CHAPTER 2 "Hello Section B"

1.6K 24 2
                                    

Angelica POV*

Naglalakad nako papuntang school at inunahan ko na si Dave dahil wala akong tiwala sa unggoy na yun basta ayaw ko syang kasama hindi lang dahil maarte sya kundi mayabang din, nung una kaming nagkita ay mga bata palang kami pero imbis na makipag kaibigan sya is inaway nya lang ako noon.

Nakakabwesit lang kasi lagi niya akong pinapaiyak, nagtataka lang ako kung bakit sya dito lumipat kase mayaman naman sya e kayang kaya nya ang mga pangmayayaman na schools.

Yun ang iniisip ko habang naglalakad nang biglang nagpakita nanaman sakin ang mga bully at matataray na babae mula sa section A.

"HOY! Bakit ka naman dumaan sa lugar namin? Hindi moba alam na bawal ang mga katulad mo dito?"

"lokaloka ka siguro hindi moba nakikita na ito lang ang daan papunta sa school?"

"Mukha ba kaming may pake sa problema mo?Isa ka lang namang below average girl haha"

bigla nalang ako tinulak ng isa sa kanila pero bago ako tumumba ay may taong sumalo sakin sa likod napasandal ako sa dibdib nya at nahawakan ko ang isa nyang braso shittt ang bango pa ng pabango nya. Unti unti akong tumingin at nagulat nalang ako.

"Dave!!!"
1 MINUTE AGO...

Dave POV*
Bwesit naliligaw na tlaga ako, bat kase iniwan ako ni Angelica e hindi kopa naman alam pasikot-sikot dito, deretso nalang akong lumakad at napatigil ako ng Makita ko si Angelica habang nakikipagtalo sa grupo ng mga kababaihan, narinig ko ang lahat ng sinabi nung bully kaya naalala ko yung sarili ko dati noong nasa Antipolo palang ako. Naalala ko lahat ng pangbubully ko sa mga nerd sa school also naalala ko din yung time na ako naman ang nabully sa huli dahil sa aksidente na nagawa ko.
Ayaw ko na may iba pang masaktan dahil sa pangbubully na yan!
Agad akong lumapit sa kanila pero nagulat ako ng bigla nalang may tumulak kay Angelica kaya agad naman akong kumilos para hindi sya bumagsak at awa ng diyos umabot ako.

"Dave!!"

Gulat na bigkas sakin ni Angelica habang namumula ang mukha. Tinayo kona sya at agad akong lumapit sa mga punyetang babae na tumulak sa kanya.

"Hoyy! Bat niyo sya tinulak ha!!"

Ang pogiii, bulong ng isa sa kanila.

"Subukan nyo pang guluhin si Angelica at ako ang makakalaban ninyo".

Natakot sila sa sinabi ko kaya agad silang nag apologize sa kanya.
After nun ay umalis na din sila.
Nag umpisa na kaming maglakad ni Angelica pero napansin kung wala parin kaming imikan kaya sinubukan ko magsalita pero inunahan na nya ako.

"Sorry dave".

Sinabi nya yun sakin na para bang nakokonsensya.

"Bat ka naman nag sosorry sakin?"

"Kasi hindi ako naging Mabuti sayo simula palang nang dumating ka dito kaya sorry dave".

"Napansin ko kanina pa namumula yang mukha mo? May lagnat kaba?"
Nagulat sya sa sinabi ko and bigla nalang sya tumakbo. Buti nalang malapit na kami sa school kaya dinako naligaw.

Kinakabahan pako pumasok pero dapat kung labanan ang takot kaya pumasok na ako. Maganda din pala ang school na ito sa loob, dalawang building ito at halos magkaharapan lang.

Naalala ko ang sinabi sakin ni Angelica na pumunta muna sa principals office kaya hinanap ko ito. Naka ilang ikot nako sa campus at napansin kung madami din palang nagaaral dito.
While searching kung nasan yung office na yun aksidente akong naka bunggo dahil nga sa katangahan ko, sorry... bigkas ko

Pinulot ko yung mga nahulog nyang notes at nabigla ako ng Makita ko ang mukha nya.

Red hair sya at ang ganda nya first time ko lang maramdaman yung ganong feeling na para bang may butterfly sa tyan ko, kinuha nalang nya yung mga notes na pinulot ko at dali daling tumakbo, gusto ko pa sana malaman ang name nya kaso ang bilis nyang tumakbo.

ILOVEYOU FROM SECTION B (Tagalog)Where stories live. Discover now