Takot at kaba ang nararamdaman ng binata ang kamay nitong nanginginig nakahawak sa kamay ng dalaga naka oxygen ito na hanggang ngayon wala pa ring malay simula nung nakalabas sila sa Bahay na nasusunog.
“ Honey… you make me nervous and worried at the same time. Please hold on malapit na tayo.” basag ang boses nitong sabi at hinalikan ang kamay ng dalaga.
Nang makababa sila ng ambulansiya agad silang inasikaso ng mga nurses at doctor pati na rin ang pamilyang biktima ng sunog. Hinihingal na bumaba ng kotse ang pamilyang Saez, nagpupumilit pa ang Ina ng binata na pumasok sa loob ng ER nang makita ang walang malay na dalaga.
“ Oh..God!! Iligtas niyo ho siya.” napaupo ang ginang habang pinapatahan at pinapakalma ito nang kanyang asawa’t anak. Hindi mapakaling palakad-lakad ang binata habang hinihintay na lumabas ang Doktor na sumuri sa dalaga. Napaupo at napasandal ito sa pader at napahilamos sa sariling mukha nang hanggang ngayon walang Doktor ang lumabas mula sa ER.
“ Nasaan ang anak ko?” tinapunan nang tingin ng pamilyang Saez, ang ginang na bagong dating at sa likuran naman nito ang babaeng kasing-edad rin nito at ang matandang lalaki na namumukhaan ng binata.
“ Magandang gabi ho, sila po ang magulang ni Crystal.” anang kaibigan ni Crystal.
“ May tumawag sa'akin na dinala daw ang kaibigan ko dito. Ano po ang nangyari?” nag-alalang tanong ni Perry at tinapunan ng tingin ang binata nagbabasakali na sagutin nito ang tanong niya.
“ She's with me. Inaya ko siyang lumabas kaninang umaga at nag movie marathon kami sa Bahay, tumawag ang kaibigan kong bombero na may nasusunog hindi kalayuan sa Bahay namin. And Crystal—” Hindi natapos ng binata ang iba nitong sasabihin nang magsalita si Perry.
“ Kaligtasan pa rin ng kapwa niya ang nasa isip niya kahit na ikapapahamak niya ang gagawin niyang desisyon. Yeah she's my best friend ang babaeng uunahin ang kaligtasan ng kapwa kesa sa sarili.” buntong hininga ang pinakawalan nito at tumingin sa magulang ng kaibigan na kanina pang walang imik.
“ Ganyan mo ba pinalaki ang anak mo Criselda? Nakikitulog sa ibang Bahay?” parehong napakuyom ng kamao ang binata at ang ama nito nang marinig ang sinabi ng ama ng dalaga.
“ Bakit anak mo rin naman siya ha. Ako lang ba ang nagluwal sa batang ‘yon?” disappointed na tugon ng Ina ng dalaga.
“ Tita, Hindi ito ang tamang oras para mag-away kayo nasa loob ng ER ang anak niyo. Kahit ngayon lang magkaroon naman kayo ng pake Sa naka niyo!” agad na awat ni Perry sa magulang ng dalaga dahil sa inaakto ng mga ito.
“ Hindi ko pinagsisihan na iniwan ko kay—” isang suntok ang natanggap ng ama ng dalagang si Crystal mula sa daddy ng binata.
“ Kung nagpunta kayo rito para saktan ang magiging asawa ng anak namin mabuti pang umalis na kayo. Oo, Hindi namin alam ang nangyayari sa pamilya niyo pero wala kayong karapatan para saktan siya at isa pa isang ama ka ba talaga?! Huwag na wag mo siyang iinsultuhin sa harap namin deserve niya ang isang ama na mamahalin siya at hindi katulad mo na walang kwentang ama.” buong lakas na inawat ng binata ang ama nito na handa nang sugurin ulit ang ama ng dalaga na ngayo'y nagpupunas ng dugo sa labi nito.
