CHAPTER 07

55 12 7
                                        


  It's 9 PM nang gabi, nag-alala na ang binata dahil hanggang ngayon hindi pa nagigising ang dalaga. Ilang ulit niya rin itong pinupunasan para kahit papaano mabawasan ang init sa katawan nito. Agad napatayo ang binata nang magising ang dalaga. Dumampi ang palad nito sa noo ng dalaga tila nabawasan ang pag-alala niya nang hindi na ito nilalagnat.

   “ Hmm…nasaan ako?” Tanong ng dalagang kakagising lang at tumingin sa mga mata niya.

   “ Nasa Bahay ka namin, Mahimbing ang tulog mo simula nung nasa kotse pa lang tayo, kaya dito na kita dinala dahil hindi ko alam ang address mo.” he explained, napakurap ang dalaga nang makita ang orasan na nasa maliit table.

   “ 9 na nang gabi, pwede bang dito ka na lang magpalipas ng gabi, at tsaka hindi ka pa kumakain. Kahit ngayon lang wag mo’ko pagsungitan pwede?” biglang tanong ng binata na bahagya niyang ikinatawa. Hindi niya akalain na papasok sa isipan ng binata na uuwi siya pagnagising siya.

   “ Gusto mo ba ako umuwi?” balik tanong niya sa binata na ngayo'y nakangiti na.

   “ Sh*t panatag na ako nung marinig ko ang boses mo. No. gusto ko dito ka muna kahit isang gabi lang.” he added at lumapit sa kama na siyang pagbangon ng dalaga.

   “ Kumusta, may nararamdaman ka pa bang masakit sa katawan mo?” isang malambing na tono ang pinakawalan ng binata nahugot niya ang sariling hininga nang mas inilapit ng binata ang mukha nito sa mukha niya.

     “ Bukas ako para sa mga kwento mo, I know na hindi pa natin kilala ang isa't-isa pero willing akong makinig kapag handa ka na magkwento.” seryosong sabi nito hindi pa rin nilalayo ang sarili. Maingat niyang nilalayo ang mukha sa mukha ng binata dahil ilang dangkal na lang magdidikit na ang mga labi ng mga ito.

   “ Halika ka na sa baba, you need to eat at kailangan ko rin kumain.” makahulugang Sabi nito habang nakatingin sa labi ng dalaga. Napalunok ang dalaga nang masaksihan ang muling paggalaw ng Adams apple ng binata bago ito umalis sa kama.

***
Bumuntong hininga ako bago tumayo. Napatakip ako sa sariling mukha nang makita ko ang reflection ko sa malaking salamin ngayon ko lang na realize na iba na ang suot kong damit.

   “ Don't worry ang mama ko ang nagpalit ng damit mo. Actually kaya ko naman gawin ‘yon pero tsaka na kapag ikakasal na ako sa babaeng masungit at mataray na kagaya mo.” nagulat ako nang may biglang nagsalita sa nakaawang na pinto tinaasan ko ito ng kilay nang ngumiti ito ng nakakaloko.

   “ Sana mahalin ka niya napaka manyak mo pa naman.” walang prenong sabi ko na ikinatawa niya.

   “ Sa'yo lang naman ako ganito,” hirit nito tinarayan ko ito na agad naman nitong tinaas ang dalawang kamay habang nakapaskil ang Pilyong ngiti sa labi nito.

   “ I surrender.” kapagkuwang sabi nito napaaray ako nang banggain ko siya. Gusto kong kutusin ang sarili dahil sa katangahan kong naisip na banggain ang bomberong nakaharang sa pinto eh kasing tigas ng bakal ang katawan nito.

   “ Are you Okay?” Tanong nito na siyang ikinayuko ko sa sobrang hiya.

   “ May masakit ba sayo?” Tanong ulit nito umiling ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.

   “ Nagugutom na ako.” mahinang nakayuko kong bulong I heard him chuckled at hinawakan ang kamay ko at magkasabay kaming bumama ng hagdan.

   “ Ehem…” nailayo ko ang kamay ko na hawak ni Cacius nang marinig ko ang tikhim ng mama nito na nakaupo sa sofa na nanunuod napayuko ako dahil may kasama itong lalaking kasing tanda niya at dalawang babaeng mas bata sa'akin.

   “ G-good e-evening po.” nahihiyang bati ko at unti-unting inangat ang tingin ramdam ko ang presensya ni Cacius sa gilid ko.

   “ You can call us mommy and daddy, good evening hija.” napaawang ang labi ko nang magsalita ang mommy ni Cacius, ngunit mas nagulat ako nang nasa harapan ko na ito na malawak ang ngiti sa labi.

   “ Kanina ka pa namin hinintay na magising kasi gusto ka namin makilala, itong anak kasi namin first time magdala ng girlfriend sa bahay na ito.” masayang sabi nito dahan-dahan kong tinapunan ng tingin ang lalaking nasa tabi ko na ngayo'y naglilikot ang tingin.

   “ M-maiwan mo na kita dito ipaghahanda kita ng pagkain.” agad na tugon nito at iniwan ako kasama ang mama niya na iginaya ako sa sofa.

   “ Hi po, ate nice to meet you po.” naistatwa ako nang bigla akong yakapin ng dalawang bata na based sa hula ko kapatid ito ni Cacius dahil kamukha niya ang mga ito.

    “ T-thank you,” salitang lumabas sa bibig ko dahil sa hindi kayang i-process ng isip ko ang nangyayari.

   “ Gusto ka po namin para kay kuya, ate.” anang isa sa kapatid ni Cacius at ngumiti.

   “ Buti ate nakaya mo ang malayelong ugali ng kuya namin.” dugtong pa ng isa nitong kapatid rinig ko mula sa kusina ang pagsaway ni Cacius sa mga ito.

   “ Bilisan mo ang kilos mo riyan, Cacius Axel nagugutom na ang kasintahan mo dito.” napapikit ako nang marinig ang sigaw ng daddy ni Cacius this time gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

   “ Pwede ba namin malaman ang pangalan mo hija?” anang Ina ni Cacius at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa hita ko

   “ C-crystal Montel po mam,” naiilang tugon ko gumuhit ang saya at lungkot sa mukha nito nang marinig ang sinabi ko.

    “ It's okay, kung hindi ka pa handa na tawagin kaming mommy at daddy.” tila nakonsensya ako nang marinig ko ang sinabi nito.

   “ Ipaghanda mo rin kami ng pagkain, son.” kapagkuwang sabi nito sa anak na nasa kusina.

   “ Mom, hindi kayo kumakain ng dinner tuwing gabi.” agad na tugon ni Cacius.

   “ Simula ngayon kakain na kami ng dinner.” makahulugang tugon nito na siyang sinang-ayunan ng anak at asawa nito

Love Me Back, Cacius (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now