hindi mapakali ang lahat sa nadatnan sa storage room, "calm down guys, mag meeting tayo sa department." pag pilit pakalmahin ni Jho sa paligid. masyadong naging chaotic ang paligid.
pera at effort din kasi ang nasayang nila kaya hindi sila maka kalma, we only have 3 days para e ayos ang lahat at aalis na kami.
ang lahat naman ay tumungo na sa department, " ano nang gagawin natin pres? na sayang na lahat lahat." alalang tanong ng isang member.
" sorry guys, this is a big big trouble talaga." huminga siya ng malalim " what about this, pag ambagan nalang natin if okay lang naman."
nag sitinginan naman ang mga tao, mukhang okay rin ang proposal, hindi naman lahat na damage kaya mababa lang ang magiging ambagan.
" okay, okay. what if we divide 25 into 2, yung 13 people ay sa school supplies and 12 for the paint." suggestion ng isang member.
tumango naman ang lahat at natapos na ang usapan.
------------
may mga lumabas na rin mula sa department pero may iilan paring na iwan, hinanap naman ng mata ko si maloi, asan na kaya yung new " friend" ko.
lumingon-lingon ako sa likod, at gilid gilid. nahagip rin ng mata ko ang baby ko, este "new friend."
na kita ko agad ang matamis nitong ngiti tumatawa pa siya.
ngingiti rin sana ako. teka, sino yung katabi niya? medyo niliyad ko ang ulo ko para makita ang mukha nito, "gabriel?" pero bakit? mukha silang close...
idineretso ko naman ang ulo ko at hinawakan ang dibdib ko, bakit ganon? ang sakit ah.
nilingon ako ng dalawa na pansin ang pag hawak ko sa dibdib, "anyare sayo?" naka kunot noong tanong nila.
tumayo nalang ako at binitbit ang bag ko, "tara na, kape muna tayo." walang emosyong ani ko, at lumabas na kami sa department, hindi ko na sinubukang lumingon pa sa kinaroroonan nila nasasaktan lang ako.
ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganon, sa lalake pa. akala ko babae rin ang gusto niya, mukhang akala ko lang 'yon.
______________________
nandito kami ngayon sa coffee shop kung saan ko nakita si maloi, lalong sumasakit ang dibdib ko, na a-alala ko nanaman kasi yung itsura niya sobrang saya niya kay gab.
straight na ba siya? na aalala ko pa dati may mga naging gf siya sa campus mula first year to third year college.
" iced caramel macchiato for kulit."
ayan nanaman tayo sa kulit jusmeyo marimar, paniguradong "k u" nanaman ang unahan nito.
nag tawanan naman ang dalawa sa narinig nila.
----------
pag balik ko sa upuan namin ay nag k-kwentuhan sila, "ka grupo natin sina Jho." sabi ni aiah.
"alin dito kape ko?" patawang ani ni aiah.
naka simangot pa rin ako, sinagot ko siya. "pare-parehas lang ang order natin." ka pansin pansin ang naka busangot kong mukha.
nag tinginan ang dalawa.
sumipsip nalang ako sa kape ko at nag basa ng libro.
"ano sa tingin mo ang problema n'yan?" bulong ni sheena sa katabi. umiling-iling nalamang ito.
"uhmm." pag linis ni sheena sa boses niya. "ano nga ulit yung sa groupings?" tanong nito
mag sasalita na sana si aiah, nang biglang bumukas ang pinto ng café.
![](https://img.wattpad.com/cover/372540230-288-k879530.jpg)
YOU ARE READING
A ride upon the stars || MaColet
Fanfictionbest when listening to their track while reading! sumasakit na ang kamay ko dahil sa sobrang higpit ng hawak ni maloi, "sandali, ano bang nangyayari sa'yo?" takang tanong ko. hindi lang ako inimik nito at nag patuloy sa pag hila sa akin. ngayon pap...