CHAPTER 11

58 12 5
                                        


It's been a week since nung tumakas ako at sa Bahay ni Cacius ako natulog. That night marami akong nalaman tungkol sa kanya about sa trabaho niya bilang bombero sa kwento niya masasabi kong isa siyang bayani. Handang maglingkod at handang isakrepesyo ang buhay para mailigtas ang kapwa.

     “ Hi, Doc. Sanna.” bati ko sa isang  Doktor na bumili ng pang lunch nito. Nandito ako ngayon sa kalenderya namiss ko kumain dito isang linggo din akong nawala.

   “ Naku umupo ka na doon, Ako na magdadala ng pagkain mo.”  Utos Aling Shena, na siyang sinunod ko at siya nama'y kumuha ng pagkain na gusto ko. 11:30 na nang tanghali kaya dumadami na ang mga customer. At dahil isang linggo akong hindi nakapag duty naging umaga ang schedule ng duty ko na okay lang naman sa'akin para naman may time ako para makabawi ng tulog.

Kumunot ang noo ko nang inilapag nito ang pagkain ko at ang hawak nitong bouquet of red roses.

   “ Pinapapabigay ni Kuyang poging bombero, para daw sa'yo yan.” kinikilig na sabi nito at nginuso ang bulaklak kung saan may nakalagay na notes doon.

TO: MY FUTURE..

Hi, Kumusta? Sayang hindi ko masisilayan ang kilay mong nakataas at wala kang makukurot ngayon. May urgent training ang aming team ngayon kaya hindi kita makikita.  I know na maganda ang bulaklak pero mas maganda ka kesa sa bulaklak. Pinag-order na kita ng lunch mo what you need to do is eat and smile para na man sumigla ako dito. See you my future!

Tinago ko ang kilig na nararamdaman ko nang matapos kong basahin ang notes na galing kay Cacius. Simula nung natulog ako sa bahay nito hindi na ako nito tinantanan na tawaging my future. But yeah everytime na maririnig ko ang boses niya pakiramdam ko may one percent na love nabubuo sa puso ko.

    “ Okay, Hindi ko na kailangan pang itanong kung ano ang nakasulat jan, sa mukha mo pa lang alam ko n. Here, inorder niya yan para sa'yo.” anang ni Aling Shena at nagpaalam. Napailing ako at inamoy ang preskong bulaklak na galing kay Cacius. Pakiramdam ko kapag nagtuloy-tuloy ang ginagawa niya unti-unting masisira ang paniniwala ko.

***

Ala una na nang makalabas ako ng hospital bago umuwi dumaan muna ako sa cafe na lagi namin pinupuntahan ng kaibigan kong si Perry at dumiretso na rin sa mall dahil may kailangan din akong bilhin. Nagulat at nataranta ako nang makita ang babae na nabitawan nito ang pinamiling groceries. Binitawan ko saglit ang bitbit kong paper bag na may lamang bulaklak at damit tsaka tinulungan ang babae.

   “ Ms. Okay ka lang ba?” agad kong tanong dito at dinampot ang mga pinamili nito.

   “ God, are you okay ms.” pag-ulit kong tanong, nag-paalam ako saglit at bumili ng tubig.

   “ I'm Crystal,” pagpapakilala ko ngumiti naman ito.

   “ Aeaiz Smith, Aea for short.” pagpakilala rin nito at tinanong kung ano ang mga symptoms kung buntis ang isang tao.  Pagkatapos kong masagot ang tanong niya ilang minuto pa kami nag-usap bago ako nagpaalam dahil nakatanggap ako ng text galing sa mama ni Cacius.

   “ Sorry, hija gusto ko kasi maka-bonding ka kahit.” malawak ang ngiti nito na dumungaw sa bintana ng kotse. Nang makasakay ako agad nitong pinaandar at nagsimula ang kwentohan namin.

   “ Is that from my son?” Tanong nito nang makita ang bulaklak nahihiya akong tumango na ikinangiti niya.

   “ Don't be shy hija, sanayin mo na ang sarili mo na wag mahiya kapag kami ang kasama mo dahil tiyak akong hindi ka na papakawalan ng anak ko. First time niya umibig at alam namin na wala nang susunod dahil sa kinikilos niya nababasa ko na Ikaw ang gusto niyang iharap sa altar. I know na hindi ka naniniwala sa love but please give my son chance to express his love.” nakikinig lang ako sa sasabihin nito dahil alam kong tungkol kay Cacius ang laman ng usapan namin.

   “ Come here let me massage you.” nagdadalawang isip akong umusog nang sabihin ‘yon ni Auntie Christy. Nandito kami ngayon sa kuwarto ni Cacius kasi napaka comfortable daw matulog dito na siyang totoo naman, dahil kapag pinatay mo ang ilaw at tumingala ka sa kisame you see thousands of star na nagkikislapan.

    “ Okay na ba ang pakiramdam mo?” auntie Christy asked matapos nitong masahiin ang balikat at palad ko, habang ako nakatingin lang sa kanya.

  “ T-thank you po, Tita.” pagpapasalamat ko ngumiti lang ito at tumango. Saglit itong tumayo at binuhay ang TV.  Tawa at iyak ang tanging maririnig sa kuwarto ni Cacius dahil sa pinapanuod namin na movie ng mommy nito. Hanggang sa makaramdam ako ng antok and we both sleep in Cacius’s room.

***
Abot langit ang ngiti ng binata nang mapanuod ang bonding ng kanyang mommy at future wife nito. Nalimutan yata ng Ina nito na nakaconnect ang cellphone niya sa cctv ng Bahay nila lalo na sa mismong kuwarto niya.

   “ She knows kung paano ako mabaliw sa future daughter in law niya.” I chuckled at tinago ang cellphone nang matapos kong mapanuod ang video.  Pagod man sa training ngunit nawala naman ito dahil sa video.

   “ Kailan mo kami balak ipakilala sa lucky girl mo?” anang Kelzy at umupo sa tabi ko.

     “ Kapag hindi na tayo busy.” casual na sagot ko umiling lang ito at tumango.

    “ I'm so lucky to have her, more than 30 years of existing siya pala talaga ang para sa'akin. Kaya pala naging busy ako for almost 30 years dahil may inihanda na pala si God, for me na siyang bubuo sa buhay ko na siyang ihaharap ko sa altar. Now I realized that hindi pala girlfriend ang hanap ko kung di magiging asawa.” I proud told Kelzy na siyang ikina mura niya.

   “ Ganyan ka pala kapag nainlove? I hope mas mahaba pa ang sasabihin mo. Can't wait to see her para makapag pasalamat manlang dahil nadagdagan ang salita mo.” umiiling na tugon nito at tumawa kalaunan.

Love Me Back, Cacius (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now