Yvonne POV*
Morning practice namin ng volleyball at may good news kaming natanggap mula kay coach dahil complete na uli ang team namin dahil may isang student ang willing na sumali, laking gulat ko ng makita ko ang babaing ito.
What the!! Mitsuki!!
Yes sya nga, senior na sya at dating team captain ng League of Lions bago maipasa sakin ang title nito.
"I wanna join again" bigkas nya
FLASHBACK*
Second year high schooler palang ako ng maging idolo ko si Mitsuki Ohaza dahil sya na yata ang pinaka magaling na volleyball player na kilala ko, sya din ang dahilan kung bakit nakapasok ang school namin sa nationals.
Pero dun din gumuho ang lahat pati ang tiwala ko sa kanya ng bigla syang lumipat ng team at iniwan lahat ng umaasa sa kanya para sa better opportunity.
Nag pursige ako na maging magaling na volleyball player at nangakong hindi gagawin ang bagay na ginawa ng dati kong idolo, at ngayon babalik sya?.End of flashback*
Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya dahil bumalik pa sya pero nagtataka din ako kung bakit.
Lahat ng tao ay nagulat sa pagbabalik nya pero kung ako ang tatanongin hindi ako masaya.
"Let's start!!" Malakas na bigkas ni Mitsuki sa harap namin habang nakapang asar na ngiti.
At yun na nga ang nangyari...
"Eve!!! Eve!! Hoy!! Ok kalang?!!" Isang boses ang naririnig ko sa malapit, wait boses to ni Dave.
Pagmulat ko ay nasilayan kong binabantayan nya ako at bakas na nag-aalala.
"Hayst buti naman" bigkas nya sakin."Asan tayo?" Ito nalang ang nasabi ko sa kanya dahil kahit ako nalimutan na ang nangyari.
"Napasama ang paglagpak mo kanina kaya dinala ka dito sa clinic, ito dinalhan kita ng pagkain" bigkas nya sakin habang naka ngiti."Nag abala kapa, baka mapahamak kapa sa ginagawa mo dahil bawal tayong magusap dito" paala ko kay Dave.
Ngumit lang sya sakin at namula ang mukha ko ng hawakan nya ang kamay ko.
"Hindi kita iiwan Yvonne" bigkas nya habang nakangiti sakin.
Grabe diko na alam ang gagawin ko para na akong sasabog, haluhh halata bang namumula ako?? Nako yare na!
"May lagnat kaba parang namumula yang mukha mo?"
Nako yare baka mahalata na ako!!
"Ahh maiinit kase dito e" palusot ko kay Dave.
Wait bakit ko ba to nararamdaman e wala naman dapat akong feelings sa taong to e, Oo sya ang first kiss ko pero di yun dahilan para mainlove ako sa kanya.
Pero bakit tuwing kasama ko sya ang saya ko, then ayaw ko na syang umalis sa tabi ko, naloloka-loka na yata ako!!.
Binuksan nya ang electric fan at itinutok sakin, "ayan malamig naba?"
Sumagot nalang ako ng Oo, mukhang sineryuso talaga nya yung palusot ko.
Pero potek ang gentleman nya!!Hindi to pwede!!nahuhulog naba ako sa taong to?
May kumatok sa pinto at narinig ko ang boses ni Lily kaya pinapasok na namin.
"Eve!!! Ok kalang?" Yun agad ang mga katagang lumabas sa bibig ni Lily.
"Yes Water lily i am fine" pabirong sagot ko sa kanya.
Niyakap nya ako ng mahigpit, grabe Lily ang Oa buhay na buhay pa ako oh!.
Nagbago bigla ang mood nya at biglang tumingin sakin na may mapangasar na ngiti.
YOU ARE READING
ILOVEYOU FROM SECTION B (Tagalog)
RandomDave, a high school student, was a star at his school in Antipolo. He came from a wealthy family and was known for his intelligence. But his popularity took a sudden turn when he accidentally set fire to the school laboratory. This incident led t...