CHAPTER 09

59 12 4
                                        


Huminga ako ng malalim bago buksan ang doorknob ng Bahay, kumunot ang noo ko nang pagbukas ko ng pinto iba't ibang boses ang naririnig ko. Dahil sa curiosity agad akong tumungo sa salas kung saan nagsimula ang ingay napaatras ako nang makitang may kausap ang aking Ina na lalaki kasing tanda niya at sa tabi ng lalaki naman ang babaeng I think matanda lang sa kanya.

" Siya na ba si Crystal?" anang lalaki na siyang paglingon ng mama at nung babaeng masama ang tingin sa akin.

" A-anak a-ng ta-tay mo nga pala." nabitawan ko ang binili kong pagkain nang banggitin niya iyon. Pabalik-balik ang tingin ko sa kabilang tatlo habang pinipigilan ang luha gusto na pumatak.

" Crystal, hindi ka pwedeng umiyak sa harap nila lalo na sa harap ng lalaking inambando kayo sa at babae niya.

" Payaka-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito umatras ako nang handa na ako nitong yakapin.

" Ma, diba sabi ko sayo wag kayong magpapasok ng mga taong di natin kilala?" pinatigas ko ang boses ko at disappointed na tumingin sa gawi ng aking Ina.

" Walang respet-" sa pangalawang pagkakataon pinutol ko ang sasabihin ng babaeng kala mo nagtratrabaho sa club kung manamit tinalo pa ang mga dancer.

" Actually may respeto ako sa mga taong deserve ang respeto ko pero sa mga taong katulad niyo hindi nababagay ang natitira kong respeto. Oh wait, bago mo banggitin ang salitang respeto sa ibang tao respect your self first. Ang pag-agaw sa asawa ng may asawa ay hindi nababagay i-respeto how can we respect you kung sa inaasta at sa suot mo para kang pokpok sa kanto na naghihintay kung sino ang papatol sa'yo." mataray kong sabi at tinapunan ito ng tingin na ikinainis niya at handa na ako nitong sugurin nang pigilan ito ng mama ko at sumigaw ang lalaking kala mo may ginawa nang tama sa mundo.

" Aabot pa ba tayo dito, pwede bang tumigil na kayo? Respeto naman Crystal para sa'amin ng mama mo." Galit na wika ng ama ni Crystal na ikina tawa niya ng pagak.

" Hindi niyo naman sinabi na Words of the day natin is respect. Ano nga ho pangalan niyo ulit? Sorry ang totoo ho kasi niyan hindi ko talaga kayo kilala kaya at wala talaga akong balak kilalanin kayo. At para sa kaalaman niyo my respect is for those people who deserves it especially to my mom and my sister not to those people na hindi kayang i-apply ang respeto sa sarili nila." nagtatapang-tapangan kong wika ang totoo niyan gusto na sumabog ng galit ko at pagod na rin ang dibdib ko sa pagkimkim ng sama ng loob.

" Hindi naman naman aabot sa ganito kung hindi kayo pumunta dito hindi ba?" balik na tanong ko.

" Sinabi ko na sa'yo na hindi 'yan makikinig sa'atin, sa'yo." anang babae nito at tumingin sa gawi ko inirapan ko ito na siyang ikinasama ng mukha nito.

" Bumalik ako dito para sana kausapin ka at humingi ng pasensya pero parang hindi naman kailangan dahil sa inaasta mo hindi ko pinagsisihan na iniwa-" Bukas ang pinto para sa mga taong walang kwenta. Don't you dare na sabihin 'yan sa mismong harapan ko dahil pinapatunayan mo lang na wala kang kwentang ama! You know want kung bibigyan ako nang pangalawang pagkakataon na mabuhay at kumilala ng bagong ama hindi hindi kita pipilitin at lalong hindi kita kilalanin. Malas ko lang kung Ikaw ulit ang magiging ama ko." nanginginig na singhal ko sa mismong mukha niya dahil sa sobrang Galit at hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.

" 26 years, kaming namuhay na wala ka kinaya namin bawat araw, buwan at taon na wala ka ngayon pa kaya?! We don't need father like you at mas hindi namin kailangan ang tatay na tinakbohan ang responsibilidad sa mga anak niya. Call me what you want but you don't deserve my respect at lalong hindi ako hihingi ng pasensya sa inyong dalala. Now, bukas ang pinto para sa pag-alis niyo. Huwag mong isipin na magsisisi ako dahil sa ginawa ko ngayon. Ito ang ginawa kong hinding-hindi ko pagsisihan. Go, and build your own and new family." Dugtong ko at iniwan ang nga ito na nakatayo.

Malakas kong isinara ang pinto ng kwarto ko at agad na tinakpan ang bibig ko at doon sumigaw. Ang kaninang luha na inipon at pinigilan ko agad na bumuhos na parang ulan.

" I hate you all! Deserve ko ba ang masaktan nnag ganito? Deserve ko ba lahat nang ito?!" I shouted sa abot ng makakaya ko habang durog na durog ang puso ko. Tila na blangko ang isipan ko my heart pounding and hurting so much. Lahat nang sakit naipon sa dibdib ko na hindi na nito kinaya.

" God! you know what I want right now. Please be with me yakapin mo ako katulad sa palagi mong ginagawa sa'akin tuwing nasa gantong sitwasyon ako. I'm sorry for hurting myself, Nasasaktan lang ako kaya nagawa kong saktan ang sarili ko." nanghihinang nagmamakaawa kong bulong habang nakaluhod at humarap sa altar.

" Mas maigi nang masaktan at maiwan, Huwag lang ang magmakaawa na wag kang iwan." bulong ko at dinadama ang bawat kirot at

Love Me Back, Cacius (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now