SA ISLA PANTROPIKO 01

147 5 0
                                    

dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin sina sheena at aiah na nakahiga sa tabi ko.

napa sapo ako sa ulo nang maalala ko ang itsura ko kagabi, para akong tangang umiiyak sa di mapaliwanag na dahilan.

ang oa ko kagabi kung umiyak, para namang naging kami ni maloi.

bumangon na ako at iniwan ang dalawang natutulog sa higaan, tumungo ako sa banyo at tiningnan ang sarili ko sa salamin.

shuxxx, magang-maga ang mata ko!

dali-dali kong hinilamos ang mukha ko pero hindi pa rin nababawasan ang pamamaga kaya tumakbo ako sa ref para maghanap ng malamig, sa kabutihang palad may nakita akong nag-iisang yelo kaya dali-dali ko itong binasag at pinahid-pahid sa mukha ko at sa mata ko.

bumangon naman agad ang dalawa at sinudan ako sa sala, "anong ginagawa mo jan?" tanong ni aiah habang humihikab, si sheena naman ay pinupunasan ng mukha niya ng wipes.

hinarap ko sila, "look!" sambit ko na parang mangiyakngiyak at saka tinuro ang mata kong namamaga.

nag tawanan naman sila, "iyak pa!" saad nila at tumawa.

inirapan ko nalang sila at pinagpatuloy ang mag pahid ng yelo sa mata ko.

___________
"oh san ka pupunta?" tanong ni sheena kay aiah, nagmamadali kasi itong lumabas ng bahay.

"ah, kukunin ko motor ko." sagot nito at dali-daling tumakbo.

malapit lang kasi ang bahay nila sa apartment na tinutuluyan ko kaya madalas dito siya natutulog o kaya doon naman ako sa kanila.

"maliligo na muna ako." sabi ni sheena sa akin.

ngayon hindi parin ako natatapos sa pag papaalis ng pamamaga ng mga mata ko.

napa buntong hininga nalang ako at itinapon na ang yelo sa sink, "mag co-concealer nalang ako!" inis kong sabi at nag dadabog na pumunta sa kwarto.

rinig ko namang ang pag tawa ni sheena mula sa banyo, "iyak pa more!" pang-aasar pa niya.

kung maikli lang pasensya ko paniguradong binira ko na 'to eh!

___________
hindi rin nag tagal ay naka pag asikaso na kami ni sheena, inaantay nalang namin si aiah.

"tulungan mo nga ako mag make-up."

"sandali, papatungan ko nalang 'to ng gloss"

pag tapos ay pumunta rin ito sa akin, inikot nito ang upuan paharap sa kanya at sinimulan na akong ayusan.

"wag ka kasi pipikit! didikit nga yung concealer sa pilik mata mo!" bulyaw nito sa akin.

hindi ko kasi mapigilang mapapikit sa tuwing nararamdaman ko yung pag dampi ng brush sa mata ko.

"beep! beep!" busina naman ng motor sa labas.

"oh, anong ginagawa niyo?" bungad sa amin ni aiah.

"tinatakpan yung ka baliwan ko." sagot ko dito.

inangat naman ni sheena ang mukha ko, "wag ka malikot!"

tumawa naman si aiah sa nakikita niya.

------
sa wakas ay na tapos rin ang ilang oras na pag a-ayos niya sa akin, ganon talaga kalala ang pamamaga ng mata ko kaya natagalan kami.

"ako na gitna!" sabi ni sheena, ngayon kasi ay aalis na kami at naka motor kami.

sumakay na kami at nag simula nang bumyahe.

"saan daw meeting place?" tanong ko habang umaandar ang sasakyan.

"malapit daw samin, sa café kahapon." sagot ni sheena.

A ride upon the stars || MaColetWhere stories live. Discover now