Alas singko na ng hapon nang magising ang dalaga sa sunod sunod na malakas na katok sa pinto ng kwarto niya. Pakiramdam niya hinampas ng paulit-ulit ang ulo niya sa sobrang sakit, ang mata nito namumugto at humahapdi sa kakaiyak, and her heart parang may isang milyong karayom ang nakatutok dito dahil tuwing pumapasok sa isip niya ang nangyayari paulit-ulit siyang nasasaktan.
“ Crystal, lumabas ka jan mag-usap tayo. Hindi mo dapat sinagot-sagot nang ganon ang tatay mo kahit baliktarin man ang mundo siya pa rin ang tatay mo.” ipinikit ulit ng dalaga ang matang namumugto at tinakpan nito ng unan ang tenga upang hindi marinig ang sinasabi ng kanyang ina.
Napabuntong hininga siya nang marinig ang pagkulo ng sariling tiyan patunay na gutom na siya dahil hindi siya Kumain ng tanghalian kanina pero, ayaw niya namang lumabas at ayaw niyang makita ang Ina. Inabot nito ang cellphone na nasa maliit na table nang makatanggap ng text mula sa kaibigang si Perry, nangangamusta ito at siya namang okay lang ang tanging reply dahil ayaw niya nang abalahin ang kaibigan sapat na ang pag-aalaga nito sa kanya at pakikinig sa mga problema niya gabi na rin kaya ayaw niya nang abalahin ito.
Kahit nanghihina tumayo ako at nagsuot ng jacket, nang wala na akong marinig na katok sa pinto dahan-dahan akong sumilip at lumabas ng kwarto.
“ She's not here.” bulong ko nang masigurado na wala sa salas ang aking Ina at buong ingat na binuksan ang main door. Gusto ko munang magpahangin at mapag-isa kaya napag pasyahan kong lumabas nang maisara ko na ang pinto agad akong naglakad palayo sa Bahay, nagulat ako nang may biglang umilaw na sasakyan sa di kalayuan sa Bahay namin. Kaba at takot ang namutawi sa katawan ko my heart pounding nagtataasan ang balahibo ko, napahigpit ang kapit ko sa aking hawak na cellphone nang makita ang bulto ng makisig na lalaki papalapit sa gawi ko.
“ Isa't kalahating oras akong naghihintay dito sa labas nagbabakasakali na lumabas ka. Gusto ko na mag-usap tayo. F*CK hindi Ako makapag focus sa trabaho kanina sa kakaisip kung mali ba ang mga sinabi ko sa parents ko or nasaktan ba kita.” tila nawala ang kaba at takot na nararamdaman ko nang masilayan ang mukha ni Cacius.
“ Is that your mother? Wait magmamano lang ako.” Sabi nito at handa nang umalis sa harap ko ngunit pinigilan ko ito at hinila papunta kotse nito na ikinagulat niya.
“ May alam ka ba na malapit na dagat dito? Gusto ko sanang magpahangin, bili rin tayo ng alak.” agad na tanong ko ng makasakay sa kotse niya habang siya na may di makapaniwalang nakatingin sa'akin.
“ Why? Alam mo bang hindi magandang tingnan ang mga babaeng uminom?” balik na tanong nito pumikit ako at nag-isip kung ano ang idadahilan ko.
“ Pwede na ba tayo umalis?” balik na tanong ko iniwasan ang tanong niya.
“ No. Answer me first, bakit tayo aalis? Bakit bigla mo akong hinila sa kotse ko. At bakit iinom ka?” tinanggal ko ang pagka seatbelt ko at umusog sa gawi niya at hinalikan ang labi nito. Ang kaninang kamay nito na nakahawak sa manibela agad na bumagsak sa hita niya inangat nito ang isang kamay at hinaplos ang buhok ko habang magkadikit pa rin ang labi namin sa isa't isa hanggang sa ako na mismo ang nag turn-off ng ilaw ng sasakyan.
“ It's my first kiss and I gave it to the woman I love. My heart beats strongly every time you come near me and it feels like I get burned every time you touch me. My heart is melting.” he said with a soft voice. We both close our eyes when we breathe at the same time, our noses touch while feeling the beating of our hearts.
“ Pwede na ba tayo umalis?” kapagkuwang tanong ko nang tumingin ito sa mukha ko.
“ I no longer drink, but I will accompany you. I'm still waiting for your stories.” he said again at hinaplos ang buhok ko at ikinabit ang seatbelt sa akin tsaka nito pinausad ang kotse.
YOU ARE READING
Love Me Back, Cacius (SOON TO BE PUBLISHED)
Romance[UNEDITED] CRYSTAL MONTEL, a 26-year-old woman who worked as a midwife. She is NBSB because for her, forever does not exist and love is just an invented word. Love for her work is what she considers true love. What if she met a hot, charismatic, and...
