Simula nung hinatid ko si Eve sa kanila medyo naging malapit na kami sa isa't isa, let's go back sa nangyari..
FLASHBACK*
"Uuwi nako Eve", bigkas ko sa kanya.
Ngumiti sya sakin pero dina nagsalita, paalis nako nun nung bigla nalang siyang sumigaw sa malayo.
"Thankyou Dave!"
Muli akong tumingin sa kanya at nag bye bago tuluyang umalis.
Pagabi nadin kaya wala na akong masakyan pauwi, naghanap ako ng bus stop malapit kila Yvonne para mabilis na akong makauwi.
Sobrang tagallllll!! Bigkas ko sa utak ko
Tumingin ako sa phone ko, jusko 2 hours nako dito!!
At halos 9 nadin ng gabi wala na talagang dadaang sasakyan.Umupo nalang uli ako, Wala nadin naman akong magagawa e, ako lang din ang mahihirapan pag nag wala pa ako dito.
Habang nag-aabang ay may Isang sasakyan ang tumigil sa harap ko, makikita mo na mamahalin ito kulay palang hanggang sa tatak.Unti-unting nag bukas ang bintana ng sasakyan, isang babae ang nakatingin sakin at grabe ang ngiti.
Para bang kilalang-kilala na nya ako and bakit naman sya titigil sa harap ko diba?"Dave? Tama ba?", Bigkas ng babae sakin.
"Sino ka?" Nag iisip ako pero parang nakita kona sya dati e.
Ngumiti sya sakin at binuksan ang pinto ng sasakyan, "Sumakay kana at saka nako magpapakilala".
Sumakay nadin ako dahil late nadin naman ako e at gabi nadin."Lily nga pala"
Wait oo naaalala kona, sya yung babaeng kausap ni Eve kanina.
"Wait pano mo nalaman yung name ko"? Tanong ko sa kanya.
Tumawa lang sya sakin na para bang nakikipagbiruan, nakakapikon na kaya."Matagal na kitang kilala, simula nang pumasok ka dito kilala na kita"
Haluhh!! Baka alam nya yung nangyari sakin sa dati kung school masama to.
"Wait pano mo ako nakilala kung ganon?"
Haluhh kinakabahan ako baka ma reveal na lahat ng ginawa ko dati ma expose pako sa school namin,Nakaka inis kung kilan naman ang ganda na ng mga nangyayari."Tanda mo nung araw na may pinorotektahan kang babae, laban dun sa tatlong matataray ng Section A?" Tanong nya sakin.
Wait ang tinutukoy ba nya ay si Angelica?
"Oo bakit?", Sagot ko.
Wala lang, proud lang ako sa ginawa mo. Nakangiti padin sya sakin sabay napaka amo ng mukha nya at sobrang inosente, sya na yata ang may ganyang kaamong mukha sa Section A e.
"Wait dito ba ang papunta sa inyo?" Tinuro nya ang isang papasok na kalsada.
"Oo dyan lang sa tabi" sabay turo ng daan kung saan.
"Oo nga pala bakit mo ako hinatid dito sa bahay?" Tanong ko kay Lily
"Nag chat sakin kanina si Yvonne alam nyang wala kang masasakyan kaya humingi sakin ng favor yung tao"
Nagulat ako sa sinabi ni Lily, Diko inaasahang gagawin yung ni Eve para sakin. Bigla nalang tumigil ang sasakyan at nakarating na nga ako sa bahay, naka bungad na agad ang galit na mukha ni Tita Beth sakin,
Then nakita kong naka silip sa bintana si Angelica.Pagbaba ko ay agad akong tinitigan ng masama ni tita.
"Salamat iha at inihatid mo tong pamangkin ko ha, diko na talaga hahayaang maulit pa ito" bigkas nya kay Lily.
YOU ARE READING
ILOVEYOU FROM SECTION B (Tagalog)
RastgeleDave, a high school student, was a star at his school in Antipolo. He came from a wealthy family and was known for his intelligence. But his popularity took a sudden turn when he accidentally set fire to the school laboratory. This incident led t...