COLET'S POV;
nandito ako sa isang tent, kasama ko sina sheena at aiah, mga tulog na ang mga ito na pagod sa service buong araw.kanina ko pa pinipilit na ipikit ang mga mata ko, hindi ako makatulog kaka-isip kung tama ba ang narinig ko mula kay maloi.
hindi ko mapigilang ngumiti tuwing naririnig ko ang boses niya na sinasabi sa akin ang confession niya. niyakap ko ang sarili nag i-imagine na kayakap ko ulit siya, finifeel ang init ng yakap niya.
napa sipa ako sa kilig kaya gumalaw ang katabi ko, akala ko na gising na siya buti nalang hindi.
naka hinga ako ng maluwag, lalabas nalang ako ng tent kasi hindi ko naman magawang makatulog.
---
nandito ako sa dalampasigan, inaabangan ang araw na sumikat.napa lingon ako nang may marinig akong yapak na papalapit sa dereksyon ko, "oh, na-nandito ka."
baliw, bakit ka na u-utal?
ngumiti siya sakin at umupo sa tabi ko, "hindi kasi ako naka tulog.." halata sa boses nito ang pagka hiya.
hi-hindi rin siya naka tulog???
umiwas akong tingin sa kanya at hinarap ang karagatan, "ahhh." napa kamot ako sa ulo, "ako rin." napa tawa ako ng awkward.
mas lumapit siya ng pagkaka-upo sa akin, "a-ano.." natigilan siya, "gu-gusto kita, totoo yun.."
nilingon ko siya pero hindi ko alam na naka titig pala siya sa akin kaya nag eye contact kami, bigla kaming umiwas ng tingin.
shet, biglang uminit ang mukha ko dun ah.
muntik na ako mapatalon nang maramdaman ko ay malamig pero malambot niyang kamay na nasa ilalim ng palad ko.
"AHHHHHHHHHHHHHHH" sigaw ko sa isip ko.
hindi kami makalingon sa isa't-isa sa sobrang ingay ng katahimikan sa paligid namin,
" ano.." napa kamot siya sa batok, " wag ka na mahiya, okay?"
wag daw mahiya pero ramdam ang panginginig sa boses niya HAHAHAHA, cute.
get it together self, dapat wag ka papahalatang kinikilig ka.
huminga ako bago tumayo, mas hinigpitan ko pa ang kapit sa kamay niya.
tinitignan niya lang ako, hindi alam ang susunod na gagawin.
ngumiti ako sa kanya na parang hindi namumula ang mukha, sinuri ko ang mukha niya... namumula ba ang tenga niya?
" tara" tumawa naman ito ng mahina at tumayo.
--
ngayon ay nandito kami sa kalye nag lalakad-lakad lang, ito yung first time namin na lumabas dito mula noong dumating kami.mas lalo kaming na attach sa islang ito, ganito pala ito kalaki at kaganda.
may na daanan kaming nag titinda ng pandesal kaya napa hinto ako, " bili tayo?" pag papa cute ko dito.
hindi ko alam kung anong sumaping kaluluwa sa akin at nag papa-cute ako dito na parang baliw.
ngumiti siya sa akin at pinisil ang pisngi ko.
___
SHEENA AND AIAH'S POV;nasa tent kami ngayon, pinapanood ang pag sasalita ni colet sa pag tulog.
"HAHAHAHA, ano kaya ang panaginip niya?" mahinang bulong ni sheena habang tumatawa.
"kunin mo ang cellphone, videohan na 'yan! HA. HA. HA." ani ko,
grabe ang hagikhik ni colet kaya hindi rin kami nakapag pigil sa kakatawa, "ang likot mo naman mag video." pag puna ko sa pag hawak niya sa camera.
inirapat ako nito, "edi ikaw na ang mag video, hirap kaya mag pigil tawa."

YOU ARE READING
A ride upon the stars || MaColet
Fanfictionbest when listening to their track while reading! sumasakit na ang kamay ko dahil sa sobrang higpit ng hawak ni maloi, "sandali, ano bang nangyayari sa'yo?" takang tanong ko. hindi lang ako inimik nito at nag patuloy sa pag hila sa akin. ngayon pap...