SALAMIN SALAMIN 02

94 4 0
                                    

madilim na ang paligid, tanging maririnig mo lang ang mga kulisap.

kanina pagka lapag na pagka lapag namin ay dumeretso na rin kami sa eskwelahan na aayusin namin.

ngayon ay mag a-alas otso na pero nandito parin kami, habang abala pa ang iba ay nandito ako sa hardin o likod bakod.

naka upo ako sa mahabang upuan na gawa sa kahoy, nag papahangin lang ako ang presko kasi ng simoy ng hangin.

sayang at hindi ko na abutan ang sunset, maganda kasing manood ng sunset sa tabing dagat pero abala pa kami nang mga panahong 'yun.

"sana masaya kayo mga dahon, ang lamig dito ang sarap."

habang kinakausap ko ang sarili ay natigilan ako nang may tumapik sakin.

"mukhang nag mumuni-muni ka ah." si maloi lang pala, mukhang hindi niya kasama si gabriel ah.

"ah, oo. upo ka." umupo siya, medjo mahaba ang upuan kaya nasa magkabilang dulo kami.

ipinikit ko ang mata ko at dinamdam ang kalikasan.

"parang ang payapa mo ngayon ah."

idinilat ko ang mata ko at tinignan siya, naka tingin siya sa akin.

napa kamot siya sa kilay at ibinalik din ang tingin sa harapan.

____________
MALOI'S POV;

hindi ko alam bakit bigla akong na hiya nang mag eye contact kami lalo na yung sa bus kanina, biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

isa pa sa mga hindi ko maintindihan ay tuwing pag kasama ko siya, parang ang safe ng paligid ko tuwing kasama ko siya, palagi akong ngumingiti pag nakikita ko siya. ano bang dahilan nito?

binago ko nalang ang topic namin nang mag eye contact kami, "tara."

naka tingin parin ito sa akin na naka taas ang isang kilay, "saan naman?"

"duon tayo sa dagat, bibihira lang tayong makarating sa may dagat."

tumango-tango nalang siya at tumayo.

hindi ko alam kung bakit ako natutukso tuwing nakikita ko ang kamay niya, gusto ko itong hawakan.

"paano ko kaya mahahawakan yan?" kausap ko sa isip ko.

humagikhik ako at humawak sa bibig, natigilan ako nang naka tingin lang siya sa akin.

"hmm? may nakakatawa ba?" seryosong tono nito.

hinila ko nalang siya at tumakbo kami papalabas ng school.

habang tumatakbo kami ay ramdam ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko. (tigilan mo 'yan self, hindi maganda yang feeling na 'yan!)

"na hawakan ko ulit ang malambot niyang kamay." birong kausap ko sa isip.

hindi ko naman napigilang ngumiti, hindi niya naman makikita kasi naka sunod siya sa likod ko.

-------
nang marating namin ang dalampasigan hindi ko parin ibinitaw ang kamay ko sa kanya.

kunyari hindi ko nalang na pansin.

umupo kami sa dilaw na buhangin, hindi ko akalaing may ganito palang paraiso.

kumpara sa hardin ay mas malakas ang hangin dito, malamig ang tubig na umaalon sa aming mga paa.

wala ng mga tao rito, kami nalang kaya tahimik ang paligid.

na pansin ko siyang humiga nang bitawan niya ang hawak sa kamay ko.

naka cross arms siya, ginaya ko naman ito.

mula dito ay kitang-kita mo ang mga bituin na nakalatag sa langit, ang kinang nito.

A ride upon the stars || MaColetWhere stories live. Discover now