Prologue

1.4K 21 0
                                    

"I'm very sorry, Captain Rosales, we cannot allow you to go back to the service with your present condition."

Hindi siya makapaniwala sa narinig na iyon mula sa kanyang superior. He was more than ready to go back to his post. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya maaaring bumalik sa serbisyo.

He knew he had a major injury but he was okay now. Bumalik na ang dating lakas ng kanyang katawan. Handa na siyang sumabak uli sa kanyang trabaho. Ang totoo, ang pagiging sundalo ay hindi lamang niya itinuturing na trabaho. It was his life. His vocation.

Iyon na ang tanging pinangarap niya noong bata pa lamang siya. Kaya hindi niya kayang intindihin kung bakit pinipigilan siya ng kanyang superior na muling bumalik sa trabaho.

"I don't understand, Sir. I am okay now. I am ready to go back to my post. The doctor—"

"Ang doktor mismo ang nagsabi sa akin na hindi ka pa puwedeng bumalik sa trabaho mo, Captain Rosales. Hindi pa kakayanin ng katawan mo. Mag-aapat na buwan pa lang mula nang makaligtas ka sa isang malaking sakuna. Hindi pa sapat ang na-regain mong lakas para bumalik ka sa battlefield."

Nakita niyang humugot muna ng malalim na hininga si Col. Rodriguez bago ito muling nagsalita. Doon niya nahinuhang may sasabihin pa itong mas mabigat na bagay sa kanya.

Dalawang buwan din siyang na-confine sa ospital sa Maynila dahil sa tinamo niyang injury nang tambangan sila ng mga rebelde. Ilang bala rin ng baril ang tumama sa kanya. Tatlo sa kanyang tuhod at mga binti. Naging sanhi iyon upang pansamantalang hindi siya makalakad. Isang buwan din siyang nakulong sa wheelchair.

Ngunit sa kagustuhan niyang mabilis na maka-recover at makabalik sa serbisyo, pinuwersa niya ang sariling magpagaling. Ilang beses na siyang napagalitan ng kanyang mga doktor dahil sa ginagawa niyang pamumuwersa sa kanyang katawan ngunit hindi niya inintindi iyon.

Nang marinig niya mula sa isa sa tatlong doktor na tumitingin sa kanya na pinakamaaga na ang eight months bago siya maka-recover ay nakaramdam siya ng pagrerebelde. Ang mamang at papang niya ang kausap ng doktor nang mga sandaling iyon. Ang akala ng mga ito ay tulog siya habang nakahiga sa hospital bed.

He promised himself he would prove his doctors wrong. Kaya ang walong buwan na sinabi ng kanyang doktor ay ginawa lamang niyang apat na buwan. Kahit masakit at mahirap, tiniis niya ang lahat.

Kahit hindi na oras ng session nila ng kanyang physical therapist ay ginagawa pa rin niya ang mahihirap na exercises nang lingid sa kaalaman nito. And he came out victorious. At ngayon nga ay nag-report na siya sa kanyang superior sa kanilang opisina sa Mindanao.

"In fact, Captain Rosales, ayon sa mga doktor na sumuri sa kondisyon mo, hindi na kakayanin pa ng mga binti mo na muling bumalik sa battlefield. And I mean, not ever."

"What?" napatayo nang wika niya. Hindi niya mapaniwalaan ang sinabi nito. "Sir, hindi iyon maaari. Ang mga doktor mismo ang makapagpapatunay kung gaano kabilis ang ginawa kong pag-recover. They presumed it would take me eight months to reach this stage. But I was able to make it in less than four months. Patunay lamang na kaya ko pang bumalik sa field. Handa na akong gawin ang dati kong mga ginagawa."

Kailanman ay hindi matatanggap ng puso at isipan niya na hindi na siya muli pang makababalik sa kanyang trabaho. Maituturing iyon na isang kamatayan para sa kanya.

He was trained to fight in a battle. Marami siyang pinagdaanan upang maabot ang kanyang kinalalagyan. Hindi biro ang training na dinaanan niya. Ganoon din ang ipinamalas niya upang marating ang kasalukuyang ranggo. He couldn't believe what Col. Rodriguez had just told him.

It was impossible. Unthinkable!

"You may have recovered well, Captain Rosales, ngunit hindi na aabot sa dati ang estado ng iyong katawan, lalo na ang iyong mga binti. Ang mga doktor na tumingin sàyo ang nagsabing hindi na makabubuti para sàyo ang muli pang sumabak sa battlefield. Kapag nagpumilit ka, makasasama lamang sàyo iyon. The doctor's orders are firm and final. I'm sorry. Hindi ko gugustuhing maisakripisyo ang kalusugan mo dahil sa trabahong ito. You know how tough being a soldier is, Captain Rosales," malungkot na wika ni Col. Rodriguez. Ito ang itinuturing niyang mentor.

My Love My Hero (Capt. Andro Rosales) - Claudia SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon