PROLOGUE

199 17 7
                                        

   PAGOD na pumasok ng bahay si Crystal galing sa trabaho bilang isang midwife. At katulad ng kadalasan niyang nadadatnan, may hawak na naman na bote ng alak ang kanyang ina at kinakausap ang boteng hawak nito. Walang gana niyang inilapag ang bag na dala at saka nilapitan ang ina, na mukhang lasing na lasing na.

    “Maghihintay kami ng mga anak mo sa iyo, Diel. Mahal na mahal ka namin. Please, bumalik ka na sa amin, kami na lang ang piliin mo!” Mga salitang naririnig ni Crystal mula sa bibig ng lasing na ina.
Hindi na ito bago sa pandinig niya, ngunit naririndi siya sa tuwing naririnig niya iyon. Sa sobrang rindi niya na, kulang na lang ay bumili siya ng headset, para sa tuwing uuwi siya ay hindi niya na maririnig ang mga inuusal ng magulang.

    “Ma, ilang beses na kitang sinasabihan na tama na ang pag-iinom, lagi ka na lang bang ganyan sa tuwing uuwi ako?” may hinanakit sa boses na saad ni Crystal, dahil sa tuwing umuuwi siya, imbes na salubungin siya ng yakap, amoy ng alak ang sumasalubong sa kanya.

   “Nariyan ka na pala, anak. Alam mo ba, mahal na mahal kayo ng papa mo? At ikaw ang paborito niyang anak,” garalgal ang boses na saad ng ina niya, habang hawak pa rin ang isang bote ng alak.
Pumikit si Crystal upang pakalmahin ang sarili at niligpit ang magulong mesa. Sinubukan niya ring agawin ang alak na hawak ng ina.

   “Ma, akin na ‘yan,” sabi ko at pilit na inaagaw ang alak kay Mama, na kinain na ng kalasingan.

   “Bakit ba!? Umiinom pa ako, ‘di mo ba nakikita, ha? Matulog ka na lang diyan. Hinihin—” Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Mama at sumigaw ako.

   “Pwede ba, Ma!? Tama na ang kahihintay sa taong hindi na babalik! It’s been 26 years mula nang iwan niya tayo! H’wag ka nang umasa sa taong iniwan tayo at pinagpalit sa kaibigan mo! Hindi ka ba nagsasawa na lagi mo na lang sinasabi na babalik siya? Kung babalik siya, nasaan? Hindi ko siya makita sa pamamahay na ‘to—”
Hindi ko pa natatapos ang sinasabi nang isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Pag-iinit ng pisngi ang tanging nararamdaman ko.

   “Nag-aral ka ba talaga, ha!? Nagkatrabaho ka lang, ganyan na ang ugali mo! Tandaan mo, wala ka rito kung hindi dahil sa papa mo!” galit na sumbat ni Mama, na siyang dahilan nang pagtulo ng luha ko.

    “Ano’ng gusto mong gawin ko, Ma? Hahanapin ko siya? At ano? Magpapasalamat ako dahil ginawa niyo ako? Paano ko pasasalamatan ang taong ni hindi ko man lang nakita at nakilala? Paano mo nasabing mahal niya ako, tayo? E nasa sinapupunan mo pa nga lang ako, iniwan ka na niya!?” I shouted dahil sa sobrang inis at galit.

   “Tumigil ka na! Hindi niya tayo iniwan! Sumama lang siya sa ninang mo. May anak ang ninang mo at kailangan niya ng ama.”
Napaluhod ako nang sabihin iyon ni Mama. Hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

   “So, paano kami ni Ate? Hindi ba namin kailangan ng ama? Hindi niya ba kami anak, kaya niya pinili ang babaeng yon?!” I shouted with disbelief.

   “Huwag mo naman sisihin ang papa mo! May dahilan siya, kaya niya nagawa iyon.”  Mapait akong natawa nang marinig ang sinabi niya.

   “Kung ano man ang dahilan niya, walang kwenta iyon! What kind of reason na mayroon siya, na kaya niyang iwan tayo para sa kaibigan mo at sa mga anak niya? Gusto mo bang iparating na hindi namin kailangan ng buong pamilya, Ma? Iyan ba ang dahilan niya, Ma? Please, sagutin mo ako, dahil hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit niya nagawa ‘yon.”
My heart broke when I heard my mom crying while shaking her head.  I don’t know, pero sa oras na ‘to, pagkaawa sa aking ina ang namutawi sa katawan ko.

   “Ma, mag-move-on na tayo. Matagal na siyang wala rito. Matagal na niya tayong iniwan.” My voice cracked at niyakap si Mama na umiiling.  Pinipigilan ko ang mga luha kong gusto nang kumawala. I hated it when I saw my mother cry because of my irresponsible father.

   “Ma, ‘wag ka namang ganito. Nagta-trabaho kami ni Ate para sa ‘yo. Ginagawa naming ang lahat para mapasaya ka. Kinaya naman natin na hindi siya kasama, e,” mahinang saad ko, ngunit kumawala ito sa pagkayakap ko.

   “Ginagawa niyo nga ba talaga ang lahat?” tanong nito at tumawa.

   “Hindi niyo nga makita ang papa niyo, e!” umiiling na saad nito at nilagok ang alak.

   “Kung gusto niyang bumalik sa atin, matagal niya na sanang ginawa ‘yon. Siya ang umalis, kaya bakit ko siya hahanapin?” malamig kong saad dahil sa hindi ko nagustuhan ang tinuran ng aking ina.

   “Naka-move-on na kami ni Ate. Ikaw na lang ang hindi pa nakakausad. I’m tired of this kind of life. Lumalaban ako para sa ‘yo, but here you are, wasting your time sa kahihintay sa taong hindi na babalik.”
Labag man sa loob ko ay iniwan ko na si Mama. Hindi ko na kayang marinig ang mga lumalabas sa bibig niya, lalo na kapag tungkol sa walang kwenta kong ama.

   “Paano ako maniniwala sa pagmamahal kung ganito ang naranasan ng mama ko? Ito ba ang pagmamahal na sinasabi nila? Ang iwan ang taong nagmamahal sa kanila?” I whispered with a heavy heart.

Love Me Back, Cacius (SOON TO BE PUBLISHED)Stories to obsess over. Discover now