Chapter 2

529 15 0
                                    

MULA sa malaking balkonahe sa ikalawang palapag ng villa nila ay pinagmamasdan ni Andro ang mga nagkakasayahang tao sa bakuran kung saan naganap na rin ang maraming malalaking pagtitipon sa buhay ng mga Rosales. Sa tuwing matatapos ang pag-ani sa farm ay nagbibigay ng salu-salo ang kanyang papang para sa mga magsasaka at manggagagawa.

Kanina nang dumating siya ay naghihintay na ang salu-salong inihanda ng buong pamilya niya para sa kanyang pagbabalik. May ipinagawa pang banner ang mga ito na ang nakalagay ay "WELCOME HOME, ANDRO!" Kompleto ang buong pamilya niya na sumalubong sa kanya.

Nagkamali siya nang itawag niya sa kanyang Ate Lovely na uuwi siya sa araw na iyon. Pinakiusapan niyang huwag na iyong ipaalam sa kanilang mga magulang. Sinabi niya ritong basta na lamang siya darating.

He should have known better. Kaya naman tuloy nagkaroon pa ng welcome home party para sa kanya. Siya na lamang ang walang asawa sa kanilang magkakapatid. Ang lahat ay may kanya-kanya nang pamilya kaya naman naroon din ang mga bayaw, hipag at pamangkin niya. Naroon din ang mga manggagawa sa farm at malalapit na kaibigan ng pamilya.

Ang gusto sana niyang tahimik na pag-uwi ay nauwi sa isang maingay na pagsalubong ng kanyang pamilya. Isang nakangiting Andro ang iniharap niya sa mga bisita. Hindi niya gustong mapuna pa ng mga ito kung paanong namamatay ang kanyang pagkatao dahil sa pagkakaalis niya sa military dahil sa injury na ipinipilit ng mga doktor.

Ang unang-unang sumalubong ng yakap sa kanya ay ang kanyang mamang. Nangingilid ang mga luha sa mga mata nito ngunit nakita niyang pilit na pinaglabanan nitong huwag bumagsak ang mga luhang iyon. Ang sumunod dito ay ang kanyang papang. Mahigpit na yakap din ang ipinagkaloob nito sa kanya.

"I'm proud of you, son." Iyon ang mga katagang ibinulong ng kanyang ama sa tapat ng kanyang tainga. Pagkatapos ay tinapik siya nito sa likod.

Sumunod na ang mga kapatid niya. Ang panganay nilang si Ate Luella na sinundan ng Kuya Alejandro, Lovely at Augusto. Ang mga pamangkin niya ang sumunod na yumakap sa kanya. Nagpakarga pa sa kanya ang pinakabata sa mga iyon na si Lavinia, ang bunsong anak ng Ate Lovely niya.

At sinundan na iyon ng pagbati ng malalapit na kaibigan ng kanilang pamilya at pati na ng mga manggagawang kinalakihan na niya sa farm. Pagkatapos niyon ay ang kainan at kantahan. Sa kabila ng kasiyahang iyon, sa kabila ng kanyang paimbabaw na mga ngiti, ay naroon ang pagnanais niyang makatakas sa gitna ng selebrasyong iyon.

Kaya pagkatapos ng batian at kumustahan ay tumakas agad siya sa pagtitipong iyon. Umakyat siya sa balkonahe dala ang bote ng alak at namalagi na lamang doon habang pinagmamasdan ang mga nagaganap sa ibaba. He was tired and feeling irritable.

Pagkaraan ng maraming taon ay muli siyang bumalik sa San Ildefonso. Sa Villa Rosales, kung saan siya ipinanganak, lumaki at nagkaisip. He missed the place. He missed the house. Ngunit itinakda na niya ang sarili na maging sundalo. Iyon ang tanging pangarap niya. Pangarap na ninakaw ng pinsala niya sa mga binti.

Malaki ang pamilya nila. Kaya naman tamang-tamang ang laki ng villa para sa kanila, lalo pa at pare-pareho silang makukulit na magkakapatid. Kahit ang mga ate niyang sina Luella at Lovely ay hindi nagpapahuli sa kanila ng kanyang mga kuyang sina Alejandro at Augusto.

The villa was a two-storey affair, painted white, with a big porch, a big yard and even bigger trees. There were flower-beds close to the house and lots of grass for running and playing. Anim ang kuwarto sa itaas at may dalawang extra sa ibaba.

Bago siya dumiretso sa balkonahe ay nadaanan pa niya ang bahagi ng maluwang na sala kung saan naroon ang maraming mga litrato ng pamilya Rosales. Nakasabit sa dingding sa bahaging iyon ang litrato ng buong pamilya niya sa iba't ibang pangyayari at okasyon, the wall his sisters teasingly referred to as "the rogue's gallery." Doon nakalagay ang mga lumang litrato. There were his father's parents and his mother's parents. There were pictures of babies, weddings and more babies, school pictures, graduation portraits and just-for-fun snapshots.

My Love My Hero (Capt. Andro Rosales) - Claudia SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon