CHAPTER 12 "Are you Jealous?"

417 13 2
                                    

Yvonne Pov*

Hindi ko mahanap si Dave, san nanaman kaya nag sususuot yun.

Nagulat nalang ako ng makita ko siyang may kasamang babae, wait yan yung babaeng kasama nya kanina ah.

Kumakain sila ng magkasama, then ang sweet pa.
Wait baka Gf sya ni Dave, kaso wala naman syang nabanggit sakin e, hayst sino ba kasi yang malanding yan.
Wait bakit ba ako galit na galit sa babaeng yan e hindi ko naman sya kilala and asan ba ang pake ko diba?

Bigla nalang sumulpot sa harap ko si Lily habang may hawak na pompoms.

"Congrats friend!!! Lets celebrate!!" Sigaw nya sakin.

"Thanks lily" sagot ko

"Luh ang tamlay mo ah! Anong nangyari?"

Dinalang ako nagsalita at binago ang topic ng usapan na naging dahilan para magtaka si Lily sakin.
"Wait Eve!! Si Dave ba yun!!" Bigkas ni Lily habang nakawak sa kamay ko.

"Eyyy kaya naman pala matamlay ang beshy ko e!!" Asar sakin ni Lily.

"Ano bang pake ko sa kanila? Buhay nila yan" sagot ko.

"Sya nga pala yung babaeng yun"
Takang taka ako sa pagkakasabi ni Lily kaya agad naman akong nagtanong kong sino ba talaga si girl.

"Wait kilala mo ba yan?" Tanong ko.

"Diba wala kang pake sa kanila?hahaha"

Nakakainis, di nalang ako nagsalita kase nga baka isipin nitong nagseselos ako or something.

"Ehhh nagseselos ang beshyy ko nayan hahhaa" patuloy na asar sakin ni Lily.

"Bahala ka nga dyan maka alis na" Bigkas ko habang inis na inis na.

Aalis na sana ako ng bigla uling humarang sa daraanan ko si Lily.
"Ano ba Lily!!" Sigaw ko

"You know, samahan mo nalang ako bumili ng Ice cream dun oh" pabirong sagot nya.
Sinamahan ko na syang bumili ng biglang maisipan kong humiwalay muna sa kanya para bumili ng souvenir, nang aksidente ko namang maka bungguan si Dave habang papasok ng shop.
Kasama nya ang babaeng yun, sa paglabas.

Agad naman akong itinayo ni Dave ng dahan-dahan sabay biglang sorry sakin.

"Ok kalang ba Yvonne?"

Ayy ide wow! Bigkas ko sa utak ko, bakit ba bad mood ako ngayon diko ma explain.

"Oo ok lang ako" Bigkas ko sa kanya.

Inaakit nya akong sumama sa kanilang dalawa pero, tumanggi nalang ako kase bad mood nga diba, haysttt!!! Kakainis!!

Aalis na sana ako ng biglang sumulpot si Lily at hinila ako.

"Actually sasama kami ng besties ko, i celebrate natin" mapangasar na tono ni Lily.

"Lily!! Ayoko nga!!" Bwesit na talaga ako.

"Hindi mo na talaga ako na aappreciate Yvonne, parang hindi mona ako friend" paawang bigkas ni Lily kase alam niyang hindi ko siya matatanggihan lalo na pag ganyan sya, kakainis!!
Wala na nga akong nagawa kung hindi sumama, kaya pumunta kami sa isang restaurant sa loob ng mall.

"Eyyy Jobilii!!" Sigaw ni Lily.

Hayst Jobilii nanaman, pero wala na akong nagawa kaya sumama padin ako.

"Dine in po" bigkas ni Dave.

After namin omorder, e nag kwentuhan na nga ang bawat isa at biglang gulat ko ng tanongin ni Lily kong kaano-ano ni Dave ang babaeng kasama namin.

"She is the daughter of my Tita" bigkas ni Dave.

Ahh pinsan pala nya, hayst hindi ko alam pero biglang nawala yung pagka bad mood ko, gutom lang siguro.

ILOVEYOU FROM SECTION B (Tagalog)Where stories live. Discover now