CHAPTER 8 "Sino ka?"

576 24 1
                                    

Nakangiti samin sila Lily at Clint dahil nga magkayakap kami kaya agad na namin binitawan ang isat isa.

"How sweet naman" bigkas ni Lily samin.

Parehas kaming pautal-utal na nagpaliwanag ni Yvonne pero parang walang pake sila Lily at patuloy padin kaming pinagtripan ng dalawa.

"Ohhh sige na para tahimik na kumain nalang tayo!" sigaw ni Lily

Wow!! Ang dami nilang inorder, may Coke float, taro, fries with cheese sticks then may pa sizzling sisig at lechong kawali.

"Kaya ba natin ubusin to?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan diba haha" pabirong sagot sakin ni Clint.

"Fight!!" Sigaw ni Yvonne.

After 15 minutes*

Shitt,busog nako diko na kaya gusto ko nang umuwi!! Napadami yata ang kain ko.
Halos lahat kami masuka na sa kabusugan pero parang wala lang kay Lily ang lahat dahil patuloy padin syang kumakain.

"How the hell!, dika padin busog?" Tanong ni Clint dito.

Tumawa lang si Lily at tuloy padin ang pagkain.

"Matakaw talaga si Lily hindi mo sya masisisi Clint" bigkas dito ni Yvonne

Nagtawanan kaming lahat dahil isa isa kaming dumighay haha

Syempre bago kami umuwi ay naglaro muna kami ng isang game, truth or dare.

"Ok guys may bote ako dito at kung sino man ang matapatan ay tatanongin namin ng truth or dare ok" Mechanic's ni Lily.

Sa unang pagikot ay tumapat ito kay Clint at tinanong namin sya kung truth or dare ba at pinili nya ang dare, bigla nalang nag suggest si Yvonne ng kakaibang dare para sa kanya.

"Pumunta ka dun sa baba at sumigaw ka ng pogi ako" patawang bigkas ni Yvonne kay Clint.

"Huhhhh ayoko!!"

Agad naman kaming tumawa pero dare is a dare so wala syang magagawa.
Bumaba na sya at pinanood namin sya mula sa taas at pasimpleng tumatawa at ayon na nga pumunta na sya sa gitna at sumigaw.

"POGI AKOOO!!!" Sabay takbo paakyat.

Hahaha hindi kona napigilan ang pagtawa kasi pinagtinginan sya ng mga tao dun ng gawin nya yun, halos di rin mapigilam nila Yvonne at Lily ang pagtawa dahil naka record pala ang ginawa ni Clint.

"Puchaaa kayo kakahiya!!"

Naawa ako but in the same way natatawa haha.

"Babawi ako!!" Sigaw ni Clint.

E saktong gabi na kaya nag desisyon na kaming umuwi, galit na galit samin si Clint dahil sya lang ang na dare at tinawanan lang namin.
Buti hinatid kami ni Lily pero diko inaasahang may ibibigay siya kay Clint, isang supot ng chicken wings.
Siguro apologize na nya yun para kanina haha.

Syempre may sermon uli ako kay tita pero sanay nako.
Di na ako kumain ng hapunan dahil busog na busog na ako kaya diretso higa na agad sa kwarto.

Nag chat sakin si Clint, puchaa diko pa pala friend to sa fb kaya inaccept kona.

"Pree diko inaasahang malapit ka sa kanila sabay friends mopa, sa mga taga section A pa talaga".

Hayst nahihibang nanaman to.

"Btw sorry pre kung nung una hindi ako naniwala sayo na kaya mong makipag kaibigan sa kanila and thankyou din dahil naging malapit ako sa circle of friends nyo kahit na kahiyahiya ako kanina".

ILOVEYOU FROM SECTION B (Tagalog)Where stories live. Discover now