CHAPTER 4 "Clinic"

961 16 0
                                    

Nagising akong kaharap si Yvonne sa harap ko, nagulat akong makita sya after akong tamaan Ng bola.

"Wait tinamaan ako ng bola kanina Diba?"

"Oo pag spike ko kanina, sorry talaga!" Bigkas nya sakin.

Nagtataka ako kung bakit ko sya kasama ngayon, and bat parang ang tagal ko na nakatulog.
"Wait anong oras naba?"

"7 hours kang naka tulog, nag alala Ako kaya binantayan na kita"

Huh?binantayan nya ako? Sabagay kahit sino naman mag aalala kapag may nasaktan kang tao, pero para sakin naramdaman kong kahit papaano may nag-aalala parin sakin.

"So pitong oras moko binantayan dito sa clinic?"

Grabe naman kung babantayan nya ako ng ganong katagal diba?

"Oo, nag alala kase ako sayo"
Luh!! So toong boung araw syang naghintay na gumasing ako at Hindi narin sya nakapag practice Ng game nila dahil sakin.

Bigla syang lumapit sakin at tinulak ang dibdib ko, agad naman akong napahiga at nanlaki ang mata.
Nilapit nya yung mukha nya sakin at halos eye to eye na kami ramdam ko nadin ang init ng hininga nya nang bigla nyang hawiin ang buhok ko.

"May bukol ka sa noo"

Dahan dahan na syang umatras after nun.

Kinabahan Ako dun ah!!Napansin lang pala nya yung bukol ko.

"Wala lang to, malayo sa bituka"

Yun ang sinabi ko kahit hindi ako sanay masaktan or masugatan manlang.

"Yvonne nga pala but tawagin mo nalang akong Eve"

Luh!!! Totoo nakikipag kilala na sya sakin?

"Hindi ba bawal makipag kaibigan ang magkaibang sec?" Tanong ko sa kanya.

"Shhhh!! Wag ka maingay satinsatin lang to, bawal din na malaman nila na binantayan kita dito."

So lahat pala ito ay sikreto lang dapat namin, pero masaya padin ako kase nakausap and nagkakilala kami in person but in awkward way.

"Oo nga pala, my name is Dave"

Ngumiti si Eve ng marinig nya na nagpakilala nadin ako, "So friends naba Tayo Dave?"

Ang bilis lang kase parang kanina lang e pinapanood ko lang sya tapos Ngayon is friend ko na agad dahil sa isang accident.

"Yes Eve I want you to be my friend."

"Kung ganon magkita tayo Mamaya sa labas ng school malapit sa bakery Friend!"

Bigla nalang syang umalis at tumakbo, para syang si Angel laging nagmamadali sa buhay.
Humiga muna ako saglit at inisip kung anong nangyari ngayong araw na ito, pangalawang araw palang pero ang dami na agad mga bagay na nabago sa buhay ko' siguro hindi rin naman naging masama ang paglipat ko dito sa province namin dahil ngayon ko lang naramdaman yung feeling na parang lahat ng bagay ay totoo.

Naaalala ko noong nasa Antipolo palang ako, nagkaron din ako ng mga kaibigan dun pero iba ang feeling dito na kahit isa lang akong simpleng tao e nagagawa parin nilang mag alala at makipagkaibigan sakin.

Ito pala yung tinatawag nilang true friendship.

Lumabas nako Ng clinic at nag umpisang pumunta sa room namin para umuwi dahil maya-maya lang ay uwian na, napilitan akong akyatin ang building namin para lang makapag paalam at makuha ang gamit ko.

After ko makarating sa taas ay nagpahinga muna ako dahil medyo masakit parin yung ulo ko dahil sa pagkakauntog.
Habang papunta na ako sa room A5 ay bigla akong tinawag ni Angelica kung ok lang ang pakiramdam ko, sinabi ko nalang na Oo at mauna na sya mamaya sa paguwi dahil may dadaanan pako and after ko sabihin yun ay dumeretso nako para kunin ang mga gamit ko sa loob.
Nag paalam nadin ako sa last period Teacher namin na mauuna na ako umuwi kaya kinuha ko na ang bag ko at umalis Ng school.

ILOVEYOU FROM SECTION B (Tagalog)Where stories live. Discover now