Dave POV*
Ilang araw nadin ang nakalipas since ang pagka-panalo nila Yvonne. Siguro next week ang magiging susunod nilang laban, pero hindi parin akong kampanting okay na siya dahil sa mga nangyari.
Nagiisip pa ako kung kakausapin ko sya about dun kaso baka lalong lumala pag nagtanong pa ako.
Hayst, kanina pa ako nagiisip dito sa kwarto kong ano nga ba ang dapat kong gawin pero lalo lang sumasakit ang ulo ko kakaisip.
Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pinto."Bangon na dyan mahal na prinsipe!" Sigaw sakin ni Angelica.
Ito nanaman sya susumbatan ako para kumain ng hapunan, sanay nadin naman ako kay Angelica kase ang tagal na naming magkasaka.
Unti-unti ko ding napapansin na nasasanay nako sa ganitong klase ng buhay.
Bumangon na ako at sa bahay na ito, hindi pwedeng hindi sabay-sabay na kumakain ang buong pamilya. Ayoko ko pati mabatukan nanaman ni Tita Beth haha.After ko kumain bumalik na uli ako sa kwarto as usual.
Nagbasa nalang ako ng mga gamit na novel ni Angel sa kwarto, buti ang dami kaya namili nalang ako ng babasahin, parang maganda tong Afternoon Bridge, ma try nga.
Habang nagbabasa ako ay nakaramdam ako ng biglaang pagkagutom kaya lumabas muna ako ng bahay para bumili ng meryenda.
8:33 na ng gabi kaya nagmamadali nako, mas takot akong masapak ni Tita Beth kesa ma holdap sa kanto.Buti malapit lang dito ang 7/11 kaya kampanti akong makakauwi din ako ng mabilis.
Malapit na sana akong makarating ng bigla naman akong hinarangan ng tatlong tambay sa daan at tinutukan ng kutsilyo. Shitt!, kahit san ba ako pumunta laging may mamang nangyayari.
"Ibigay mo sakin ang wallet mo!!" Sigaw ng isa sa kanila.
Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa at inabot sa kanya, aabotin na nya ito ng bigla kong agawin ang kutsilyo at ginapos ang mga braso ko sa leeg nya.
"Sige subukan nyong lumapit, patay tong kasama nyo!!" Bigkas ko sa kanila.
Tila ba wala silang pake dito at unti-unti paring lumapit papunta sakin, shitt anong gagawin ko. Nagulat nalang ako ng biglang tumumba ang isa sa kanila, naaninag ko ang isang babae sa may likod nito.
Inatake naman sya ng isa pang kasama nito pero agad namang naiwasan.
Waitt!! Si Mitsuki ba yun!!!
Nahawakan nya ang braso ng kalaban at kitang kita ko ang pagrotate ng braso nito to 360°.
Gravee napaka brutal nya!!
Tatayo pa sana yung isa kaso agad naman nyang natadyakan na naging dahilan para mahalikan nito ang sahig.
Binitawan kona yung isang holdaper pero agad din namang tumakbo dahil sa takot.
Hindi ko alam na kayang gawin yun ni Mitsuki, daig pa nya ang martial artist e."Anong ginagawa mo dito?" Tanong sakin ni Mitsuki.
"Ahh- e- ......" Wala akong masabi, dahil din nabigla ako.
"Ok lang, dimo na kailangan sabihin" bigkas nya
"Pupunta kase ako ng 7/11, para bumili" pahabol kong sagot.
Nakatingin lang sya sakin, pero grabe yung tingin para kang pinapatay.
"Sige tara, sasamahan nalang kita at malapit namana tayo dun" bigkas nya sakin.
Natakot ako dun akala ko may galit sya or something, siguro ganon lang talaga yung mga tinginan nya.Mas lalaki pa sya sakin e, nakakainggit lang kase may hundred plus aura sya lalo na kanina.
Sinamahan nya na ako papunta sa convenient store.
![](https://img.wattpad.com/cover/372461138-288-k211212.jpg)
YOU ARE READING
ILOVEYOU FROM SECTION B (Tagalog)
RandomDave, a high school student, was a star at his school in Antipolo. He came from a wealthy family and was known for his intelligence. But his popularity took a sudden turn when he accidentally set fire to the school laboratory. This incident led t...