iminulat ko ang dalawang mata ko, "nasaan ako?" bulong ko at tumayo.
anong nangyari kagabi wala akong maalala.
"a-aray!" hinawakan ko ang ulo ko, nahihilo ako.
nag lakad ako palabas ng pinto, hindi pamilyar ang lugar na ito sa'kin.
gumegewang-gewang ang lakad ko, bakit ba hindi ako makatuwid ng lakad.
bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla itong bumukas dahilan para maumpog ako dito at matumba.
hinawakan ko ang ulo ko, "ahhh."
hinawakan ng kung sino ang kamay ko at tinulungan akong tumayo, "ayos ka lang?" nag aalalang tono nito.
pamilyar ang boses niya, nasa sahig parin ang tingin ko.
nangma-itayo nya ako ay hinila niya ang upuan papalapit sa kinatatayuan ko at inupo ako.
"sandali, kukuha lang kita ng maaligamgam na tubig."
kinusap-kusap ko naman ang mata ko, medjo malinaw na ang vision ko.
hindi rin nag tagal ay dumating siya, "maloi?"
hindi naman ako naka galaw sa kinauupuan ko.shuxx ang hot, nag lalaway na nga ata ako dito eh. naka messy bun siya at over sized T-shirt lang na black.
inabot nito sa akin ang baso na may tubig at may kinuha sa aparador niya.
"dapat hindi na kita pinilit uminom eh." abalang sambit nito.
uminom kami? bakit wala akong ma-alala?
hinampas-hampas ko ang ulo ko.napa hawak naman ako sa bibig ko nang ma-alala ko lahat ng ginawa ko kagabi.
FLASH BACK:
nag-aantay kami ng masasakan pero wala nang dumadaan, chineck ko ang phone ko para sana e chat si mama na baka gabihin ako ng uwi pero p4t4y pala ang phone ko.
napabuntong hininga ako at umupo sa upuan ng waiting shed.
"mukhang wala ng bumabyahe, bukas pa ang hotel doon nalang natin palipasin ang gabi."
sabi ng katabi ko.tumayo ito kaya napa tingin ako sa kanya, "tara?" inilahad nito ang kamay niya kaya kinuha ko ito.
nag lakad kami patungo sa hotel kung saan kami unang nag tambay kanina.
bumalik kami sa rooftop at may dala-dalang mga bote ng San Mig, "oh, inom tayo." inabot nito sa akin ang bote kaya kinuha ko ito.
hindi ako umiinom pero susubukan ko, ngayon lang naman eh.
umupo kami sa dulo kung saan makikita mo ang mga nangyayari sa labas, kumpara kanina ay mas tahimik na ito dahil wala nang masyadong dumadaan.
hinahangin ang buhok ko dahil sa sariwang hangin, uminom ako at ipinikit ko ang mata ko.
"ahh." mapait pala ito, pero hindi naman ganon ka sama.
ibinalot ko ang sarili ko sa mga braso ko dahil giniginaw na ako, napansin naman ako ng katabi ko at ibinalot sakin ang jacket niya.
parang may mga gumalaw sa tiyan ko, butterflies ba ito?
------
nag stay kaming tahimik, tinatanaw ang ilan-ilang dumadaang sasakyan.
bumaba na kami sa pinagkaka upuan namin at sa naka latag na picnic kami uminom, halos naka limang bote siya at tatlo sa akin.
tumayo ako sa kina-uupuan ko at pumunta sa sulok, " pano kung ma- la- manmo, hahaha." i mumbled while seating into the corner.
YOU ARE READING
A ride upon the stars || MaColet
Fanficbest when listening to their track while reading! sumasakit na ang kamay ko dahil sa sobrang higpit ng hawak ni maloi, "sandali, ano bang nangyayari sa'yo?" takang tanong ko. hindi lang ako inimik nito at nag patuloy sa pag hila sa akin. ngayon pap...