• SPECIAL 1 // maloi's pov

145 4 0
                                    

hindi ko alam kung kailan, pero alam kong nahulog na ako sa umpisa palang.


Maloi in grade 7;

first day ko ngayon sa school na nilipatan ko, bago pa ako sa bago naming nilipatan na bahay kaya hindi ko pa kabisado ito masyado.

nandito ako ngayon sa tapat ng bahay ng pinsan kong si gabriel, inaantay ko kasi siya para samahan ako sa school namin.

na-isip kasi ng parents ko na sa iisang paaralan nalang kami pumasok para may kasabay ako, pero malayo pa ang bahay namin sa kanila kaya kailangan kong mag tricycle o mag lakad ng ilang minuto.

"tara na!" sigaw ko dito, sinisermunan nanaman siya ni tita dahil na puyat siya kaka laro ng ml kaya na late siya.

nag madali naman siyang lumabas ng pinto, tinatakasan ang nag ra-rap na bunganga ni tita.

"pasaway!"

__
nandito kami sa covered court ng school para sa assessment, para alamin kung saang room kami.

marami ring teacher ang nandito para e tour kami sa school, malawak kasi ang school namin kaya kailangan pa kaming e libot para hindi kami maligaw.

" AUTOMOTIVE CLASS A-1 TO CLASS B-3, ANDUN ANG LIST SA KALIWANG BAHAGI. " anunsyo ng gurong nasa stage, at itinuro ang bulletin board na nasa left side.

nag si pila naman ang mga gurong advisory sa automotive at itinaas ang mga section nila.

ang mga estudyanteng wala pang room ay nag si kumpulan sa bulletin board kaya hindi kami naka daan agad.

nilingon ko ang katabi ko pero hindi ko ito na kita, nasaan na ba yun?

"LOI, HINDI TAYO MAGKAKLASE!" sigaw niya, nasa harapan na pala siya ng bulletin board.

nag madali akong sumingit at napunta na sa harapn ng bulletin board, "ay, sayang!" section B-3 ako habang siya section A-2.

"OY, WAG KAYO MAG KUMPULAN! PUMILA NA ANG MGA NAKITA ANG SECTION NILA PARA HINDI NA MASIKIP!" sigaw ng guro.

nag tungo na kami sa kanya-kanya naming section, kitang-kita ang pagka-dismaya ng mukha ko.

per section ay 27 lang na studyante, sa tingin ko hindi naman ako mahihirapan makipag-kaibigan sa mga ito.

"NEXT, COOKERY CLASS A-1 TO B-3 SA LIKOD PO NG COURT KAYO, WAG MAG TULAKAN!" anunsyo ulit nito at nag si takbuhan ang mga estudyante.

habang nasa pila ay tahimik lang ako, yung iba kong mga kaklase ay nag u-usap na. sa tingin ko ako pa lang ang wala pang kakilala dito.

napalingon ako sa likod nang may kumalabit sa akin, marami sila siguro mga apat o lima.

"hello, bago lang ba dito?" tanong ng isang babae at nilahad ang kamay niya, nginitian ko ito at tumango.

"ang cute mo naman, may ribbon ka sa ulo saan mo na bili yan?" pag lapit ng isang babae sakin.

ramdam ko ang panginginig ng kamay ko, "hi-hindi, binigay ito sa a-akin ng mama ko."

tumango-tango naman sila, "anong pangalan mo pala?" tanong ng isang babae at hinawi ang unang babae na nasa harap ko.

"ma-mary loi, maloi or loi for short."

ngumiti sila at isa-isang nag pakilala.

yung unang babae na tumapik sa akin ay si Johanna at pangalawa si stacey, mika, at gwen.

"okay guys, pumila kayo ng maayos at mag sisimula na ang tour natin." anunsyo ng adviser namin.

nag arms forward kaming nag lakad,

A ride upon the stars || MaColetWhere stories live. Discover now