Chapter 11

11.1K 424 399
                                    

Aaron

"Alam mo, Ron, I noticed that you don't sleep with anyone anymore. What's with the sudden change?" Landon asked before shoving a handful of fries into his mouth.

"Oo nga, bro," dagdag pa ni Kieran.

"Tss." I don't know about that myself too. Hindi ko naman pwedeng idahilan na hindi na ako pwedeng mag-uwi sa dorm, kasi why now? Not months ago. Not before Kakashi punched me in the face. But, I just don't find the urge to have sex with anybody for now. "Wala lang ako sa mood, and focus lang ako sa basketball ngayon."

Kieran, Landon, and I decided to go here, sa Black Dog, para mag-refresh pagkatapos ng practice namin kanina. And since tatlo lang kaming pumunta rito, mabilisang inuman lang ang plano namin dito sa bar counter. This time, however, sagot ako ni Landon.

Napasinghal ako.

I really need to convince Mom na bigyan na ako ng allowance. I can't keep living like this anymore.

Kinuha ko ang isang shot glass saka tumungga ng Vodka. Lumingon ulit ako sa likod para tingnan ang nakakairitang si Kakashi na nakikipaglandian pa sa mga babae. Mukha ngang walang interes ang ekspresyon pero nakikipag-usap pa rin.

I know those girls. Palagi rin sila dito, saka galing pa mismo sa ka-sports rival ng El U, Northfield U. So, ganiyan 'yong mga tipo ni Kakashi? Ang akala ko pa naman ang hilig niya ay iyong mga conservative, wholesome, at nerd-ish girls, kagaya niya. Well, we should never really judge a book by its cover.

And didn't he apply here to work? Kasama ba sa work ang mambabae? Napaka-unprofessional. I thought he's top of his class? Ba't hindi niya alam ang workplace etiquettes?

"Ba't ka ba tingin nang tingin kay Levi, bro?" kunot noong ani ni Kieran.

"Oo nga, napansin ko rin," dagdag pa ni Landon.

"Kung hindi lang talaga ako aware na magkaaway kayo, pag-iisipan kita ng iba," sabi ni Kieran sabay halakhak.

Hindi ko sana papansinin 'yon, pero bigla kong na-realize ang ibig niyang sabihin. Agad na nagkasalubong ang kilay ko, at sinamaan ko ito ng tingin.

"What the fuck did you say?" inis na ani ko.

"Wala, bro! Kalma!" ika nito habang humalakhak pa rin, sinabayan pa ni Landon.

I huffed in deep annoyance. "You're saying that I'm gay?"

"Wala akong sinabing ganiyan, bro!" Nagtaas pa ito ng mga kamay sa hangin.

"Hindi mo sinabi, pero pinahiwatig mo."

"Now, you're just being defensive," pag-but in ni Landon, saka kumuha ng fries at kinain iyon.

Napahalukipkip ako saka sumandal sa upuan habang nakasimangot pa rin.

Huh! Never in my life have I liked boys, si Kakashi pa kaya? Si Kakashi na kinasusuklaman ko sa sobrang pagka-sarkastiko, hambog, at... just so goddamn annoying.

Napalingon ulit ako sa likod at nakitang papunta na rito si Kakashi. Napansin ko ang suot nito. Naka-itim itong apron at saka itim rin na cap na may ukit pa ng Black Dog logo, habang may dala-dala pang isang tray.

"Tss. Mukhang gago," bulong ko sa sarili.

"Tingnan mo! Bumubulong pa!" ani ni Kieran, saka humalakhak ulit sila ni Landon.

"Shut up, Kieran," inis na ika ko.

"You know what? Umuwi na kaya tayo? May gagawin pa rin akong activity sa Climatology!" ani ni Landon saka tumayo mula sa inuupuan nitong stool.

The Art Of UsWhere stories live. Discover now