nag lalakad ako papunta sa bahay nila sheena para mag review nang biglang masalubong ko ang grupo ni maloi na long time crush ko sa isang coffee shop.
hindi ko alam kung kailan pero bigla ko nalang naramdaman na crush ko siya.
nag dahandahan ako mag lakad para masulyapan si maloi.
nanlaki naman ang mata ko nang magtama ang tingin namin kaya nag madali na ako sa pag lalakad.
nakakahiya, nagkatinginan ba talaga kami?
_________
nandito na ako sa bahay nila sheena at syempre e chi-chissmiss ko nanaman ang pagka delulu ko.
sure ako nagkatinginan talaga kami ng crushy cakes ko.
lumapit ito sa lamesa at inilapag ang kape ko, "oh heto uminom ka muna ng kape, masyado kana kasing delulu." pang a-asar pa nito.
"siguradong-sigurado ako na nagka tinginan talaga kami, hindi kaya sinisilip niya rin ako?" ani ko sabay hagikhik.
na ibuga naman nito ang iniinom na kape at tumawa nang pagka lakas lakas.
inirapan ko nalang ito at kinuha ang notebook ko, "bahala ka jan, basta motivated na ako ngayong araw." naka ngiti ako ng matamis.
"grabe na talaga ang mga bading ngayon." pang a-asar pa nito.
hinarap ko siya at itinaas ang isa kong kilay, "kala mo siya hindi bading?!"
nag tawanan naman kami sa sinabi ko.
"sige na sige na, pupunasan ko lang 'to at sasabayan na kita mag review." umalis naman ito para kumuha ng basahan.
nag simula na ako mag review at syempre hindi ma-alis alis ang ngiti sa labi ko.
ganda niya talaga.
----------------
MALOI'S POV;
nandito kami sa coffee shop ngayon para bumili ng kape dahil mag rereview kami sa bahay namin.
"look guys." pag agaw ng attention ko ni mikha.
itinuro nito ang litrato sa cellphone niya, "anong magandang color? red or pink?"
binalik ko nalang ang tingin ko sa librong binabasa ko.
"red, masbagay sayo yan" sagot naman ni Jo dito.
umunat-unat ako, "natapos rin!" ani ko at isinara ang libro.
tumingin nalang ako sa bintana, mukhang uulan pa ata makulimlum kasi ang paligid.
na pansin ko naman na may babaeng dumaan, parang pamilyar ang mukha nito kaya tinigan ko siyang maigi.
nabigla naman ako nang mag madali itong mag lakad, "weird" bulong ko.
"for maloi" tawag naman ng barista, okay na pala ang mga order namin.
pinuntahan ko ito at kinuha na.
"tara na." aya ko naman sa mga kasama ko, baka biglang bumuhos ang ulan wala pa naman kaming dalang payong.
______
"oh mga hija, tuloy kayo." naka ngiting salubong ni mama.
pumasok naman ang mga kasama ko at nag mano kay mama.
umupo na sila at nilabas ang mga gamit.
"kumain na ba kayo?" tanong nito mula sa kusina.
" hindi pa po tita." sagot naman ni gwen.
" miss ko na luto mo tita." ani ni mikha.
ngumiti naman si mama at nilapag sa sala ang luto niyang adobo," hali na muna kayo dito at kumain, nag luto ako ng adobo."
YOU ARE READING
A ride upon the stars || MaColet
Fanficbest when listening to their track while reading! sumasakit na ang kamay ko dahil sa sobrang higpit ng hawak ni maloi, "sandali, ano bang nangyayari sa'yo?" takang tanong ko. hindi lang ako inimik nito at nag patuloy sa pag hila sa akin. ngayon pap...