Chapter 7

505 15 0
                                    

LUMIPAD ang tingin ni Gertrude kay Andro. Nagulat siya sa tinuran nitong iyon. Natatandaan na nito ang nangyari? Naaalala na nito na hinalikan siya nito nang gabing iyon ng celebration ng wedding anniversary ng mga magulang nito?

Naramdaman niyang nag-init ang kanyang mukha. Nakaramdam siya ng hiya sa kaalamang natatandaan na nito ang gabing iyon. Ngunit kasabay ng hiya at kaba ay ang hindi niya lubos na maipaliwanag na kaligayahan.

"N-natatandaan mo na?" malakas ang tibok ng pusong tanong niya kay Andro.

Hindi agad ito nakasagot. "No," pagkaraan ay tugon nito.

"Pero pa'no mo nalamang—"

"Then I'm right," putol nito sa sasabihin niya. "No'ng gabi ngang iyon nangyari ang—"

"How come na alam mo?" naguguluhang tanong niya.

"Nabanggit kanina ng Kuya Alejandro na ikaw raw ang nakita niyang nakaalalay sa akin pabalik sa villa nang makita niya tayo. Lasing daw ako noon at ni hindi na makatayo nang diretso. Ikaw raw ang kasama ko noon," paliwanag nito.

Nabanggit pala ng Kuya Alejandro nito ang tungkol doon at hindi nito kusang naalala. Lihim niyang pinagalitan ang sarili nang makaramdam ng lungkot at sakit sa kanyang dibdib.

"Gertrude, tell me what happened that night. Tell me how it happened," anito sa kanya.

"Bakit ba kailangan mo pang malaman ang tungkol doon?"

"Dahil hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang buong pangyayari. Hindi ako matahimik sa isiping baka nasaktan kita kaya ganoon na lamang ang galit mo sa akin nang hindi sinasadyang maibunyag mo sa akin ang tungkol doon no'ng isang gabi. Did I... did I hurt you or something? May sinabi ba ako sa'yo ng hindi maganda no'ng gabing iyon? Did we... I mean, bukod sa halik, mayroon pa bang—"

"Wala na!" pabiglang bulalas niya. "It was just a kiss, okay? Nagalit lang ako dahil... dahil wala kang maalala kinabukasan nang magkasalubong tayo. You didn't even acknowledge we talked that night. Basta parang wala lang nangyari. While in fact we—"

"We what? Please continue."

"Andro, bakit ba kailangan mo pang—"

"We what, Gertrude?" mabilis na turan nito. "What did we actually do?"

"We... We talked," pag-amin niya. She could still remember that fateful night. Ang gabing inakala niyang magiging simula ng pagkakaibigan nila. "We talked like friends. Nai-share mo sa akin ang pangarap mong maging sundalo. Na iyon lang ang tanging bagay na hinangad mo. Ang maging sundalo. You see, Andro, we talked that night as if we were friends. Akala ko... akala ko, kinabukasan, kapag nagkasalubong tayo, ngingitian mo ako at kakausapin dahil ang pakiramdam ko ay naging magkaibigan na tayo nang gabing iyon. But it was only to find out na hindi mo naman pala naalala ang nangyaring iyon. Oh, God! Bakit ba kailangan pa nating pag-usapan ang tungkol doon? Tapos na iyon. Nakaraan na. Nabanggit ko lang iyon noong nakaraang gabi dahil... dahil... dahil iyon ang unang bagay na pumasok sa isip ko. Wala nang iba pang dahilan."

Wala siyang nakuhang reaksiyon mula rito. Basta nakatitig lamang ito sa kanya. Nagsisimula na siyang mataranta sa pagpapaliwanag. Hindi niya alam kung tama ba o wala nang sense ang sinasabi niya.

"Wala kang ginawang masama sa akin no'ng gabing iyon, Andro. Yes, you kissed me, pero iyon lang. Hindi mo ako sinamantala. Kung mayro'n mang masasabing nagsamantala ay ako iyon dahil ako naman iyong hindi nakainom. Kung ginusto ko ay puwede namang umiwas ako sa paghalik mo, na itinulak na lang kita. But I didn't so you don't have to worry—"

Muli na naman siyang natigilan nang makitang nakangisi na nang mga sandaling iyon ang binata.

"Are you trying to tell me, Miss Gertrude Soriano, that you actually liked me, that was why you allowed me to kiss you that night?"

My Love My Hero (Capt. Andro Rosales) - Claudia SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon