BUMUNTONGHININGA ako at dinukot ang cellphone na nasa loob ng bag.
“Babaita ka! Saang banda ka nakaupo? Hindi kita mahanap?” Nailayo ko ang cellphone sa tenga nang marinig ang malakas na boses ng kaibigan ko. Pumikit muna ako bago sumagot.
“Nakikita na kita. Lumingon ka sa kanan,” simpleng sagot ko at saka kinawayan ito.
“Halika ka, sa aura mo ngayon, alam kong maraming luha na naman ang lumabas diyan sa mata mo,” seryosong boses ng kaibigan ko ang sumalubong sa kanya at hinatak ang kamay ko papuntang cafe at agad akong pinaupo.
“Dito ka lang,” sambit nito.
“DUDE, dahil talo ka sa dare natin, imbes na ilibre mo kami, lapitan mo na lang ang magandang babae na bagong dating sa katabi nating upuan.”Umiling si Cacius bago lingunin ang nginunguso ng kaibigan sa likuran niya. Napalunok siya nang masilayan ang babaeng tulala at malayo ang tingin. Sa 30 years niyang nabubuhay sa mundo, ngayon lang siya nakakita ng human doll. Masasabi niyang mukhang Barbie ito dahil sa itim at medyo kulot na buhok nito, matangos na ilong, kissable lips, at perfect face ng dalaga.
“Gusto kong lumapit ka sa gawi niya at hingin mo ang number at magpakilala ka,” nakangising saad ni Daniel, ang maingay niyang kaibigan.
“Ayaw kong magkaroon ng kaaway,” tugon ko at inayos ang pagkakaupo.
“Tsk! Tatanungin mo lang naman, dude,” pagpupumilit ni Daniel. Dahil naririndi na ako sa bibig ng kaibigan ko, bumuntonghininga na lang ako at nilakasan ang loob bago naglakad papunta sa gawi ng dalaga.
“Excuse me, Miss?” pagkuha ko sa atensyon nito, na ngayon natauhan na.
“P-Po?” utal na tanong nito.
“Can I have your number? I’m Cacius, by the way,” diretsahang sambit ko at seryoso ang mukha.
Isang nagtatanong na expression ang ibinato nito sa akin.
“S-Sorry, I love my work more than boys.” Sagot na hindi ko inaasahan at ako na mismo ang umalis sa gawi ng dalaga, dahil papalapit ang kasama nito.
“Let’s go.” I felt embarrassed. This is the first time I asked a woman’s number, at ngayon lang ako natalo sa laro, na siyang ikinagulat ko.
“Nakuha mo ba number niya?” tanong ni Daniel.
“Yes,” tugon ko, kahit na hindi ko naman talaga nakuha ang numero.
“Lakas talaga ng kapogian mo!” pasipol na saad ni Daniel.
“MAGKWENTO ka na. Ilabas mo lahat sa harap ko,” my best friend, Perry, said at inabot ang kapeng in-order nito.
“Don’t you dare! H’wag mong pipigilan ang luha mo kapag ako ang kausap mo.”
Hindi ko alam, pero sa pagkakataong ‘to, biglang pumatak ang mga luha ko. Perry is one who makes me calm. Siya ang palagi kong kinakausap at nasasandalan. Tuwing kasama ko siya ay nakalilimutan ko saglit ang problemang dala-dala ko.
“More than 1 week na hindi tayo nagkita, kaya ibuhos mo lahat sa harap ko ang luha mo,” sambit nito at tumayo para yakapin ako.
“Always remember, nandito lang ako para damayan ka sa lahat. Cry it loud. Hayaan mong marinig nila, ang importante mailabas mo ang bigat diyan sa dibdib mo.”
Kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Sinabi ko sa kanya kung ano ang nararamdaman ko.
“Sa bahay ka na matulog, kahit ngayon lang, gusto ko rin maka-bonding ang best friend ko,” kapagkuwang sabi nito pagkatapos niyang marinig ang kwento ko.
BUMANGON ako dahil kahit ilang beses kong sinubukang ipikit ang mata ko, ang babaeng iyon ang laman ng isip ko. Tumayo ako para uminom ng tubig nang biglang umingay ang fire station. Wala na akong sinayang na oras kun’di ang kumilos at tumakbo papuntang firetruck, ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko.
“Maghanda ang lahat at mag-ingat,” bilin ko nang makababa sa sasakyan.
“S-Sir, iligtas ninyo ang anak ko, please!” rinig kong sigaw ng ginang bago ko pasukin ang bahay na napapalibutan ng apoy.
“Mag-ingat kayo!” sigaw ko sa mga kasamahan ko.
“M-Mama!” Rinig kong boses ng bata, kaya agad kong sinundan kung saan nagmumula ang boses na iyon.
“Ma!” Tumigil ako nang marinig ulit ang boses sa isang kuwartong kinakain na ng apoy ang pinto.
Buong lakas kong sinipa ang pintuan para makapasok ako sa loob. Napapalibutan na ng apoy ang kinatatayuan ko, ngunit hindi ko ito binigyan ng pansin, ang mahalaga ay mailigtas ko ang batang nasa loob.
“Cap!” sigaw ng kasama ko nang mahulog ang umaapoy na plywood sa likuran ko. Saktong nasira ko sa wakas ang pinto at agad kong binalot ang dala kong tuwalyang basa sa batang halos mamutla na sa sobrang takot. Kinarga ko ito at buong ingat na lumabas at iniiwasan ang mga naglaglagan na kahoy.
“Lumabas na kayo!” sigaw ko sa mga kasamahan ko nang sinusubukan pa ng mga itong pumunta sa gawi ko.
“Baby, hawak ka lang nang mahigpit sa akin, makakalabas tayo rito,” pagpapakalma ko sa batang karga ko at mabilis na tumakbo palabas.
Pagkalabas na pagkalabas ay agad kong dinala ang bata sa magulang nito at bumalik kaagad para tulungan ang mga kasama kong hirap na hirap sa pagpatay ng apoy, na halos kainin na ang buong bahay. Ilang oras pa ang lumipas bago naagapan ang sunog.
“Maraming salamat ho, Sir, sa pagligtas sa anak ko,” anang ginang at niyakap ako.
“Wala hong ano man iyon, Ma’am, trabaho po namin ang iligtas kayo. Sana sa susunod ay mag-iingat na po tayo at ‘wag mag-iwan ng mga appliances na nakabukas at nakasaksak, para iwas sa sunog ho,” pagkausap ko rito na siya ring pagdating ng kamag-anak nito.
“Captain, magkape ka muna,” anang isa sa kasama ko at binigay ang hawak nitong kape.
“Ang sarap sa pakiramdam na may tao kang nailigtas,” sabi nito, na sinang-ayunan ko at hinigop ang kapeng binigay nito.
“Bakit inaakit ako ng mga mata niya? Tsk! I’m acting like an idiot now,” I whispered, nang saglit na pumasok sa isip ko ang babaeng bumabaliw sa puso ko ngayon.
YOU ARE READING
Love Me Back, Cacius (SOON TO BE PUBLISHED)
Romance[UNEDITED] CRYSTAL MONTEL, a 26-year-old woman who worked as a midwife. She is NBSB because for her, forever does not exist and love is just an invented word. Love for her work is what she considers true love. What if she met a hot, charismatic, and...
