Chapter 59

413 15 19
                                    

Jhoana's POV

We're on our way to Batangas. Andon kasi sila papa. Hahaha si Bea ayan bagsak pa din si Mang Berto na nga nagdrive, masakit pa din ulo sa hangover. Nagtataka nga ako, high tolerance yan sa alak tapos ngayon masakit ang ulo.

"Jb, don't wake up your dada, masakit ulo niya," I said kasi tulog si Bea and sa bata mga naka tabi. Tinetrace ni Jb yung nose ng dada niya. Tulog din ng mahimbing yung kambal.

"Mom, look dada may bite din siya ng mosquito, she told me kanina na the mosquito is so big. What if mommy the mosquito bite me and the twins?" sabi ni Jb

Speaking bwisit na Beatriz na yan, kung ano-ano nanaman sinasabi kay Jb. Kagabi ang kulit, ayaw matulog, halik ng halik gusto pa umiscore.

"Oh, don't worry baby, hindi kayo makakagat ng mosquito na malaki, okay? Sleep ka din, I'll wake you up kapag nandon na tayo kala papaLo mo," I said.

"Okay, mom, I love you," He said.

"I love you more," Then natulog nga siya.

Sila Jia kasabay namin sila umalis sa bahay, then sila Maddie madaling araw umalis hindi na kami ginising kasi masyado pang maaga. May emergency flight daw si Zoe. So nagmessage nalang din ako.

Nagkaayos na sila ni Bea, pinipilit ko ikwento ni Maddie, ayaw naman mapilit, kanila nalang daw yon.


Almost 2 hours kami sa byahe and sa wakas nakarating din kami. Ginising ko na sila Jb nauna na nga si Bea at yung kambal naman magkakatabi pa din. Ginising ko yung kambal, nagising naman si Bea.

"Oh love, andito na tayo. Masakit pa din ba ulo mo? Buhatin nalang natin yung dalawa? Baka umiyak kasi pag ginising ko." I said.

"Gisingin natin love para makapagbless din sila kay papa, wag ka magalala ako bahala ako na gigising," she said, tumango ako.

"Ben, Louis," gising ni Bea. Iiyak sana si Louis pero agad kinuha ni Bea.

"Opps, nandito na tayo kala papaLo," si Ben naman nagpapabuhat na din kaya ayan si bea pareho bumuhat.

"Love, akin na si Ben," I said pero bigla ako tinalikuran ni Ben at yumakap sa dada niya.

"Hahaha, ako na love, ayaw niya oh,"

"Sige na nga, tara na,"

Pumasok kami sa loob at agad hinanap ni Bea sila papa at mama.

"Ui ate Bei, andon sila sa pool, nangungulit si Jb kay papa," si Jaja biglang pasok galing sa pool area.

"Sige Ja. Btw, may pasalubong kami pero mukhang binaba na ni Mang Berto hanapin mo nalang," Bea said.

"Sige ate, matagal ka din hinintay nila papa," Jaja said at biglang umalis. Mukha naman nabalisa si Bea.

"Wag ka kabahan love, kasal naman na tayo. Tatlo na anak natin. Ngayon pa ba sila hindi papayag?" I said and ngumiti ng malaki.

"Pa, Ma," tawag ko. Tumingin naman sila si papa deretso tingin kay Bea. Papalapit samin si Papa.

"Twins, bless to your papaLo and mamaLa," Bea said at binaba niya yung kambal. Sumunod siya at nagbless din. Hindi alam ni Bea na nakausap kona sila papa. Sabi sakin ay kung saan ako masaya susuporta sila pero kung gagaguhan lang daw ulit ako ni Bea tigilan na.

"Good morning, sir," sabi ni Bea. Hahaha, sir pa nga hindi tito, takot na takot.

"Good morning," inabot ni Bea yung kamay ni papa at nagbless.

"Nilalagnat ka ba Beatriz?" tanong ni papa. Huh, nilalagnat? Nasa tabi ako ng kambal kaya lumapit ako sa kanya.

"Wala po 'to sir, napagod lang po," sabi ni Bea. Hinawakan ko siya at inaapoy nga siya ng lagnat.

A Story of Love, Lies, and LoyaltyWhere stories live. Discover now