KARERA 01

177 9 0
                                    

umaga na, inunat unat ko ang dalawang braso ko.

ang kalat parin pala.

bumangon na ako at kumuha ng walis para linisan ang kinalat namin kagabi.

habang nag lilinis napa tingin ako sa orasan, "7:45 na pala" bulong ko.

kinuha ko ang ipit ko at itinali ang buhok ko.

nang matapos ako ay dumeretso na ako sa kusina para mag luto ng agahan.

pag bukas ko ng ref at cabinet ay wala na itong laman, "oo nga pala niluto ko na kagabi." bulong ko at humikab.

nag hilamos ako at nag toothbrush, lumabas na ako ng bahay para pumunta sa malapit na convenient store.

----

nasa loob na ako ng convenient store nag iisip ng kakainin naming tatlo.

"noodles nalang kaya?" bulong ko sa sarili at nilagay ang hintuturo sa bibig at nag lakad na patungo sa noodles section.

sa hindi kalayuan ay may na pansin akong kasing katawan ni maloi.

siya ba yun? o guni guni ko lang?

hindi rin naman imposible na nandito siya dahil same village lang sila ni sheena.

tinigil ko na ang pag iisip sa kanya at binaling nalang sa noodles ang tingin, "ano kayang masarap?" bulong ko at binasa isa isa ang label ng noodles.

"ito nalang." kumuha ako ng tatlo flavors at nag tungo na sa cashier.

lumingon lingon ako para hanapin ang babaeng nakita ko kanina.

saan na yun?

"64 po ma'am." sabi ng kahera, binayaran ko naman ito at lumabas na.

tumakbo ako, baka maabutan ko pa yung babae.

habang tumatakbo ay nag ri-ring ang phone ko kaya yumuko ako kinuha ang phone ko pero patuloy parin sa pag takbo.

makukuha ko na ang phone ko nang biglang may maka banggaan ako.

nahulog ang phone ko kaya kinuha ko muna ito, tinignan ko ang naka banggaan ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

"m-m-ma-loi?" sabi ko sa isip ko.

dali dali akong tumayo at tinulungan ang na bangga.

"hala sorry." kinakabahan kong ani nag ma itayo ko siya.

ngumiti ito sa akin, parang nalulusaw ako, ang bilis ng tibok ng puso ko parang sasabog na ata.

"sis? okay ka lang?" ani nito habang kumakaway sa harap ng mukha ko.

hindi ko na malayang naka buka ang bibig ko at naka tulala.

"ha? o-okay lang." ani ko at tinakpan ang tainga ko.

inilahad nito ang kamay niya para sa shake hands, tinitigan ko naman ito at dahan dahang kinuha.

lord totoo ba 'to?

napa talon ako ng maliit nang mag salita ito, "maloi pala, Med student."

syempre alam na alam ko na yan, pati nga ang address mo alam ko eh.

"a-ah, c-colet" na uutal kong sagot, na pansin ko namang humagikhik ito ng mahina.

"sige una na ako." ngumiti ito at kumaway sa akin.

hindi pa ito nakaka layo," CULINARY!" pahabol ko naman dito.

lumingon ito sa akin at ngumiti.

thankyou lord! huhuhu

A ride upon the stars || MaColetWhere stories live. Discover now