“ Please, umalis na kayo ayaw kong maabutan tayo ni Crystal na ganito. Kung ano man ang problema niyo kaya niyo na yan gawan ng paraan, please Diel huwag mo na kami guluhin ng mga anak mo.
“ Sinabi ko na ang totoo sa'yo di'ba?” anang ama ni Crystal.
“ May sak—” napatingin ang lahat sa pinto nang bumukas ito.
“ Mabuti nandito ka na anak,” salubong ng ama ng dalaga sa kanya na siyang ikinawala nang ngiti sa labi niya.
“ Why? Bakit nandito kayo hindi ba kayo nakaintindi na ayaw ko kayo makita?” agad na turan nito lumapit ang Ina nito sa gawi niya at humawak sa braso niya.
“ Ma, ano nanaman ang ibig sabihin nito?” tipid na tanong nito sa Ina.
“ May cancer ako anak, pwede bang akuin mo mona ang pag-aalaga sa dalawa mong kapatid?” napaatras ang dalaga nang marinig mula sa ama ang salitang 'yon.
“ Aakuin? Bakit? Responsibility ko ba na alagaan ang anak niyo sa iba? Kaya ho ba kayo bumalik dahil may sakit kayo at para ipasa sa'akin ang responsibility niyo bilang magulang sa anak niyo?” Hindi nito mapigilan ang mapasigaw sa sobrang galit.
“ Tingnan mo nga naman may taling na ang buhay mo ni hindi ka manlang matulungan niyang anak mo,” anang kinakasama ng ama na siyang ikinatawa niya ng pagak.
“ Come on, nandito kayo para humingi ng tulong hindi ba? Bakit parang kasalanan ko pa ngayon na ganito ang mga sagot ko? Iniwan mo kami huwag mong sabihin na nalimutan mo ‘yon tapos ngayon ano bumalik ka para ipaalam na may sakit ka at gusto mong kami ang mag-aalaga sa mga anak niyo, wow ha hindi naman ako nainform na responsibilidad ko pa rin ang mga anak niyo.” Hindi makapaniwalang saad nito at tumingin sa Ina nito na walang imik.
“ What ma? Hanggang ngayon ba nagd-desisyon ka pa rin na hindi namin alam ni ate?” Tanong nito umiling lang ang Ina.
“ Ganito na lang total may sakit ka hindi ba, alam ko naman na need niyo ng pera, magbibigay ako ng pera kayo na ang bahala kung gagamitin niyo ito sa tama nasainyo naiyon pero ang pag-aalaga sa mga anak niyo hindi ko matatanggap ‘yon. Pinalaki kami ni mama na siya lang mag-isa kahit hirap na hirap na siya kayo pa kaya na dalawa na kayo? ” Sambit nito at dinukot ang sampong libo na nasa wallet nito, iniipon niya ito para sa Bahay na pinapagawa niya ngunit mas kailangan ito ng taong nang-iwan sa kanila.
“ Here, sainyo na ito, alam kung hindi ito sapat para sa pangangailangan mo pero siguro naman may kakilala kayo na pwedeng tumulong pa sainyo lalo na ang pamilya mo.” agad na tinapunan niya ng tingin ang kinakasama ng ama at binigay ang hawak niyang pera.
“ Bago kayo umalis pwede bang wag na kayong bumalik sa pamamahay na ito?” walang emosyong saad nito bago tumalikod at pumasok sa kuwarto nito.
“ Umalis na kayo Deil, ayaw kong mas lalong sumama ang loob sayo ng anak natin. Kung maaari nawa'y huwag ba kayo magpakita, sana dumating ang araw na mapapatawad ka niya napakabait niyang bata pero hirap siyang magpatawad. ” anang ginang.
“ Magulang rin kayo alam kong kayo niyo buhayin ang mga anak niyo.” dugtong nito at inihatid ang sa labas ng pinto ang dating asawa at ang kinakasama nito.
Umalis ang dalaga sa pagkasandal sa pinto nang wala ng marinig na ingay. Umupo ito sa kasama at tumingala sa altar at humugot ng mahabang hininga.
“ You forgive us sa mga naging kasalanan namin saiyo, at kasama kita sa lahat, saksi ka kung paano ako nasaktan but here I am begging that please be with them. May naging kasalanan man siya sa'amin pero hinihiling ko na sana malampasan niya at gumaling siya sa sakit na nararamdaman niya.” she prayed.
“ And I'm so sorry for being this kind of daughter, nasaktan lang ako.” gumuhit ang lungkot sa boses nito habang pumatak ang ilang butil ng luha sa pisngi
YOU ARE READING
Love Me Back, Cacius (SOON TO BE PUBLISHED)
Romance[UNEDITED] CRYSTAL MONTEL, a 26-year-old woman who worked as a midwife. She is NBSB because for her, forever does not exist and love is just an invented word. Love for her work is what she considers true love. What if she met a hot, charismatic, and...
