(SPECIAL 02)
COLET'S POV;
"ako na ang mag d-drive." naka ngisi kong ani sabay kuha ng susi kay maloi.
pansin ko ang pagka gulat sa expression nito.
gotta act cool pero ang totoo niyan sobrang kaba ang nararamdaman ko.
it's been a year since pina stop ako mag motor ng parents ko after the accident, muntik na akong mawala dahil do'n pero salamat sa itaas ay na ligtas ako. wala eh, kailangan pa namin maging mag-asawa ni maloi, charing.
"s-sure ka?" she said hesitantly.
tumango lang ako at binawian siya ng kindat, (akala mo ikaw lang marunong kumindat ah.)
___
i slowly started the engine, buti nalang at click ang motor na dinala niya nakalimutan ko na kasi pano yung manual eh.
"hop in!" pag tawag ko sa naka tulalang si maloi.
i chuckled slightly, ang cute niya kasi tignan.
bumalik naman si maloi sa wisyo at sumakay na sa likod ko, nag aalangan pa siyang humawak sa akin pero pilit kong inilagay ang kamay niya sa bewang ko.
"kapit mahigpit."
inigihan niya naman ang pag kapit sa akin at saka ko na pinaandar ang motor.
_________
habang umaandar kami ay pansin ko sa side mirror ang naka pikit nitong mga mata, hindi mariin ang pag pikit niya sakto lang na parang nag e-enjoy talaga siya sa preskong hangin.
kahit hindi ko alam kung saan kami pa tungo ay deretso lang ako, paniguradong hindi naman kami maliligaw sa islang 'to dahil bukod sa maliit lang ay marami ring naninirahan dito.
"masarap ba?" pag putol ko sa pag langhap niya ng hangin.
minulat niya ang mata niya, "ang sarap... maging angkas mo."
"ano?!" sigaw ko sa kanya, hindi ko na kasi narinig ang huli niyang sinabi.
she just laughed sabay tanggal ng kamay sa bewang ko.
ngayon ay winawagayway niya ang mga kamay niya sa ere kasabay ng buhok niyang lumilipad.
____
huminto kami sa isang kubo, ang langit ay nag iiba na ang kulay.
palubog na ang araw. sabay lang naming pinagmasdan ang araw sabay ng huni ng mga ibon sa paligid.
"ang ganda talaga." ani ko sabay sumulyap sa kanya, ibinalik ko rin ang tingin sa langit.
ibabalik ko sana ulit ang tingin ko sa kanya nang mag tama ang mga mata namin, "a-ah." napakamot ako sa ulo at iniwas ang tingin.
na bigla ako nang hawakan niya ang mukha ko, "bakit hindi ka makatingin?" ramdam sa boses niya ang pagiging sarkastiko.
"a-ano.." na iilang na tono ko naman.
she slightly chuckled and leaned over, akala ko hahalikan niya ako kaya pumikit ako.
"bakit ka naka pikit?" tumawa siya ulit.
iniharap ko nalang ang sarili ko at nag panggap na hindi nahihiya, pero ramdam ko ang pag init ng pisngi ko.
mas lalo pa siyang lumapit at isinandal ang ulo niya sa braso ko.
---
"sana mabagal nalang ang oras." mahina nitong sambit sabay buntong hininga.
"sana.." bulong ko.
bigla siyang umalis sa pagkaka sandal sa balikat ko at humarang sa harapan ko.
hindi ko na alam ang nangyayari sa loob ko.
she kneeled down on one knee sabay sabi nang mga katagang, "can i court you, nicollete vergara?"
tears run down to my face, akala ko tatanungin niya ako kung pwede niya akong maging girlfriend, pero hindi! she choose to court me and win me.
tumayo ako at niyakap siya, "yes!"
____________
ps: short lang 'to, promise babawi ako next ud ko. ^^
YOU ARE READING
A ride upon the stars || MaColet
Fanfictionbest when listening to their track while reading! sumasakit na ang kamay ko dahil sa sobrang higpit ng hawak ni maloi, "sandali, ano bang nangyayari sa'yo?" takang tanong ko. hindi lang ako inimik nito at nag patuloy sa pag hila sa akin. ngayon pap...