“ Akala ko mabait ka nung nagkita tayo sa Bahay ni Mrs. Montel nagawa pa nating pag-usapan si Ms. Crystal pero nagkamali yata ako. I think deserve mo naman ang suntok na galing sa daddy ko na magiging daddy ng anak niyo.” seryoso ang boses ng binata nang bitawan niya ang salitang ‘yon.
“ Hindi na ako magugulat kung wala kayong alam sa nangyayari sa anak niyo. Naisip niyo ba kung bakit minsan hindi umuuwi ang anak mo Mrs. Montel? She needs love na galing sa taong mahal niya ngunit hindi niyo pinaparamdam sa kanya ang pagmamahal na ‘yon kaya nahanap niya sa ibang pamilya at kaibigan ang pagmamahal na dapat sainyo ng galing.” disappointed na saad ng Ina ng binata sa ginang na hindi nakapag salita.
“ Kung ayaw niyo sa kanya, hayaan niyong punan namin ang pagkukulang niyo bilang magulang. Isang malakas na sampal ‘to para sainyo pero mas deserve namin siya bilang anak.” kalmadong dugtong nito at iniwan ang magulang ng binata at lumapit sa pinto ng ER.
Napatingin ang lahat sa Doktor na kakalabas lang mula sa ER. Magkasabay na lumapit ang dalawang ginang sa gawi ng Doktor na ikinailang ng binata. Alam niya na hindi magpapatalo ang mommy niya.
“ Doc. Kumusta ang anak ko?” mas diniin ng ginang ang salitang ‘anak’ at tinapunan ng tingin ang Ina ng dalaga na nasa tabi nito.
“ She's fine now, pero kailangan niyang i-oxygen dahil sa marami siyang nalanghap na usok na nakaapekto sa paghinga niya. Um.. can I asked something?” pabalik-balik ang tingin ng babaeng Doktor sa mga taong nasa harapan niya.
“ Sino po ang magulang ng patient?” Tanong nito agad na nagsalita ang Ina ng dalaga ganon din ang ama nito na siyang ikinasama ng tingin ng mommy ni Cacius.
“ Ma'am, Sir. pwede ko ho ba malaman kung ano ang nangyari sa anak niyo? Habang ginagamot ko siya may nakita akong sugat sa braso at pulsuhan ng patient, may alam ho ba kayo?” Isang tanong na nagpagulat sa magulang ng dalaga. Yumuko ang Ina nito dahil wala siyang maisagot sa tanong ng doktor.
“ She hurt herself, d-dahil sa muling nagparamdam ang tatay niyang nang-iwan sa kanila. She's been suffering for almost 26 years ‘yon ay hindi niyo alam auntie. Nandon ako kung paano niya saktan ang sarili niya. Saksi ako sa lahat ng luhang tumutulo sa pisngi niya dahil lang sainyo Tito. Please… nagmamakaawa ako h'wag niyo siyang saktan, h'wag niyong ipamukha sa kanya na wala siyang karapatan na maranasan ang magkaroon ng buong pamilya. Kung may mga taong gustong punan ang pagkukulang niyo please hayaan niyo silang iparamdam ‘yon sa kaibigan ko.” Hindi napigilan ng dalaga ang luhang namamalisbis sa pisngi nito nang sabihin nito ang mga naranasan ng kaibigan.
“ Thank you for being there hija.” Anang Ina ni Cacius at niyakap siya.
“ Pwede na kayong pumasok para makita siya, sana hindi na maulit ang nangyari sa patient ko.” wika ng Doktor at agad itong nagpaalam.
“ Honey… pagising mo simba tayo ulit ha. Nagpaalam na ako sa boss namin na magleave ako nang isang linggo para maalagaan kita. Nandito lang kami sa tabi mo.” Cacius whispered at ginawaran ng halik ang noo ng dalagang natutulog.
YOU ARE READING
Love Me Back, Cacius (SOON TO BE PUBLISHED)
Romance[UNEDITED] CRYSTAL MONTEL, a 26-year-old woman who worked as a midwife. She is NBSB because for her, forever does not exist and love is just an invented word. Love for her work is what she considers true love. What if she met a hot, charismatic, and...
