nang matapos ang meeting namin sa department ni jho ay bumalik naman ako sa library para mag-aral ulit.
"sunod kami sayo mamaya." kumaway ang mga ito at naglakad na papalayo.
ngumiti ako at kumaway.
habang naglalakad nakasabay ko naman si maloi, pigil ngiti ako dahil nasa tabi ko ito pero hindi kami gaanong kadikit.
bakit ba ang swerte ko ngayong araw?
kakausapin ko sana ito ng biglang may tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako, "oh gab?"
si gab pala ito, nakilala ko ito noong nasa senior high palang kami dahil sa walis tambo ang weird 'no?
nasa kabilang room kasi sila dati, tapos wala ata silang tambo kaya sa amin sila nang hiram, sumaktong ako lang ang naiwan noon kaya ako ang nagpahiram sa kanya.
ngumiti ito, "kasama ka ba sa nagvolunteer?"
tumango naman ako, "ah, oo." nginitian ko ito pabalik, "lumipat ka na ba dito? kailan ka pa bumalik?" takang tanong ko.
" yes, actually last month lang kami bumalik ng bansa, hindi ko naman akalain dito ka pala nag-aaral."
lumipat siya ng bansa dahil kinuha siya ng papa niya after senior high, hindi ko lang natanong kung saan ba siya lumipad.
tiningnan nito ang relo niya," sige, magkita na lang tayo sa meeting bukas." kumaway ito at ngumiti.
tumingon lingon ako para makita kung nandiyan pa ba si maloi pero mukhang nauna na ito.
hays, nagpatuloy na lang ako ng paglalakad ko tungo sa library.
---------
halos tatlong oras na akong nakaupo at nagre-review sa library, ang tagal naman ng dalawa, bakit wala pa rin sila?
sinilip ko ang oras, 5:23 na.
dali dali kong chineck ang cellphone ko para i-message sila sa group chat, "hindi pa rin ba tapos ang klase niyo?"
nilapag ko na ang cellphone ko, dinadalaw na rin ako ng antok kaya naisipan ko muna ihiga ang ulo ko sa lamesa.
iidlip muna ako, alam naman na nila kung nasaan ako kung pumipwesto.
________
MALOI'S POV;
after 3 hours of seating sa last class ko ay dumiretso ako sa library para mag-review, malapit na naman kasi ang finals.
napapuntong hininga ako naglakad na.
habang naghahanap ng mauupon sa library may nakita ako isang babae na pamilyar kaya nilapitan ko ito, natutulog siya ngayon.
umupo na lang ako sa tabi nito kung saan nakabaling ang mukha niya, oh kaibigan pala ni aiah ito.
ano nga ang pangalan niya? kulit ba yun? ah basta ayon kung ano man iyon, kulit kasi ang pagkakarinig ko baka kulit nga ang pangalan niya.
nilabas ko na ang gamit ko, sisimulan ko na mag-review dito na rin ako pumwesto.
habang nagre-review ay hindi kung maiwasang mapatingin sa mukha niya.
"siguro may boyfriend na 'to" kausap ko sa utak ko.
pansin ko kasing maganda siya at pinaka na-attract ako ay yung may nunal sa mukha.
actually hindi ito ang una kong kita sa kanya.
noong high school pa lang kami ay nakikita ko na siya kasama si aiah na isa rin sa kaibigan naming apat, si jho, gwen, stacy, at ako.
YOU ARE READING
A ride upon the stars || MaColet
Fanfictionbest when listening to their track while reading! sumasakit na ang kamay ko dahil sa sobrang higpit ng hawak ni maloi, "sandali, ano bang nangyayari sa'yo?" takang tanong ko. hindi lang ako inimik nito at nag patuloy sa pag hila sa akin. ngayon pap...