Chapter 8

488 12 0
                                    

Pagkatapos ihatid ni Andro si Gertrude sa bahay nito, umuwi na agad siya. Alam niyang katakut-takot na interogasyon ang aabutin niya buhat sa kanyang mamang. Ngunit laking gulat niya nang pag-uwi niya ay madatnan niya sa veranda hindi lamang ang mamang at papang niya kundi pati na rin ang mga kapatid niya, kasama ang kanya-kanyang asawa ng mga ito.

Kung si Gertrude ay nagulat nang makita ang buong pamilya niya sa restaurant ni Lovely, ganoon din siya. Hindi niya alam na pupunta rin ang mga ito roon upang sabay-sabay silang mag-dinner. Ang inaasahan niya ay ang Ate Lovely lamang niya ang naroon.

Nahihiya siya kay Gertrude dahil hindi sinasadyang nailagay niya ito sa nakakailang na sitwasyon. Alam niyang hindi ito nakakain nang maayos at naiinis siya sa sarili kapag naiisip na siya ang dahilan nito.

In-assure pa man din niya ito na mag-e-enjoy ito sa pagkain. Hindi nga ito nag-isa sa pagkain ngunit nailang ito nang husto dahil hindi nito inaasahang buong pamilya niya ang makakasalo nito. Lalo pa at nagtatanong ang tingin ng mga ito.

Abut-abot ang paghingi niya ng paumanhin sa dalaga. Sincere siya nang makipagkaibigan dito. He felt it in his heart that he wanted to know Gertrude behind that conservative look. And yes, he felt like he owed it to her because he had forgotten about that night they talked and kissed. He shared his dream to her that night. And he kissed her that night. It was a shame he had forgotten about it the next morning.

Inihanda niya ang sarili sa mahabang interogasyong gagawin ng kanyang pamilya. Nagkakape ang mga ito nang datnan niya. Naupo siya sa pasimano ng veranda pagkatapos niyang humalik sa mga magulang niya. Hinintay niya ang pagbato ng tanong ng mga ito sa kanya.

"Naihatid mo ba si Gertrude, anak?" simula ng mamang niya.

"Oho, 'Mang," tugon niya.

Pagkatapos niyon ay ilang sandaling katahimikan ang namagitan. Nakita niyang palihim na nagtitinginan ang mga ito.

"Oh, come on, spill it out," hindi na nakatiis na turan niya sa mga ito. "Ask me about Gertrude."

"Well, hijo, gusto lang naming malaman kung kailan pa kayo lumalabas ni Gertrude. Dati na ba kayong may communication kahit no'ng wala ka pa rito sa atin? Nagulat kasi kami na makitang magkasama kayo," anang mamang niya.

"Besides, wala kang nabanggit sa akin na isasama mo siya sa restaurant. Iyon ba ang dahilan kung bakit doon ka magdi-dinner? Dahil ipakikilala mo sa akin si Gertrude bilang nobya mo at naudlot lang dahil nagpunta rin sina Mamang doon?" tanong ng Ate Lovely niya sa kanya.

"Kaya pala bigla kang naging interesadong magtanong ng tungkol kay Gertrude kahapon," sabi naman ng Kuya Alejandro niya. "May napuna na akong kakaiba sa mga pagtatanong mo pero hindi ko lang iyon pinansin. Inisip ko na napag-usapan lang natin."

"Hey, hey, wait!" aniya sa mga ito. "Isa-isa lang at mahina ang kalaban. 'Mang, wala kaming communication ni Gertrude no'ng wala pa ako rito. Nagkita lang kami no'ng isang araw nang mapadaan ako sa shop niya," aniya, pagkatapos ay bumaling naman siya sa mga kapatid niya. "Ate Lovely, hindi ko nobya si Gertrude, okay. Hindi iyon ang dahilan kung bakit ako magdi-dinner sa resto mo. At, Kuya Alejandro, na-curious lang ako kaya ko na-brought up iyong tungkol sa kanya. Now, Kuya Gus, wala ka bang gustong itanong?" baling niya sa sinundan niyang kapatid na si Augusto.

"So what's going on between the two of you then?" tanong nito sa kanya.

"Nothing," tugon niya.

"Nothing!" sabay-sabay pang bulalas ng mga kapatid niya.

"Nothing," ulit niya.

"Then, bakit mo siya kasama kanina at nakaangkla pa sàyo ang kamay niya?" tanong ng Ate Lovely niya.

My Love My Hero (Capt. Andro Rosales) - Claudia SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon