SA ISLA PANTROPIKO X HUWAG MUNA TAYONG UMUWI

124 4 0
                                    

ps: kung hindi niyo pa na papanood yung marahuyo, fil bl siya. ganong-ganon ang itsura ng isla pantropiko pero medj iniba ko lang.

COLET'S POV;

hindi ako naka tulog ng maayos sa nakita namin kagabi, sa kabilang cottage na kami nag pa lipas ng gabi at dito na rin naka tulog.

mula kagabi ay ni isa ay wala paring bumalik dito sa cottage, na iwan lang kami dito ni maloi.

bumangon ako at tinignan ang orasan sa pader, alas-sais na pala. halos apat na oras lang ang tulog ko.

sinilip ko si maloi, naka harap ito sa pintuan. natutulog parin siya.

(na miss ko ang mukha niya) na isipan ko namang tingnan ito. dahan-dahan akong nag lakad papalapit sa kanya, sinisiguradong walang ginagawang ingay.

umupo ako sa tabi nito, hindi gaanong malapit para pag gising niya hindi niya mapansin na tinitignan ko siya, na predict ko na 'to kaka nood ng kung ano-anong drama kaya advanced na ako mag-isip.

dahan-dahan kong sinuri ang mukha niya, ang cute niyang matulog tumutulo pa ang laway.

pinipigilan ko ang pag tawa dahil sa na iisip ko, pinikit-pikit ko ang mata ko habang tinititigan siya, ang haba pala ng pilik mata niya 'no? ngayon ko lang ito na pansin.

hindi ko na napigilan ngumiti sa nasisilayan ko ngayon, pano kaya kung araw-araw ko siyang nakikitang ganito 'no, ano kayang feeling?

napa harap ako sa pinto nang tumunog ang door knob, mukhang may bumalik na mula sa kabilang cottage.

tumayo na ako sa kina u-upuan ko bago pa maka pasok ang kung sino.

"gaga, kagabi pa kita hinahanap, nandito ka lang pal-" natigilan siya sa pag singhal nang makita niya ang natutulog na si maloi.

tinignan ko siya ng masama, "mag-ingay ka pa babatukan kita." bulong ko at umamba na parang babatukan siya.

napa takip ito ng bibig at nag peace sign.

hinila ko na siya palabas ng pinto baka kung ano pa magawa ko rito.

---------
"ano na teh?! bakit hindi ka pa nag bibihis?" bulyaw niya nang maka layo kami sa cottage.

nag panick ako, "lalarga na ba tayo?"

"oo, nandoon na sila sa school."

pinisil ko ang pisngi niya, "sira ka, bakit hindi mo kami ginising?" pang gigigil ko rito.

" panong gigisingin, hindi ko nga kayo mahanap eh." halatang nag dadahilan lang ito.

iniwan ko na siya at kinuha ang mga t-shirt na may print na " volunteer " at ginising na rin si maloi, hindi pwedeng hayaan ko lang siyang matulog dahil may mga bata pa kaming kikilalanin ngayong araw.

naka tingin ako sa hawak kong mga t-shirt habang nag lalakad, "ahh." na umpog naman ang ulo ko sa sumalubong sakin sa pintuan.

yumuko ako para pulutin ang mga t-shirt na nahulog sa sahig, bigla nanamang nagka bungo ang ulo namin nang mag sabay kaming pulutin ang mga ito.

tumawa siya ng mahina, "ako na, ako na." at pinulot niya na ang mga ito at pinagpagan isa-isa.

hinawakan ko ang isa kong tenga, "gising kana pala."

ngumiti lang ito at nag lakad papasok, "ah, oo. may narinig kasi akong kung ano kanina eh." tumalikod ito sa akin, "ito na ba ang susuotin natin? pansin kong wala ng ingay sa labas?"

sinundan ko siya, "oo, nasa skwelahan na sila."

tumango-tango lang ito, humarap ito sa akin at inabot na ang damit ko, "mag asikaso na tayo."

A ride upon the stars || MaColetWhere stories live. Discover now