CHAPTER 7"Tadhana Cafe"

730 22 0
                                    

Yvonne POV*

Kakatapos lang namin ng training kasi next week na ang entry namin sa national volleyball team.
Hindi ko alam kung mananalo ba kami lalo na at unti-unti nang nalalagas ang team namin dahil sa paglipat nila sa Manila para dun ipagpatuloy ang naisin nila sa paglalaro dahil nung una ok pa naman sana ang lahat at nakapasok na kami dito sa national team pero unti-unting may nagaalok sa kanila ng opportunity sa manila hanggang sa nalagas na kami.

3 hours ago*

"Sorry talaga Eve, gusto talaga namin sa team mo kaso mas maganda talaga ang opportunity namin sa Manila"

......................................................................

Hindi ko na sila pinigilan pa dahil wala na din naman akong magagawa dahil yun ang choice nila.

Kulang na kami ng isang member, pag dipa kami nakakuha ng kapalit hanggang next week hindi na kami makakapasok sa entry. Nakakainis talaga,stress nako pano na ang school namin kung walang lalaban.
Inayos ko na ang gamit ko at aalis nako ng biglang may tumama sa likod ko, tumingin ako sa sahig at nakita ko ang isang eroplanong papel na parang may nakasulat.
Sinubukan kong hanapin kung saan yun nanggaling kaya tumingin ako sa bintana at nakita si Dave sa kabilang building.

Para syang tanga habang kumakaway sa kabilang bintana, binasa ko ang sulat na pinadala nya at talaga namang nakakapikon pero ang sweet ng pagkakasulat.

"Dear Miss muntikan na masagasaan ng sasakyan, pwede ka bang sumama sakin mamaya para gumala sa labas ng school?
-Dave na pogi"

Napangiti nalang ako sa sulat nya kaya agad din akong gumawa ng sulat ko para ipadala.
Sana umabot, diko alam kung aabot din ito tulad ng ginawa nya pero susubukan ko, tinupi kona ang papel at ginawang eroplano.

Hinagis ko na ito sa kabilang building kaso parang napahina ang pagkaabato ko kaya bumaba, nagulat nalang ako ng bigla nya itong dinakma bago mahulog, kinabahan ako kase baka mahulog sya sa ginawa nyang yun dahil lang sa papel.

Nakita ko na masaya sya dahil nag agree ako sa offer nya sakin, ayoko pa kasi umuwi dahil stress nako sa mga nagyayari sa buhay ko need ko din siguro gumala.

Nag bye nako kay Dave then umalis nako ng room after nun, hindi ko alam ang nangyayari pero sa tuwing nakikita ko sya feeling ko ang saya-saya ko.

Dave POV*

Naglalakad na kami ni Clint palabas ng school, diko alam kung san nya ako dadalhin kaya nagtanong muna ako.

"Dude san mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya.

Napatingin nalang sya sakin,
"dun tayo pupunta sa bagong tayong cafe",sagot nya sakin.

Cafe? Malapit sa school?

Tumigil muna ako, "wait lang Clint hintayin moko"
Bumalik muna ako malapit sa labas ng school at dun ko nakita si Yvonne kaya agad akong kumaway sa kanya.

"Eve!!!!!"sigaw ko.

"Wag kang sumigaw para kang tanga"

Haluhh baka na offend ko sya.

"Haha biro lang Dave wag kang oa, san ba tayo pupunta"

Tapos bigla syang umamo? Ang gulo talaga ng mga babae.

"Dun daw sa bagong tayo na cafe,alam mo naba yun?"

Tumango sya sakin.

"Hintayin mo nalang ako Dave kase may pupuntahan pako, basta pangako ko dadating ako dun" then bigla syang ngumiti sakin.

Sobrang saya ko na nakilala ko sya, hindi ko inaasahang aabot kami dito at magiging ganitong kalapit, agad na akong bumalik papunta kay Clint kawawa naman kasi baka magalit sakin.

ILOVEYOU FROM SECTION B (Tagalog)Where stories live. Discover now