Examination start and nagulantang ako sa mga tanong, like what the hell is that!!
Wala manlang yun sa discussion pero nasa questionnaire, hirap talaga dito sa pinas.
Ginawa ko ang best ko para makapasa kase alam kong kahit mahihirap ang tanong e matagal kona itong napagaralan simula palang noong nagaaral pa ako sa Antipolo.Done na agad sa first exam at ako pa ang unang natapos, gulat na gulat ang buong klase ng bigla nalang akong tumayo at inabot ang test paper sa teacher ko.
"Mr Quilon, are you sure sa mga sagot mo?" Tanong ni ma'am.
Tumango ako sabay upo sa armchair namin.
Alam kong pinagbubulongan na ako ng mga tao dahil sa ganong klase ng action, 15-20 minutes ko lang kase tinapos ang first exam at major subject pa, feeling ko tuloy iniisip nila na nilaro ko lang ang test namin.
Tuloy tuloy yun hanggang lunch na namin, kinuha ko ang bento ko sa bag at magsisimula nang kumain ng biglang pumasok sa room namin si Angelica.
"Gusto mo kumain sa tahimik sa lugar?" Tanong nya sakin.
"Sige saan ba?" Pabalik kong tanong.
Sinamahan ko syang umakyat ng school at sabay papunta sa rooftop, like she said wala ngang ingay kase walang tao doon.
Umopo kami sa sinasabi nyang spot, may lamesa doon at may upuan nadin, parang ginawa talaga para kainan kaya nakakapagtaka na walang pumupunta dito.Nag start na kaming kumain ni Angelica at nag kwentuhan about sa exam.
"Ang hirap ng mga questions gagii, wala manlang sa tinuro nila" Angal sakin ni Angel.
Hindi nalang ako nagsalita about dun kasi feeling ko hindi naman ganong kahirap and kahit walang review masasagutan din agad common sense nalang.
"Hoyy magsalita ka manlang, kanina pa ako dada ng dada dito e" bigkas nya sakin.
Tumingin ako sa kanya at ngumisi.
"Nakakayamot ka!!!" Hindi talaga kita maintindihan e.
Sasapukin na nya sana ako nang bigla kaming masilaw sa flash ng isang camera.
"Huh!! Sino yun?" Bigkas ko.
May isang lalaki ang lumabas sa likod ng dingding at ngumiti sa aming dalawa, may dala-dala syang camera at makikita mo sa ID na isa siyang Journalist.
"Sorry kung nabigla ko kayo haha, napansin ko kasi kayong nagkukulitan kayo dito sa taas kaya naisipan ko kayong kunan ng picture" Bigkas nya sa amin.
"Uhhhh so anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya samin at naglabas ng sarili niyang bento.
"Pwede bang sumali sa inyo?"Tanong nya samin.
Wala na kaning nagawa kaya pinaupo na namin sya, mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan.
"Sang room ka nga pala?" Tanong ni Angel sa lalaki.
"Ahhhh sa Class 5A" Sagot nito.
Nagulat si Angelica sa narinig nya yun at biglang tumingin sa akin.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Dave..... Hindi sya taga rito..." Bigkas ni Angelica.
Naguluhan ako sa sinabi nya pero agad namang sumabat ang lalaking yun saamin.
"My name is Gerald nga pala, nice to meet you and ang totoo I am not from this building I am from Section A" Bigkas nya samin.
Shitt kahit ako nagulat, biglaan nalang niya yun inamin samin nang ganon-ganon nalang.
YOU ARE READING
ILOVEYOU FROM SECTION B (Tagalog)
RandomDave, a high school student, was a star at his school in Antipolo. He came from a wealthy family and was known for his intelligence. But his popularity took a sudden turn when he accidentally set fire to the school laboratory. This incident led t...