumiti ako nang mapait at pinipigilan ang luhang kanina pa umaagos sa pisngi ko.

" God, please comfort me. 26 years kong dala-dala ang pangulila, tampo at galit sa kanya and this time hindi ko pa siya kayang kausapin. Wala siyang alam sa nararamdaman ko. Please yakapin mo ako kahit saglit!" pagmamakaawa ko at ipinikit ang matang puno ng luha.

" You hurt me again and I hate it, dahil sa ginawa mo lalo kitang kinamumuhian." I whispered with so much pain.

***

Naimulat ko ang mata ko nang maramdaman ang pagtapik sa pisngi ko. Ngiti ng aking Ina ang unang nakita ko. Saglit kong ipinikit ulit ang mata ko dahil sa masakit ito.

" Bangon ka na anak, may duty ka ngayon Hindi ba?" Tanong nito at pinatayo ako at pinalabas ng kuwarto.

" Maglinis ka na ng katawan mo ako na magliligpit ng higaan mo." she shouted inside my room. "Magiging okay rin ang lahat, crystal." pangungumbinsi ko sa'aking sarili at tumungo sa banyo.

Nagmamadali akong umalis ng bahay para hindi ako maabutan ng traffic. As usual mainit ang panahon kahit na 3 na ng hapon. Dahil sa panggabi ang duty ko kailangan kong umalis ng bahay ng maaga para hindi mahirap mag byahe.

" Good afternoon, nurse Tal." anang tindera sa kainan na lagi kong pinupuntahan. Pagkarating ko agad akong umupo at bumili ng tubig, I was about to open my phone nang mag pop up ang message ng aking Ina.

FROM: Mama

" Nagpadala nga pala ang papa mo anak." napapikit ako nang mabasa ko ito. Akala ko titigil na siya dahil sa ginawa kong pag blocked sa kanya ngunit ang nanay ko naman pala ang kanyang punterya.

Pinigilan ko ang sarili ko na hindi umiyak ngunit hindi nagpaawat ang luha ko. I hate it mabilis akong masaktan.

" Huwag mong pigilan ang luhang gustong kumawala sa mata mo. Come here let me hugged you." isang bulto ng lalaki ang umupo sa tabi ko at niyakap ako.

" Ayaw ko sa lahat ang makakakita ng babaeng umiiyak. You know why?" he asked.

" Hindi bagay sainyo ang umiyak, dahil kayo ang kayamanan na dapat iniingatan at pinapahalagahan at minamahal." he added at hinaplos ang buhok ko.

" Sorry." hinging paumanhin ko at bumitaw sa pagkayakap nito at inayos ang sarili.

" Those eyes is precious." he whispered at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko at tinitigan ako ng mariin.

" I don't want to see the teary eyes of you, mas gusto ko ang mataray mong mata." pagpatuloy nito habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. Ilang kurap ang ginawa ko dahil maiilang ako sa paraan ng titig nito.

" He's weird when I'm close to you." kita ng dalawang mata ko ang paggalaw ng Adams apple nito habang tinuturo nito ang dibdib niya kung saan nandoon ang puso nito.

" This is the first time, my heart beat like this." he whispered again at siya na mismo ang sumuko sa pagtitigan naming dalawa.

" I'm going, don't let people hurt you." Sabi nito habang pinupunasan ang pisngi ko at tumayo kalaunan at nagpaalam.

" And this is the first time a man comfort me in the middle of my saddest and hugged me like that." I murmured at isinubsob ang mukha sa mesa dahil sa kahihiyan.

Love Me Back, Cacius (SOON TO BE PUBLISHED)Stories to obsess over. Discover now